Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 548 - Ang Xi Empire ay Nandoon Pa Din

Chapter 548 - Ang Xi Empire ay Nandoon Pa Din

Kahit na nagdududa sila sa kakayahan ni Xinghe at nag-aalala na pabibilisin nito ang pagbagsak ng Xi Empire, wala na silang magagawa kundi ang pumayag. Naniniwala sila na panahon lamang ang makakapagsabi na tama sila!

Ganoon na lamang at ang plano ni Xinghe ay sinimulan na. Gayunpaman, ang inisip nila ay masyadong nakakatanga ang plano; naghahanda na silang makita siyang mabigo.

Gayunpaman, ang ganda sa pakiramdam na ang pagbili ng shares ng ibang tao ay hindi maikakaila.

Maaaring malaki ang Bao Hwa, pero ang pag-aari ba nito ay mas malaki pa kaysa sa Xi Empire? Ang isang elepante na malapit na mamatay ay mas malaki pa din kaysa sa langgam.

Kahit na wala si Mubai, ang Xi Empire ay isang malaking imperyo ng negosyo. Kaya naman, dahil nangahas ang Bao Hwa na i-buy out ang Xi Empire, ganoon din ang gagawin nila dito. Sa kumpetisyon ng pera lamang, walang makakatapat na kakumpetensiya ang Xi Empire.

Maaaring hindi sang-ayon ang mga manggagawa ng Xi Empire sa taktika ni Xinghe, pero hindi nila maikakaila ang kasiyahan ng pagbili ng stocks ng Bao Hwa. Isa talaga itong kumplikadong pakiramdam.

Ang balitang ito ay agad na kumalat sa buong bansa. Noong una na pilit na kinakain ng Bao Hwa ang Xi Empire, ang lahat ay nasorpresa sa kung gaano kalakas ang Bao Hwa na nangahas silang hamunin ang Xi Empire.

Gayunpaman, ang Xi Empire ay isang alamat sa mundo ng negosyo. Kahit na wala si Mubai, walang makakapagpabago ng kanilang posisyon sa merkado.

Nang sinimulang bumili ng shares ang Bao Hwa, inakala ng lahat na katapusan na ng Xi Empire, na nakatagpo na ito ng katapat. Pero ang pagganti ng Xi Empire ang nagpagulat sa lahat.

Nangahas ang Bao Hwa na i-buy out kami? Kung ganoon ay bibilhin namin sila, sa halagang tatlong beses kumpara sa presyo sa merkado. Nang binili ng Bao Hwa ang stocks ng retail investor, nasa 1.5 na presyo lamang ito.

Dinoble ito ng Xi Empire ng isang pasadahan lang!

At doon lamang, ang malakas na imahe na binuo ng Bao Hwa para sa sarili nito ay nawasak. Ang natira na lamang ay ang panghahamak ng publiko.

Kung hindi nila hayagang hinamon ang Xi Empire, walang makikialam. Pero masyado silang mayabang para alipustahin ang Xi Empire, ay gumana lamang ito para ipakita ang kalakasan ng Xi Empire at ang yabang ng Bao Hwa. Sa bandang huli, ang reputasyon ng Bao Hwa ay mas bumaba pa kaysa dati.

Ganito kumilos ang mga tao, ang mas mayamang partido ang palaging mananalo. Ang reputasyon ng Xi Empire ay naisalba gamit ang operasyong ito.

Ang grupo ng mga nang-iwan ay nagulat. Ano ang nangyari sa ipinangakong pagbagsak at pagkalugi?

Bakit hindi nauwi ang mga bagay gaya ng utos ng kalikasan? Bakit nagsimulang lumaban ang Xi Empire matapos nilang lumipat?

Mabuti ito dahil ang posisyon ng Xi Empire ay hindi pa din matitinag, pero hindi na sila pupwedeng bumalik pa!

Sa madaling salita, ang grupo ng mga taong ito ay sinisipa na ang kanilang mga sarili.

Ang mga naghintay na bumagsak ang Xi Empire at humanda na para hatiin ang patay na katawan nito para paghati-hatian ang mga kinita ay nagulantang din.

Dahil sa oras na iyon, ay kanilang nalaman, na kahit wala na si Mubai, ang Xi Empire ay nandoon pa din. Ang yaman ng Xi Empire ay hindi nawala kasama ni Mubai. Kaya naman, ang Xi Empire pa din ang pinakamalaki at pinakamalakas na kakumpetensiya sa eksena.

Balik sa City A, galit na galit si Lin Jing matapos niyang makita ang pinakabagong balita. Ang inakala niyang aksidente ni Mubai ay magbiigay sa kanila ng perpektong pagkakataon para kalabanin ang Xi Empire at Xi family.

Ang mga bagay ay napupunta na sa kanilang mga lugar ayon sa kanyang plano.

Related Books

Popular novel hashtag