Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 588 - Lumipat sa Bahay ng Presidente

Chapter 588 - Lumipat sa Bahay ng Presidente

Napakaraming naggagandahan at naglalakihang gusali, at maraming security guard ang nakatalaga kahit saan. Matapos na lumampas ng kotse sa pinakahuling checkpoint, nakita ni Xinghe si Lu Qi na naghihintay sa kanya sa gilid ng isang gusali.

Nang makita siya nito, naging maliwanag ang ngiti nito. Nang tumigil na ang kotse, lumapit pa ito para tulungan siyang ipagbukas ng pintuan.

Ang mga nagpapatrolyang guwardiya ay naintriga. Sino ba ang babaeng ito na kahit ang tanyag na si Doctor Lu, ang apo ni Senador Lu, ay personal na pupunta para sumalubong?

"Sa wakas ay nandito ka na," sabi ni Lu Qi nang may maliwanag na ngiti. Tumango si Xinghe at lumabas na ng kotse.

Dumerekta na sa punto si Lu Qi, "Halika na, igigiya na kita sa iyong silid."

Isang grupo ng mga sundalo ang dumating para tulungan si Xinghe sa kanyang mga bagahe. Hinila na ni Lu Qi si Xinghe habang ipinakikilala siya nito sa mga lugar na pag-iinteresan niya.

"Ang puting gusali na iyon ay ang gusaling medikal, ang sa tabi nito ay mga hostel. Nakikita mo ba ang puting villa sa may kalayuan, iyon ang personal na tahanan ng presidente…"

Tahimik na tumango si Xinghe, pero hindi siya napahanga ng mga bagay na nandodoon.

Nakita ni Lu Qi ang kawalan ng kanyang reaksiyon at hindi maiwasang hindi makaramdam ng kabiguan. "Bakit mukhang hindi ka interesado sa mga bagay na nandito?"

Kahit siya ay nagulat sa laki ng mga bagay dito noong una siyang dumating. Si XInghe ay mas kalmado pa kaysa sa kanya noon.

"Ang laki ng lugar na ito ang nakasorpresa sa akin," mahinang sabi ni Xinghe, na ipinakikita ang kanyang pagkagulat, kahit na mahirap na tawagin ang naranasan niya ay shock.

Walang nagawang napabuntung-hininga si Lu Qi. Nalaman niya na ganoon nga si Xinghe, hindi agad natitinag sa halos lahat ng bagay. Hindi nagtagal ay narating na nila ang mga hostel.

Maaaring tinatawag silang mga hostel, pero sa katotohanan ay mga studio apartment sila. Ang bawat apartment ay maganda ang pagkakadisenyo. Kahit na mayroon lamang isang silid-tulugan at isang sala, ang lugar ay tama lamang ang laki para sa nag-iisang tao na makapamuhay ng kumportable. Ang mga apartment ay nahahati ng ayon sa kanilang kasarian kahit na ang gusali ay magkakakunekta. Matapos na dalhin ni Lu Qi si Xinghe sa kanyang silid, iminungkahi nito na sila ay pumunta na para maghapunan.

"Ang kantina dito ay parang restawran. Halika na, sigurado akong gutom ka na."

Umiling si XInghe. "Hindi ako nagugutom, ano na ang susunod na dapat kong gawin?"

"Tulungan mo ako sa disenyo ko at matapos iyon ay buuin iyon sa lalong madaling panahon," sagot ni Lu Qi.

Tumango si Xinghe. "Kung ganoon ay simulan na natin."

"Hindi na kailangang magmadali." Tumawa si Lu Qi. "Masyado nang malalim ang gabi, magpahinga ka sa ngayon at magsisimula na tayo bukas ng umaga."

"Ayos lang din iyon."

"Kung hindi mo gustong pumunta sa kantina, maaari kang magluto. May mga sangkap naman sa kusina. Kung may kailangan ka, maaari mong tawagan ang service number, heto ang listahan ng mga numero," ipinasa sa kanya ni Lu Qi ang isang aklat ng mga numero ng telepono.

Tinanggap ito ni Xinghe at matapos ay tumango. "Salamat."

"Kung gayon ay aalis na ako. Kung may kailangan kang kahit ano, tawagan mo ako. Nasa kabilang gusali lamang ako."

"Okay."

Kahit na sinabi ni Lu Qi na ang lahat ng kailangang sabihin, nagpatuloy ito sa pagbibilin tulad ng isang nakakatandang kapatid bago ito umalis. Hindi alam ni Xinghe na may kadaldalan pala ito. Naging tao ito sa kanyang paningin. Dahil ang impresyon niya na natatak sa kanyang isip ay isang medikal na siyentipikong may pagkabaliw.