ANg alok na ito ay nagpagulat kina Xinghe at Mubai.
Si Mubai ang naunang tumawa. "Perfect, wala akong isyu tungkol diyan."
"..." tahimik si Xinghe; kailangan ba niyang tanggapin iyon ng ganoon lang?
Hindi na hinintay pa ni Elder Xi ang kanyang sagot at inanunsiyo nito ng sarili, "Kung gayon, ayos na pala. Iimbitahan natin ang lahat sa kasalan. Napakatagal na mula nang magdiwang ang ating Xi family at ang kasalang ito ay talaga namang karapat-dapat na ipagdiwang."
Nagpakawala ng sunud-sunod na halakhak si Elder Xi. Wala nang gusto pang iba ang mga nakakatandang Chinese kundi ang mga masuswerteng pangyayari sa kanilang bahay. Nakibahagi si Mubai sa kasabikan ng kanyang lolo pero napakunot-noo siya nang mapansin niya ang kawalan ng emosyon ni Xinghe.
Matapos na umalis ni Elder Xi para mamahinga, hinawakan ni Mubai ang mga kamay ni Xinghe at nagtanong, "Ayos ka lang ba? Tumatanggi ka pa din bang pakasalan ako?"
"Hindi ko pa lamang naiisip ang tungkol sa kasal, iyon lang," matapat na sagot ni Xinghe.
Kumalma ang ninenerbiyos na puso ni Mubai. "Bakit hindi mo ito pag-isipan sa ngayon? Hindi kita pipilitin. Maaari mo akong bigyan ng hudyat pagkatapos ng lahat ng ito at itatanong ko na iyan sa iyo. Kapag may permismo mo na, ay ikakasal tayo, pero kung kailangan mo pa ng panahon, irerespeto ko pa din ang iyong desisyon."
Palagi itong mabait sa kanya. Pero lalo lamang nitong pinahirap ang pagdedesisyon para sa kanya.
Nang tinanong ni Xinghe ang kanyang sarili, wala naman talagang pumipigil sa kanya na magsabi ng oo maliban na lamang sa nauna niyang pagpapakasal dito. Nasisiyahan na siya sa kasalukuyan nilang relasyon at natatakot siya na ang kasal ang magbabago ng lahat.
Hindi siya natatakot na masaktan o pagtataksilan siya ni Mubai, pero natatakot siya na mawalan ng kontrol, na mawala siya sa lambat ng relasyong tapat…
Si Xinghe ay isang taong natural na may tahimik na emosyon, natatakot siya na hindi siya masasanay sa isang tapatang relasyon. Gayunpaman, hindi naman niya nakikita ang sarili na pumipili ng iba maliban kay Xi Mubai, kaya naman ang pagtanggi sa proposal nito ay parang hindi rin naman tama.
Tumango si XInghe. "Salamat, bibigyan kita ng sagot kung ganoon."
Gagamitin muna niya ang oras na ito para ihanda ang kanyang mentalidad.
Pilyong ngumisi si Mubai habang hinihila ito para sa isang masuyong yakap. Bumulong siya sa tainga nito. "Walang problema, gamitin mo ang oras mo para pag-isipan ang lahat; hindi mo kailangang magmadali, at ayoko namang pilitin ka na gumawa ng desisyon. Sana lang ay magpatuloy ka sa pagiging ikaw. Kahit na ano pa ang desisyon mo, tatanggapin ko ito basta ba ito ang magpapasaya sa iyo."
Bahagyang iyinuko ni Xinghe ang kanyang ulo, ang puso niya ay napupuno ng init at giliw.
Handa si Mubai na maghintay alang-alang sa pagrespeto nito sa kanyang damdamin kaya naman dapat ay tumugon din siya ng ganoon. Titingnan niya gamit ang pananaw nito habang nag-iisip siya ng isasagot. Sana, isa itong sagot na makakapagpasaya sa kanilang dalawa…
…
Habang ang Shen family at Tong family ay abala naman na pinakikitunguhan ang Lin family, sina Xinghe at ang Xi family naman ay sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataong makahinga. Si Xinghe ay nabigyan din ng oras na trabahuhin ang mekanikal na puso ng presidente.
Kabubukas lamang ng Xi family ng isang lab sa City A para palawakin ang kanilang negosyo sa artipisyal na braso. Dito ginugugol ni Xinghe ang kanyang araw-araw na pamumuhay. Gayunpaman, walang nakakaalam nito maliban kina Mubai at Lu Qi.
Kahit ang presidente ay iniisip na naghahanap pa sila ng perpektong materyales. Ang Lin family ay iniisip na ang sakit ng presidente ay patuloy na lumalala at kikitil sa buhay nito dahil ang lahat ng materyales na nakukuha nila ay hindi angkop.
Patuloy na lumulubha ang pisikal na kondisyon ng presidente, at ito ang tanging mabuting balita para sa Lin family.
Ang panggigipit ay patuloy na dumarating, pero bago pa man sila natalo, ang Lin family ay nakakita ng isang solusyon para makatulong sa kanila na maligtasan ang trahedyang ito.