Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 621 - Puntiryahin ang Lin family

Chapter 621 - Puntiryahin ang Lin family

Kung kailan inisip ni Xinghe na baka sumobra pa ito sa hangganan, tumigil ito bigla. Pero, kahit na hindi siya tumigil, ay pipigilan niya ito dahil baka hindi makayanan ng katawan nito ang pressure.

Umalis sa pagkakadagan sa kanya si Mubai at mabigat pa din ang paghinga nito nang sinabi nito na, "Palalampasin kita sa ngayon, pero kapag tapos na ang lahat ng ito, magpapakasal na tayo."

Hindi niya gustong masira ang lahat bago ang sagradong gabi ng kanilang kasal. Bibigyan niya ito ng isang gabing hindi nito malilimutan. Gayunpaman, ang ideya ng kasal ay hindi pa sumasagi sa isip ni Xinghe. Ngayong ito na mismo ang nagsabi, pag-iisipan niya ito. Ang tanggapin ito o hindi ay isang diskusyong nararapat sa mga susunod na araw. 

"Maaari nating pag-usapan yan sa susunod, inaantok na ako." Tumalikod na si Xinghe sa kanya at ipinikit nito ang mga mata; ang kanyang mga pisngi ay namumula. Ang naunang mainit na tagpo nila ay talagang nagpakaba sa kanya.

Napangiti si Mubai habang pinapanood ang reaksiyon nito. Niyakap niya ito mula sa likuran at bumulong sa tainga nito, "Okay, sa susunod na lamang kung ganoon."

Habang nilalanghap ang amoy nito, sa wakas ay ipinikit na niya ang mga pagod niyang mata. Pagod siya, pero dahil si Xinghe ay nasa kanya nang mga bisig, nakaramdam siya ng pagkakuntento at kaligtasan.

Sa hinaharap, nangako siya sa sarili na hindi na niya ito iiwanan, at hindi na niya ito pagpapaalalahanin pa sa kanya.

Nang gabing iyon, ito na ang pinakamainam na tulog na kanilang nagawa matapos ang pagsabog. Dahil ligtas na si Mubai sa kanyang tabi, ang pag-aalala ni Xinghe ay napawi na.

Ang natitira na lamang ay ang paghihiganti laban sa Lin family!

Inisip ni Xinghe ang tungkol sa plano na kanya nang nabuo.

Kinabukasan, pinag-uusapan pa din nila kung ano ang susunod nilang gagawin.

"Ano ang iyong susunod na plano?" Tanong sa kanya ni Mubai ng may anino ng ngiti. Gustung-gusto niyang pinanonood si Xinghe na paganahin ang utak nito; ipinapakita nito ang katalinuhan at kasarinlan nito, tulad ng isang reyna na nagdidikta sa kanyang bansa.

Ang grupo ni Ali ay nag-uusisa din kung ano ang mga plano niya.

Bahagyang ngumiti si Xinghe. "Siyempre, ito ay ang magsampa ng kaso laban kay Tong Yan."

Nagulat si Ali. "Pero hindi ba't sinabi mo na hayaan siya sa ngayon?"

"Siya ang magiging puwang para tirahin ang Lin family, kaya paano natin siya hahayaan na lamang basta?"

"Pero kahapon…" naguluhan din si Sam.

Nagpaliwanag si Xinghe, "Iyon ay dahil, sa bandang huli, hindi tayo makakapaglagay ng totoong kaso talaga laban sa kanya. Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito ay hahayaan na lamang natin siya basta-basta. Tanging sa pagpuntirya sa kanya ay lalo lamang titindi ang galit ng Tong family, Shen family, at ng presidente laban sa Lin family."

Hindi maiwasan ni Mubai na ngumisi. "Plano mong gawing kalaban ng publiko ang Lin family?"

Tumango si Xinghe. "Ang Xi family kung nag-iisa ay hindi makakagawa ng kahit na ano laban sa Lin family, pero kapag pinagsama-sama gamit ang kapangyarihan ng Shen family, Tong family, at nang presidente, tingnan natin kung makalusot pa mula sa isang ito ang Lin family."

"Xinghe, napakahusay naman!" Humahangang nakatingin sa kanya si Ali. "Nakikita ko na ang ibig mong sabihin ngayon, hahabulin mo sila ng gamit ang patalim ng iba."

Tumango si Xinghe ng may ngiti. "Bingo."

Ngumiti si Cairn. "Hindi siguro nalaman ng Lin family na binigyan ka nila ng tamang armas noong pinagtangkaan nila ang buhay mo."

Nagsimulang tumawa si Sam. "Tanging ikaw lamang ang makakagamit ng lahat ng perpekto. Kung alam lamang ng Lin family kung ano ang pinaplano mo laban sa kanila, siguradong susuka sila ng dugo sa sobrang pagsisisi."

Naisip na din ni Mubai ang planong ito pero masaya siya para sa kapakanan ni Xinghe. "Napahusay naman na nakaisip ka ng magandang plano na ito."

Kumurap si Xinghe sa kanya. Pakiramdam niya ay hindi naman ganoon kahirap malaman ang plano. Pero muli, kahit na sinong babae ay maaaring walang abilidad na gamitin ang sarili niyang sitwasyon para magsagawa ng kontra na pag-atake pagkatapos na pagkatapos ng pagtatangka sa kanyang buhay. Hindi lamang iyon, ang plano niya ay idinamay pa ang lahat ng makakapangyarihang pwersa na nasa City A.