Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 557 - Sobrang Tiwala sa Sarili

Chapter 557 - Sobrang Tiwala sa Sarili

Ang tingin ni Lin Jing sa kanila ay tila mga tauhan niya ang mga ito at siya ang reyna nila. Dahil siya ang responsable sa lahat. Kung wala siya, ang grupo ng mga taong ito ay wala ding makukuha.

Gayunpaman, sa oras na ito, wala silang alam na wala itong intensiyon na ibahagi ang kita sa kanila; ang Xi Empire ay pupunta lamang sa Lin family at siya na ang magiging pinakamakapangyarihang babae sa mundo!

Ang iisipin ng isa ay may maiisip siyang mas mabuting layunin sa buhay, pero ito lamang pala ang hinahangad niya: kapangyarihan at pera…

Ang reputasyon ng Xi Empire ay tinamaan matapos nilang itigil ang pagbili sa mga stock ng Bao Hwa. Ang mga balita ay nagsimula nang kumalat na malulugi na ang Xi Empire. Kahit ang gobyerno ay naging interesado, dahil, kung talagang babagsak na ang Xi Empire, makakalikha ito ng malaking agos na maaaring makagulo sa buong ekonomiya ng bansa.

Gayunpaman, ang mga gawain ng PR ay hinahawakan ni Jiangsan at ng kanyang mga tauhan. Hindi nila isinali si Xinghe dito dahil kailangan nitong pagtuunan ng pansin ang paghahanda sa nalalapit na showcase.

Si Xinghe, sa tulong ni Ali, ay handa sa mga preparasyon; wala na siyang oras pa para mag-isip sa ibang bagay.

Kinuha ni Lin Jing ang pagkakataong ito para banggain ang Xi Empire. Bumili pa siya ng mas maraming shares ng Xi Empire at nagawa pang pabagsakin ng husto ang reputasyon ng Xi Empire na naging dahilan ng pagbaba ng stock ng kumpanya. Sa maiksing panahon, nagawa niyang mapwersa ang Xi Empire sa pinakamasamang sitwasyon na nakaharap nito.

Gayunpaman, matapos masabihan ng plano ni Xinghe, tumawa si Jiangsan habang kumpiyansang pinanonood ang mga pangyayari. Kumportable siyang nagpapahinga sa kaalaman na ang kalaban nila ay makukuha ang sampal ng siglong ito!

Sa lahat ng mga pwersang naglalaban, ang jewelry showcase ng Xi Empire ay magsisimula na!

Nagpadala ng mga imbitasyon sa lahat ng kilala at maimpluwensiyang mag-aalahas si Xinghe. Siyempre, hindi niya kinaligtaan ang Bao Hwa. Ang mga tao ng Bao Hwa ay siguradong dadalo kahit hindi imbitado; paano nila makakaligtaang puntahan ang isang magandang oportunidad na kutyain ang Xi Empire?

Nagdesisyon na pumunta si Lin Jing para ipangalandakan ang kanyang tagumpay. Nitong nakaraan, ang publiko ay inakala talaga na makakain na ng Bao Hwa ang Xi Empire, kaya naman siya ay pinaligiran ng mga ito, sinusubukang mapaganda ang mga papel nila sa kanya. Ang kanyang ulo ay lumaki ng husto na hindi na ito kapani-paniwala.

Isa pa, kailangan niyang ipakalandakan ang pagkatalo ng Xi Empire.

Bago umalis si Lin Jing para sa City T, tumawag siya kay Lin Xuan para sa isang diskusyon. Magaling ang ginawa ni Lin Jing, kaya naman nasiyahan ng husto si Lin Xuan.

Pahinamad na nahiga siya sa sofa at sinabi, "Ang Xi Empire ay tumigil na sa pagkontra-atake niya nitong nakaraan; mukhang talagang naghihingalo na ito. Kailangan mong pumunta sa showcase na ito para ipakita ang ating pagiging dominante at ibigay ang huling dagok."

Ngumisi si Lin Jing. "Brother, ang Xi Empire ay mapapasa akin na din."

"Ang Xi family ay may malaking kayamanan; patas lamang na ibahagi nila ito sa atin. Dahil hindi na sila magkakaroon pa ng buhay para tamasain ito," sabi pa ni Lin Xuan ng nakangiti, pero may walang katapusang karahasan sa kailaliman ng mga mata nito.

Isa siyang tao na walang puso. Gagawin niya ang lahat para makuha ang kanyang layunin. Maoobserbahan ito sa kung gaano naging kadali sa kanya na patayin si Lin Yun dahil naniniwala siya na maidadamay nito ang Lin family.

Matagal na siyang naglalaway sa kayamanan ng Xi, kaya naman hindi na siya magpipigil pa.

Ang pares ng magkapatid na ito ay sanay na ang mundo ay ibinibigay sa kanila sa pilak na plato, kaya naman sobra ang kanilang kayabangan.

Ang totoo, ang kanilang plano na pabagsakin ang Xi Empire ay matagal nang nagsimula.

Ang una ay gusto nilang mapalapit si Lin Yun sa kanila, at kung ang Xi family ay handang ibigay ang kalahati ng kanilang yaman ay ikukunsidera nilang pawalan ang mga ito.

Gayunpaman, dahil sa nabigo ito, ang plano ay nabago sa pangpe-frame. Kung ang Xi family ay namarkahan na mga kriminal, hindi na nila kakailanganin pang gamitin ang kasalukuyang pamamaraan para kainin ang Xi Empire. Alas, ang planong ito ay pumalya din dahil sa kakulangan ng kakayahan ni Lin Yun.