Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 558 - Jewelry Showcase

Chapter 558 - Jewelry Showcase

Kaya naman, ang tanging gamit niya ay maging kasangkapan para maialis ang imbestigasyon palayo mula sa Lin family. Ngayong wala na sa eksena si Xi Mubai, ang plano nila ay muling nagsimula. Kung alam lamang nila na si Mubai ang unang domino, dapat ay noon pa nila ito inalis. Pero muli, mabuting na ang huli kaysa hindi.

Inisip nina Lin Xuan at Lin Jing na ang Xi Empire ay nasa kanila na at dinala ni Lin Jing ang kanyang grupo patungo sa City T na ang misyon ay dalhin ang huling dagok sa Xi family. Ang hindi niya alam ay siya pala ang mabibigyan ng pinakamalakas na sampal.

Ang jewelry showcase ay ginanap sa museo ng City T. Ang showcase ay para lamang sa isang araw at ang pagdalo ay nalilimitahan lamang sa mga imbitado. Gayunpaman, ang listahan ng mga panauhin ay mahaba. Inimbitahan ni Xinghe ang halos lahat ng mga mag-aalahas ng bansa, mga artista, at media.

Maagang dumating si Lin Jing at ang kanyang grupo sa museo. Gayunpaman, nang pumasok sila sa museo, ang lugar ay puno na. Nang makita siya ng iba pang mag-aalahas, lumapit ang mga ito sa kanya tulad ng isang alitaptap na tumutungo sa apoy.

Si Lin Jing ang bituin ng piging, at lalo nitong pinataas ang kanyang ego. Ang mukha niya ay kumikislap sa sobrang tiwala sa sarili. Kahit ang media ay hindi mapigilang kumuha ng mga larawan niya. Isa siyang matagumpay na negosyante, at higit pa doon, bata pa siya at maganda: isang natural na nakakaagaw ng pansin.

Inaalalayan ng lahat, gumala si Lin Jing sa buong showcase.

"Ito lamang ba ang lahat para sa jewelry showcase ng Xi Empire?" Tanong ni Lin JIng matapos na maikot ang lugar, ang kanyang boses ay punung-puno ng panunuya. Ang mga bagay na nakadisplay ay masyadong mababa ang uri para sa kanya!

Ang ilang alahas ay may halaga, pero kung dami o kalidad ang pag-uusapan, hindi ito matatawag na walang katulad. Ang totoo, marahil ay isa lamang hamak na mag-aalahas ang makakaisip ng isang showcase na ganito.

Siyempre, alam ni Lin Jing na marami pang inihanda ang Xi Empire kaysa dito, ngunit hindi niya maiwasang kutyain ang kanyang kalaban.

"CEO Lin, narinig ko na ito lamang ang mga basic display. Ang pinaka importanteng exhibit ay ipapakita mamaya," sulsol ng isang mag-aalahas.

"Ang mga ito ay talagang basic, mas masahol pa kaysa sa mga binebenta ng aking Bao Hwa flagship shops," biro ni Lin Jing pero ang kanyang intensiyon na manuya ay hindi lingid sa madla. "Pero sigurado ako na hindi tayo bibiguin ng Xi Empire."

"Pero siyempre, sa tingin ko ay hindi nila magagawang makipagkumpetensiya sa Bao Hwa ni CEO Lin."

"Tama iyon, maaaring nasukol na ng Xi Empire ang merkado sa ibang industriya, pero kung alahas ang pag-uusapan, walang makakatalo sa Bao Hwa."

"Narinig ko na ang halaga ng Bao Hwa ni CEO Lin ay higit sa sampung bilyon sa assets."

"Iyon ay sa pagiging mabuti lamang sa amin ng magazine," pagpapakumbabang sabi ni Lin Jing, pero ang ilong niya ay aabot na sa kisame kapag pinuri pa siya.

Panibagong ikot na naman ng pambobola ang nagsimula muli pero wala nang oras pa si Lin Jing na pahinuhuran ang mga ito.

"Nasaan ang host? Bakit hindi ko nakikita ang kahit sino mula sa Xi family?" Tanong niya.

Habang sinasabi niya ito, isang malaking lalaki ang naglakad patungo sa kanya at ngumiti. "Miss Lin, ikinagagalak kitang makita, isa ako sa mga host para sa showcase na ito. Maaari mong iderekta sa akin ang iyong mga katanungan kung mayroon kang nais malaman."

Nagulat si Lin Jing. "Mr. Ou Yang, bakit ka naririto?"

Ang lahat ay nagulat din. Isa ito sa mga mag-aalahas mula sa City A, si Ou Yang Qin. Bakit siya narito? At sinabi niya na isa siya sa mga hosts?!

Ano ang eksaktong nangyari… hindi ba't itong showcase na ito ay ideya ng Xi Empire? Kailan pa siya naging kaparte nito?

Ang pinakaimportanteng bagay ay hindi nila narinig ang tungkol sa mga balita na mangyayari ito.

Related Books

Popular novel hashtag