Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 645 - Engagement Party

Chapter 645 - Engagement Party

Masayang humalakhak si Elder Xi habang pinanonood ang palitan nila ng salita. Talagang masayang-masaya ito. Kahit na hindi pa natatapos ang paghihiganti ng Xi family, nakakakita na siya ng pag-asa para sa kinabukasan ng Xi family.

Kumpara kay Tong Yan, si Xinghe ay matalino at wala nang iba pang dinadala sa Xi family kung hindi swerte. Naniniwala siya na kapag ikinasal muli si Xinghe kay Muai, ang buhay nila ay lalo lamang gaganda dahil sa pareho sila ng antas, at ito ay makatutulong na magbigay inspirasyon na umulad ang bawat isa.

Bigla ay nagkaroon ng udyok kay Elder Xi na magyabang kay Elder Shen. Mali si Elder Shen, hindi lamang ang kanyang mga apong lalaki ang perpektong binata, kahit ang kanyang grand daughter-in-law ay ang pinakamahusay sa lahat ng mahuhusay!

Magagalit ng husto si Elder Shen at mapapaubo ito ng dugo kapag nalaman niya ang tungkol dito…

Para ipakita ang kanilang sinseridad, agad na tinulungan ng Lin family sina Tong Yan at Lin Xuan na magdaos ng isang engagement party. Ang bawat tao na may impluwensiya ay inimbitahan, kasama na dito ang Xi family. Ang Lin family ay kailangan silang imbitahan dahil ang pagrerespeto ay mahalaga sa lipunan ng mga Tsino.

Ang Xi family, sa ilalim ng mga nagtatakang tingin, ay tinanggap ang imbitasyon. Gayunpaman, hindi dumalo si Elder Xi, at tanging sina Xinghe at Mubai lamang ang dadalo.

Nang dumating ang dalawa, makikita ang mga kakaibang ngiti sa mga mukha ng Lin family. Nababahiran sila ng kayabangan. Hindi ba't pinaplano ng inyong Xi family na wasakin ang aming Lin family? Ipagpaumanhin ninyo dahil, hindi lamang namin naligtasan ang inyong pag-atake, papunta na kami ulit sa itaas. Kaya naman, pumalpak na ang inyong plano, at sa hinaharap, mahirap masabi kung kaninong pamilya ang masisira!

Buo ang tiwala ng Lin family na ito ay babaguhin ang kanilang kapalaran. Ang kanilang plano ay balik na sa dati at hindi magtatagal ay mailalagay na nila sa ilalim ng kanilang mga paa ang buong mundo!

Sa panahong iyon, dudurugin nila hanggang sa lupa ang Xi family. Kaya naman, ang ugali nila tungo kina Xinghe at Mubai ay puno ng kayabangan. Halos lahat ng taong bumati sa kanila ay naroroon para magyabang.

Mayabang na nagtanong si Elder Lin, "Bakit wala si Elder Xi dito? Inaakala ko na pupunta siya dito. Masyado na ba siyang matanda para makaligtas sa isang piging?"

Ang sarkasmo ay hindi naman nawala kay Mubai. Inihuhudyat nito na si Elder Xi ay wala doon dahil sa masyado itong nahihiya na ipakita ang mukha niya matapos na matalo ng Xi family.

Matapos ang isang may kabuluhang ngiti, mabagal na sumagot si Mubai, "Ang sabi ng lolo ko ay hindi na siya mag-aaksaya pa ng oras sa mga walang kawawaang palabas na tulad nito dahil walang makakapagsabi kung ang kasalang ito ay mauuwi sa maganda o hindi."

Si Elder Lin, siyempre, ay nakuha din ang pahiwatig. Tinutuya ni Mubai ang layunin ng engagement party na ito. Maaari kasing isa lamang itong palabas.

Ang mga mapangkalkulang mga mata ni Elder Lin ay kumislap at sinabi, "Tama siya, walang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa hinaharap. Gayunpaman, may mga bagay na nasusulat na sa bituin kaya naman may mga tao na dapat nang sumuko at tumigil na sa paglaban."

Ngumisi si Mubai. "Napakainteresante naman na pareho kami ng iniisip ni Elder Lin. May mga tao naman talaga na dapat nang sumuko."

Tumawa ng malakas si Elder Lin. "Kung gayon ay makikita natin kung tama ba tayo sa ating mga huli o hindi, gayunpaman, umaasa ako na aalagaan mo ang katawan mo kung hindi ay ikinatatakot kong baka hindi ka makaligtas na makita ang bagay na iyon na mangyari."

Sumagot si Mubai, "Salamat sa pag-aalala, pero sa katapusan, bata pa ako; ang katawang ito ay makakaligtas pa sa akin ng maraming dekada. Kung anupaman, mas nag-aalala ako sa pisikal na kondisyon ni Elder Lin."

"Gayon ba? Kung ganon ay makikita natin kung sino ang mas matagal ang ilalagi." Itinigil na ni Elder Lin ang kanyang pagngiti at lumakad na palayo sa kanila.

Ang tingin ni Mubai ay malamig at hindi mabasa.