Ang hindi nila alam ay mas higit pa doon ang galit ni Lin Jing. Kung ang jewelry showcase ng Xi Empire ay isang malaking tagumpay, ano na lamang ang mangyayari sa plano niyang kainin ang Xi Empire?!
Paano na lamang ang lahat ng pagod na pinagdaanan niya kanina?
Ang pagkainis na ito ay nakapagpagalit sa kanya ng walang humpay. Paanong siya, si Lin Jing, na puro tagumpay sa kanyang buhay ay matalo sa isang babaeng tulad ni Xinghe?!
Ikinuyom ni Lin Jing ang kanyang mga kamao at madilim na tumawa. "Tama iyon, mayroon nga akong gustong sabihin."
Ano? Gusto talaga niyang magbigay ng mga komento?
Ngumiti si Xinghe. "Mabuti ngang ibahagi mo sa amin ang mga komento mo; gusto naming umunlad pa."
"Hindi ba't dapat ay isa itong showcase na walang katulad?" Mapanghamong panlalait ni Lin Jing. "Hindi ako nagulat dito! Kapag wala ang pagkagulat na iyon, hindi ito matatawag na isang showcase na walang katulad!"
Nagulat ang mga tao sa sinabi niya. Nakakasuklam talaga ang babaeng ito. Kailan pa siya naging tagahatol ng mga kahulugan ng salita? Kailangan ba ng permiso niya para matawag na walang kapantay ang isang showcase? Halata namang pinupuntirya niya ang Xi Empire; gagawin niya ang lahat ng sa kanyang kapangyarihan para mapigilan ang iba na matawag itong isang tagumpay.
Hindi nila inakala na si Lin Jing ay isang taong kakutya-kutya, hindi mapaliwanagan, at makitid ang utak. Ang tingin nila dito ay nagbago. Kanina, may intensiyon pa silang mapalapit dito, pero talaga bang may saysay pa na pasiyahan pa ang isang nakakasuklam na babaeng tulad nito?
Isang walang pusong tao na tulad nito ay maaaring tratuhin silang bagay na pwedeng itapon.
Si Lin Jing, siyempre, ay walang pakialam sa opinyon ng publiko tungkol sa kanya. Ang misyon niya ng araw na iyon ay siguraduhin na papalya ang showcase ng Xi Empire at ito ang may pakialam siya. Kailangan niyang makuha ang Xi Empire.
"Isang pangit na pink diamond at nangangahas na kayong tawagin itong showcase na ito na walang katulad? Huwag ninyo akong patawanin. Aaminin ko na isa itong interesanteng showcase, pero tawagin itong nag-iisa, marami akong isyu tungkol doon. Hanggang talagang ma-shock ninyo ako at gawin ang gabing ito na isang gabi na hindi ko malilimutan!"
"Miss Lin, ang hinihingi mo ay talagang… magulo," maingat pero deretsong sinabi ni Ou Yang Qin. Sinasadya nitong gawing magulo ang lahat.
"Sa tingin ko ay ang mga hinihiling ko ay hindi naman labis; makatwiran pa nga sila," sagot ni Lin Jing ng may seryosong mukha.
"CEO Lin, ayokong isipin na may makakagawa na ibigay sa iyo ang shock value na hinahanap mo," may bumulong na sumagot sa kanya.
Mayabang na sumagot si Lin Jing, "Walang limitasyon sa kalawakan. Maaaring hindi mo ito magawa, pero paano ka nakakasiguro na walang makakagawa nito? Kung ang Xi Empire ay hindi ito magagawa ay dapat hindi labis ang sinabi nila noong simula pa lamang. Ang mga exhibit dito ay talagang maganda, pero dahil sa pagmamalabis ng Xi Empire, ang showcase na ito ay isang kasinungalingan at pumalpak ng lubusan! Kaya naman, ang Xi Empire ay wala kundi lusak na nagsinungaling sa bawat isa sa atin!"
Sumimangot ang lahat. Sumobra na si Lin Jing sa linya na ang linya ay isa na lamang tuldok para sa kanya. Ang katunayan ng mga salita niya, ang kanyang kalupitan at hindi makatwirang pag-uugali ay nagpapangit ng impresyon ng ilang tao sa kanya. Dahil sa kanya, ang lugar ng Bao Hwa sa puso ng lahat ay bumaba ng husto.
Tahimik na tisinusukat siya ni Xinghe. Kaharap ang mga insulto ni Lin Jing, hindi siya tuluyang natinag. Ang kayumian at ugali ng dalawang babae ay hindi maikukumpara.
Gayunpaman, hindi nagtagal ay nalaman nila kung bakit tahimik si Xinghe. Mas gusto niyang manampal ng mukha kaysa makipagpalitan ng salita!
"Lin Jing, dahil gusto mo ng pagkagulat sa iyong buhay ay tutuparin ko ang kahilingan mo. Sisiguraduhin ko na matatandaan mo ang gabing ito hanggang sa nabubuhay ka. Buksan mo ang iyong mga mata at tingnan kung ano ito!"
Inirolyo ni Xinghe ang dokumento sa kanyang kamay at itinapon ito kay Lin Jing...