Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 583 - Inimbitahan ng Presidente

Chapter 583 - Inimbitahan ng Presidente

Sa ibang kadahilanan, pakiramdam niya ay may mas malaki pang nangyayari kaysa sa nakikita niya.

Gayunpaman, hindi nagtagal ay nalaman na niya kung ano ang nangyayari nang hinila siya ni Lolo Xi sa isang tabi at ipinaliwanag sa kanya ang lahat. "Lu Qi, wala na kaming maisip na ideya sa ngayon, kaya kailangan na naming subukan ang lahat. Kung makukuha ng Lin family ang presidensiya, katapusan na naming lahat. Kaya naman, kakailanganin ka naming abalahin sa ngayon, kailangan mong ibigay ang lahat para mapagaling ang kanyang karamdaman, at kung hindi mo kaya, ay gawin mong mapatagal ang hindi maiiwasang mangyari hanggang sa kaya mo."

"Ah, kaya pala." Tumango si Lu Qi. "Masyado akong naging abala nitong mga nakaraan kaya naman ang isang malaking balita tulad nito ay nawaglit sa utak ko. Elder Xi, huwag kang mag-alala, alam ko na ang gagawin ko. Susubukan kong huwag kayong biguin!"

"Salamat, ako na ang kumakatawan sa buong Xi family ay nagpapasalamat sa iyo," sabi ni Lolo Xi ng may malaking pasasalamat.

Ngumiti si Lu Qi. "Hindi na kailangan pa ng maraming seremonya. Ang dalawang pamilya natin ay matagal ng magkakaibigan; masaya ako na makakatulong ako."

Pero kahit na, nagpapasalamat pa din si Lolo Xi dahil nabigyan sila ng pag-asa. Ang Xi family ay hindi agad babagsak dahil napakaraming tao ang handang tumayo sa kanilang tabi…

Noong gabi na iyon, hindi nagpahinga ang Xi family. Kinabukasan, bago pa sumikat ang araw, ang balita na nagawang isalba ni Lu Qi ang buhay ni Mubai mula sa bingit ng kamatayan ay kumalat sa buong internet.

Hindi lamang iyon, kinatawan pa si Jiangsan ng Xi Empire para mag-donate ng sampung bilyon sa charity at limang bilyon para sa medikal na pondo ni Lu Qi.

Ang balitang ito ay nagdala ng maraming agos sa buong bansa. Babalik na si Xi Mubai at ang Xi Empire ay napakagalante!

Ang balitang ito ang pinaka pinag-uusapan sa Hwa Xia. Naging trending ang paksa na ito sa lahat ng search engine. Kaya naman kahit ang mga tao sa City A ay alam ang balitang ito.

Isa pa, nagmula sa isang magandang pamilya si Lu Qi at tanyag na sa kakayahan niyang manggamot, kaya naman ang katotohanan ng balitang ito ay hindi kinukuwestiyon. Tulad ng inaasahan, sa araw na iyon, ay nakatanggap ng misteryosong tawag si Lu Qi mula sa City A. Talagang ipinatatawag siya para gamutin ang presidente!

Gayunpaman, ang balitang may sakit ang presidente ay hindi pa nailalabas, kaya naman umalis ng walang pasabi ni Lu Qi; ang tanging partido na nakakaalam nito ay ang Xi family. Nang nasa City A na si Lu Qi, pansamantala ay hindi na kinailangan pang umalis ni Xinghe. Kung mapapagaling ni Lu Qi ang karamdaman ng presidente, mabibigo ang plano ng Lin family.

Hindi lamang iyon, marahil ay makakagawa pa sila ng pagkakamali dahil sa pagmamadali. Ang pagkakataon na matagal na nilang hinihintay sa kanilang buhay ay biglang mawawala, paanong hindi sila matataranta?

Sa sandaling nawala ang pagiging kalma ng mga tao ay ang sandaling makakagawa sila ng mga pagkakamali. Ito ang mga eksaktong sandaling hinihintay ni Xinghe!

Tulad ng inaasahan ni Xinghe, ang pagdating ni Lu Qi ay ikinagulat at ikinainis ng Lin family. Matapos na dumating ni Lu Qi sa bahay ng presidente ay saka lamang nila nalaman ang tungkol sa presensiya nito. Si Madam Presidente pala ang personal na nag-imbita kay Lu Qi, kaya ang balita na ito ay nagawang isekreto mula sa lahat.

"Madam, dapat ay kinausap mo muna kami bago inimbita si Lu Qi," pawalang-bahalang sabi ni Elder Lin, kahit na ang intensiyon niya ay higit pa doon. Siya din, ay nakarinig na ng tungkol kay Lu Qi dati at sinusubukan niya ang lahat ng magagawa niya para hindi mahanap ito, pero sa bandang huli ay nabigo siya.

Isang bagay na kung hindi mailigtas ni Lu Qi ang presidente, pero paano kung magawa niya?

Ang lahat ng inihanda nila ay mapupunta sa wala. Ang mga kaisipang ito ang nagpadilim sa puso ni Elder Lin.

Siyempre, walang kaalam-alam si Madam Presidente sa tunay nitong iniisip. Inakala niya ito na may mga pag-aagam-agam ito sa kakayahan ni Lu Qi.