Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 552 - Sa Wakas ay Natalo ang Xi Empire

Chapter 552 - Sa Wakas ay Natalo ang Xi Empire

Ang kanyang mga desisyon ay palaging mapanganib, pero hindi ito nabibigo. Kung hindi dahil sa kagustuhan niyang harapin ang mga panganib, hindi mararating ng Bao Hwa ang kasalukuyan nitong posisyon. Ang mga shareholder ay sanay na sa paraan niya sa paggawa ng mga bagay.

Gayunpaman, sa oras na ito ang panganib ay napakataas, kaya naman, may pag-aalinlangan pa. Natural lamang na nababasa ni Lin Jing ang pag-aalinlangan ng mga ito.

Ipinayo niya na, "Ito ang pinakamagandang oras para tayo ay sumugod. Wala sa landas natin si Xi Mubai, wala nang oras pa para maging handa ang Xi family sa ating pagsalakay. Kung hindi ngayon, kailan pa natin ito gagawin?"

"CEO Lin, masyadong malaki ang sugal na ito, isa pa ay wala tayong singkwenta porsiyento na kasiguraduhan…"

Kumurba ang mapupulang labi ni Lin Jing para ngumiti. "Kaakibat ng malaking panganib ang malalaking pabuya! Huwag ninyong kalimutan kung paano natin nakuha ang kasalukuyang kayamanan natin! Ito ay dahil sa pamamagitan ng isang panganib pagkatapos ng ilan pang panganib!"

Tumindig si Lin Jing at ibinagsak ang kanyang mga palad sa mesa para magbigay-diin. "Kung magtagumpay ang operasyong ito, ang buong mundo ay mapapasa atin. Ang mundong ito ay pinapaboran ang mayayaman, kaya sabihin ninyo sa akin, gusto ba ninyo na kayo ang pinapaboran o hindi?"

Ang lahat ng mga shareholder ay tila mga bata na napahinuhod ng kanyang mga maalab na salita. Siyempre ay gusto nilang tumayo sa pinakarurok ng piramide ng lipunan. Ang grupo ng mga shareholder na ito ay sumunod kay Lin Jing ng napakatagal dahil mga ambisyosong tao sila. Ito din ang dahilan kung bakit pumayag sila sa desisyon ni Lin Jing na kainin ang Xi Empire sa una pa lamang.

Ngayon na may dagdag na pangungumbinsi mula kay Lin Jing, nawala na ang ilang hibla ng katwiran na natitira sa kanila. Kung hindi takot ang isang babae, paano sila matatakot?

Kaya naman, naniniwala sila sa kanya; may tiwala sila na magagawa talaga niyang tulungan silang mapanalunan ang buong mundo.

"CEO Lin, susuportahan kita!" Ang isa sa mga shareholder ay sabik na isinigaw ito at agad siyang sinundan pa ng iba. "Sinusuportahan din kita!"

"Ako din!"

"CEO Lin, lahat kami ay sinusuportahan ka!"

Nasisiyahang ngumiti si Lin Jing. "Mabuti, masaya ako na nakikita ninyo ang malaking larawan. Ako, si Lin Jing, ay hindi kayo bibiguin. Ang Xi Empire ay mapapasa atin!"

Nagdiwang ang mga shareholder na nasa silid. Ipinaalala nito ang panahon na nagsimula sila. Ang bawat desisyon na ginawa nila ay isang malaking pakikipagsapalaran at ang nararamdaman na naglalakad sa pagitan ng buhay at kamatayan ay nakakasigla.

Isa pa, ang pinakamasayang pakiramdam ay dumadating matapos nilang manalo. Kaya naman, sa oras a ito ay naniniwala din sila na ang mga bagay ay ganoon din ang kahihinatnan, na hindi magtatagal at ang panalo ay mapapasakanila din.

Isa pa, si Lin Jing ay higit pa sa isang risk taker; isa siyang maingat na risk taker. Kahit na may buong suporta ng shareholders, hindi niya ni-liquefy ang asset ng Bao Hwa, imbes ay nagsagawa siya ng fund-raiser.

Nakatanggap siya ng misteryosong donasyon ng limampung milyon matapos ang dalawang araw.

Matapos na maipalabas ang balitang ito, inilunsad ng Bao Hwa ang pag-atake at itinaas muli ang presyo ng stocks ng Xi Empire!

Matapos ang maraming nakakabaliw na digmaan, sa wakas ay nakuha ng Bao Hwa ang una nilang tagumpay laban sa Xi Empire. Kung gusto ng Xi Empire na talunin sila, kailangan nilang doblehin muli ang presyo. Gayunpaman, kapag ginawa talaga nila ito, ang halaga ay napakataas na. Makukuha nito ang atensiyon ng Ministry of Economy na siyang magpapatigil ng kabaliwan.

Ang bola ay nasa korte ngayon ng Xi Empire. Kapag hindi sila nangahas na doblehin ang presyo, ang kamatayan ay naghihintay na sa kanila!

Siyempre, kinontak na din ni Lin Jing ang media para magpakalat ng balita na papalubog na ang Xi Empire.