"..."
"Ang buhay ng ekonomiya ng City A at City T ay nasa aking mga kamay; kung hindi ko magagawang maglakad palabas ng buhay sa lugar na ito, ang ekonomiya ng parehong siyudad ay babagsak! Sigurado ako na alam na ninyo ang ibig sabihin nito."
Nagulantang ang security. Kahit ang presidente at ang asawa nito ay nagtataka. Nangahas si Mubai na gamitin ang ekonomiya ng bansa para pagbantaan sila!
Ang City A at ang City T ang pinakamalalaki at pinakamauunlad na siyudad ng Hwa Xia. Ang City T ay maituturing na business at economic hub ng bansa. Ang Xi family ay may hawak sa merkado ng City T at kalahati ng merkado ng City A. Kung talagang nasiraan na ng ulo si Mubai at ibagsak ang ekonomiya ng dalawang siyudad na ito, ang buong bansa ay mapupunta sa kaguluhan!
Hindi lamang iyon, magbibigay din ito sa ibang bansa ng pagkakataon para mapasok ang Hwa Xia at maaaring magsimula ang isang internasyonal na digmaan…
Sa pangwakas, ang ekonomiya ay masyadong importante; kapag nasira, ang konsikuwensiya ay hindi kakayanin ng imahinasyon!
Kaya naman pala nangahas si Xi Mubai na sumugod sa bahay ng presidente, nakapaghanda na pala ito ng husto.
"Kaya sabihin ninyo sa akin, sa tingin mo ba ay makakaalis ako dito ng walang galos matapos kitang patayin o hindi? Isa pa, ang papatayin ko ay isang tao lamang na nararapat patayin!" Pinukulan ni Mubai ng matalim na tingin ang security gamit ang mga mata na nagsasabihing hindi siya nagbibiro.
Papatayin talaga niya ako; hindi siya nagbibiro. Ang security guard ay nasabak na dati sa digmaan at alam na niya kung nagbibiro ang isang tao tungkol sa pagpatay. Kapag hindi niya sinabi ang katotohanan, mamamatay siya.
Gayunpaman, tumatanggi pa din siyang aminin ang katotohanan, umaasa kay Mubai na hindi ito mangangahas na gumawa ng karumal-dumal na krimen sa harapan ng napakaraming saksi!
"Hindi ka mangangahas, hindi ka mangangahas na patayin ako dito…"
"Ganoon ba?" Pinatalim ni Mubai ang kanyang tingin at mariing pinindot ang gatilyo.
Sa sandaling pumailanlang ang putok, agad na yumuko at lumuhod sa sahig ang security guard ng hindi sadya. Ang lahat ay nagulat; baliw na si Xi Mubai!
Talagang ipinutok niya ang bala!
Hindi naman naapektuhan si Mubai na may pinaputukan siya. Ang security na halos kakaiwas lamang sa kamatayan ay pinagpapawisan na ng malamig. Kung hindi siya umiwas sa pinakahuling minuto, ay talagang patay na siya.
Talagang… papatayin siya ni Mubai…
"Bakit ka nagtago?" Ang baril ay tumutok muli sa kanya. Pinandilatan siya ni Mubai ng walang emosyong pares ng mga mata at ang labi nito ay nakangisi. Ang mga salita nito ay sinadyang pinabagal, pero ang bawat salita nito ay nagdulot ng hilakbot sa likuran ng lahat.
"Kung takut na takot ka kay kamatayan, ay maaari kitang hayaang mabuhay, gayunpaman mayroong isang tao na maghihirap bilang kapalit mo. Sigurado akong may pamilya ka, tama? Bakit hindi tayo magsimula sa kanila? Sisiguraduhin kong maghihirap muna sila hanggang sa mamatay sila. Ang mga magulang mo ay magsisimulang kolektahin ang katawan ng kanilang mga anak dahil magsisimula ako sa pagpatay sa mga kapatid mo. Sa bandang huli, hahayaan kitang mabuhay para makita mong maghirap ang mga magulang mo, at ang bawat pahirap sa kanila ay dahil sa iyo. Kaya, kung ayaw mo pa ding sabihin sa amin ang totoo, hindi mo lamang ipapahamak ang sarili mo kundi pati na ang lahat ng mahalaga sa iyo! Huwag mong isipin na hindi ko tinutupad ang mga salita ko, kung may nangyaring masama sa babae ko, magsimula ka nang bumili ng mga kabaong ng bultuhan—"
Nanlaki ang mga mata ng security sa takot. Ang Xi Mubai na ito ay nakakatakot at baliw na! Nawala na siya sa katinuan. Dahil lamang sa tumanggi akong sabihin sa kanya ang totoo, pahihirapan na niya ang pamilya ko…
Isa pa, ito ang bahay ng presidente, saan niya nakukuha ang lakas ng loob na gawin ang mga ito sa harap ng presidente?
Si Mubai ay nakakatakot na tila mensahero na mula sa impiyerno, pero sa wakas ay nasabi na niya ang kanyang punto, na para sa kapakanan ni Xinghe, ay wala siyang titigilan.