"Xiao Ru, maaaring hindi mo ito mapaniwalaan, pero kami ang talagang magulang mo! Ikaw ang anak na babae ng Lin family, ang aming anak!"
Ano?!
Nanlaki ang mga mata ni Shen Ru sa hindi pagkapaniwala.
Tila ba nahudyatan, nagsimula nang umiyak si Old Madam Lin. "Xiao Ru, totoo ito. Kami talaga ang totoo mong magulang. Hindi ikaw ang anak na babae ng Shen family. Wala kang kinalaman sa kanila."
"Xiao Ru, matapos ang napakaraming taon, sa wakas ay may lakas na kami ng loob na sabihin sa iyo ang totoo," dagdag ni Lin Kang ng may tunay na nararamdamang sakit sa kanyang mukha.
Ang utak ni Shen Ru ay punung-puno ng boses! Siya ang anak na babae ng Lin family at hindi sa Shen family… Ano ang nangyayari?!
Napatayo si Shen Ru sa kanyang kinauupuan at galit na pinagsalitaan silang lahat. "Ano ba ang pinagsasasabi ninyo? Nababaliw na ba kayong lahat? Ang Lin family ay talagang nawala na sa katinuan, ginamit na ninyo ang anak ko at ngayon naman ay naisip ninyo ang kabaliwang ito, pagbabayarin ko kayo sa panloloko ninyo sa akin tulad nito!"
Inilabas ni Shen Ru ang kanyang telepono para humingi ng tulong. Pinigilan siya ni Elder Lin ng may pakiusap, "Totoo ang lahat ng ito! Kapag lumabas ito sa publiko, siguradong masisira ka din!"
Napatigil sa ere ang daliri ni Shen Ru.
Nakikiusap din na tumingin sa kanya si Old Madam Lin. "Xiao Ru, isipin mo, hindi ba't tinatrato na kita bilang kapamilya noon pa? Ito ay dahil ikaw ang tunay kong anak na babae."
"HIndi ka anak na babae ng Shen family. Hindi mo ba nakikita na wala kang kamukha kahit isa sa kanila?" Giit pa ni Elder Lin. Agad na namutla ang mukha ni Shen Ru.
Mabilis siyang umiling. "Nagsisinungaling ka! Ako ang anak na babae ng Shen family! May dalawa silang anak at isa ako sa mga iyon, ito ang katotohanan. Siguradong anak ako ng aking ama, lahat kayo ay nagsisinungaling sa akin!"
"Ito ay dahil ipinalit ka simula pagkapanganak," pinal na anunsiyo ni Lin Kang. Nang marinig ito ni Shen Ru, nanigas ang buo niyang katawan.
"Ano ang sinasabi mo…"
Hindi sumagot si Lin Kang pero napabuntung-hininga si Elder Lin at nagpaliwanag ng buong pagsisisi, "Xiao Ru, ito ay isang bagay kung saan nagawan ka namin ng pagkakamali. Maraming taon na ang nakakaraan, si Old Madam Lin at Shen ay buntis ng magkasabay. Nanganak sila sa parehong ospital at parehong babae ang kanilang iniluwal. Nang mga panahong iyon, ang Lin family ay hindi mainam ang lagay, maaari kaming masira anumang sandali. Kami ng iyong ina ay hindi gusto na magkaganoon ang iyong kapalaran, kaya naman hindi na namin pinansin ang aming konsensiya at ipinagpalit ka sa tunay na anak ni Old Madam Shen. Tama nga ang pinakita sa amin ng realidad dahil natamasa mo ng maraming taon ang karangyaan sa pagmamahal ng Shen family. Hindi naman namin plano na sabihin ito sa iyo dahil masaya ka na sa iyong buhay, pero sa ngayon, ay nasa bingit na ng pagkasira ang Lin family, kaya wala na kaming pagpipilian pa kundi pumunta sa iyo para humingi ng tulong."
"Xiao Ru, tama si ama. Maaari akong saksi sa palitang ito noong pagkapanganak mo," dagdag ni Lin Kang.
Nanginginig ang katawan ni Shen Ru habang tinititigan niya ang mga ito. Pinaghalong takot at galit ito dahil nagsimula na siyang maniwala na sinasabi nila ay totoo.
Pero, paano siya naging anak ng Lin family? Siya ang anak na babae ng Shen family!
Wala nang makakapagbago pa ng kanyang katauhan bilang ikalawang anak na babae ng Shen family.
Mariing umiling si Shen Ru. "Ang lahat sa inyo ay nagsisinungaling sa akin, hindi ako naniniwala sa inyo… kahit na mamatay ako, hindi ako maniniwala dito! Pinagbabawalan ko kayong sabihin ang tungkol dito sa akin sa hinaharap kundi ay malaki ang pagbabayaran ninyo! Ang Shen family, Tong family at ang kapatid ko ay hindi kayo mapapatawad!"