Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 599 - Bigyan Sila ng Palabas

Chapter 599 - Bigyan Sila ng Palabas

"Bakit? May problema ka ba sa mga akusasyon ko? Ang totoo ay isa kang babaeng walang silbi; mali ba ako doon? Well, tinanong ko ang lahat ng narito noon, hindi ba't isa siyang babaeng walang silbi?"

Siyempre, wala ni isang nangahas na sumalungat kay Tong Yan. Si Lin Qian ang unang sumagot para ibigay ang kanyang opinyon. Malinaw niyang sinabi, "Xia Xinghe, isa kang babaeng walang silbi. Wala kang alam tungkol sa medisina; iyan ang totoo, kaya hindi ko lubos na maisip kundi magtaka kung paanong ang presensiya mo dito ay makakatulong sa presidente."

"Tama iyon. Miss Xia, matagal ka nang nandito, pero wala ka pang ginagawa na kahit ano. Hindi namin maiwasan kundi kumampi kay Miss Lin."

"Hindi naman sa sinasadya naming gawing mahirap ito para sa iyo, pero hindi mo naman tinutulungan ang sarili mo. Kung talagang karapat-dapat ka na naririto, ipakita mo sa amin, para makita namin na nagkamali kami."

"Sige," biglang pangako ni Xinghe. Ikinagulat ito ng madla.

Idinagdag pa niya na, "Kung gusto ninyong lahat ng isang palabas, kung ganoon ay ipapakita ko sa inyo ang isang palabas."

Natigilan si Tong Yan at nagtanong, "Talaga bang ipapakita mo sa amin ang kakayahan mo?"

"Tama iyon, hindi ba't ito ang gusto ni Miss Tong?" Balik-tanong sa kanya ni Xinghe.

Tumawa ng malakas si Tong Yan. "Seryoso ka ba? Huwag mo akong patawanin. Ako na mismo ang susuka na may utak ka pagdating sa negosyo, pero pagdating sa medisina, ay mas mababa ka pa kaysa sa baguhan. Kung talagang may magagawa ka na makakapagpatunay nito, tatawagin kitang Big Sister!"

"Hindi na iyon kinakailangan, hindi ako interesado na magkaroon ng kahit anong kinakapatid." Direktang tinanggihan siya ni Xinghe; hindi niya tatratuhing iba dahil lamang sa pangalan nito ay Tong Yan. Ang dalaga ay namumula sa galit.

"Xia Xinghe, paano mo nagawang tratuhin ako ng ganito?! Kung isa lamang itong pagkukunwari, tingnan mo kung paano kita turuan ng leksiyon."

"Xia Xinghe, sumosobra ka na talaga dito!" Tumulong si Lin Qian kay Tong Yan. "Pero hindi na namin ibababa pa ang sarili namin para pakitunguhan ang isang tulad mo. Ngayon ay kailangan mo lamang ipakita sa amin ang kakayahan mo at kapag nabigo ka, ay kinakailangan mo nang lumayas sa bahay ng presidente."

Tumango si Xinghe at sinabi sa Madam Presidente na, "Madam, sumunod po kayo sa akin kung ganoon."

Walang salita na tumango ang Madam Presidente dahil gusto din niyang malaman kung may kakayahan na mapagaling ni Xinghe ang presidente.

Nanguna si Xinghe sa daan at sumunod sa kanya si Lu Qi. Ngumiti ito sa sarili niya, mamaya lamang at ang grupo ng mga tupang ito ay makikita kung ano ang kahulugan ng tunay na kakayahan!

Sinabi nila na walang silbi si Xinghe? Siya mismo mag-isa ay maaaring tumabasan ang pinagsama-samang talento ng lahat ng naroroon. Hindi na makahintay pa si Lu Qi na magsimula ang pananampal sa mukha ng mga ito. Ang pagsampal sa mukha ng mga ito ay siguradong mas magiging kasiya-siya dahil ang mga taong ito ay hindi naniniwala kay Xinghe; naghihintay ang mga ito na gawing kakatawanan nito ang kanyang sarili.

Ang hindi nila alam, sila ang mga kahiya-hiyang mga hangal.

…

Hindi nagtagal at dinala sila ni Xinghe sa lab ni Lu Qi. Ang lab ni Lu Qi ay malaki, pero ang pinakamalaking kagamitan doon ay isang supercomputer. Ito ang tanging bagay na hiningi ni Lu Qi nang tinanggap nito ang trabaho. Maliban doon, ang lab niya ay wala ng laman.

Sa sandaling pumasok si Tong Yan, ay nanghahamak nitong sinabi, "Ang Xia na ano, bakit mo kami dinala dito? Wala naman na kung ano dito maliban sa malaking espasyo."

Hindi na nagpaliwanag pa si Xinghe kundi ang magsimulang magtrabaho sa computer. Hindi nagtagal, ang screen wall sa kanilang harapan ay lumiwanag, gayunpaman ay walang imahe na nandoon.

Kinuha ni Xinghe ang isang remote at tumayo. Itinuro niya ito sa screen at pumindot ng isang button. Agad ay isang larawan ng puso ang lumitaw. Gayunpaman, ang puso ay mukhang kakaiba kaysa sa normal na puso ng tao.

Ang malinaw na boses ni Xinghe ay pumailanlang sa kaparehong oras.

"Ang nakikita ninyo sa harapan ninyo ngayon ay hindi isang buhay na puso kundi isang mekanikal na puso!"