Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 538 - Pagliligtas kay Mubai

Chapter 538 - Pagliligtas kay Mubai

"...hindi ko sigurado, pero siguro kundi ay hindi naman niya madidisenyo ang memory cells."

"Nasaan ba siya?" Tanong muli ni Xinghe.

Umiling si Xia Meng. "Hindi ko talaga alam; matagal na siyang umalis ng wala man lamang iniwan na mensahe kung saan siya pupunta.

"Alam mo ang tungkol sa Project Galaxy, tama?"

Tumango si Xia Meng. "Alam ko, alam mo din ang tungkol dito, tama?"

"Wala nang kinalaman pa ito sa iyo. Gaano kadami ang alam mo tungkol dito?"

"Sinabi ko na sa iyo ang lahat ng alam ko. Ang tanging bagay na natatandaan ko ay ang sinabi ng tatay ko na kailangan niyang umalis dahil sa Project Galaxy na ito. Matapos noon ay iniwan niya ang dalawang bagay na iyon, sinasabi sa akin na ingatan ko ang mga ito at huwag ibibigay kahit na kanino."

Katulad ito sa sinabi ng ina ni Xinghe sa kanya nang umalis ito. Mukhang wala talagang alam si Xia Meng maliban doon.

"May paraan ba para mahanap ang iyong ama?"

"Sana nga ay mayroon, pero wala. Kung mayroon man, matagal na akong umalis para hanapin siya noon pa," Matapos ang mahabang patlang, nag-aalinlangan na nagtanong si Xia Meng, "Xinghe, kumusta na si Mr. Xi?"

Ang kasalukuyang lagay ni Mubai ay hindi habambuhay na maitatago. Gayunpaman, sa ngayon, ang alam ng buong mundo ay nagpunta ito sa ibang bansa para magpagamot at wala na bukod doon.

"Paumanhin sa istorbo sa iyo ngayon. Mayroon pa akong gagawing iba, paalam."

Hindi sinagot ni Xinghe ang kanyang tanong ngunit tumayo na lamang at umalis.

Ang mga nakakaalam ng tungkol sa Project Galaxy ay mabibilang sa kamay: Xia Meng, Ee Chen, Ruobing, Ye Shen, Xinghe, at IV Syndicate.

Halos walang alam si Xia Meng, ganoon din si Ruobing. Patay na si Ye Shen at nawawala naman si Ee Chen. Kaya, ang taning tao na maaasahan ni Xinghe ay ang pinuno ng IV Syndicate.

Ang tanging lead niya para dito ay si Saohuang. Hindi lamang kailangang pagtuunan ng pansin ang kanyang paghihiganti ngunit kailangan din niyang isipin kung ano ang Project Galaxy dahil ito ang magtuturo sa kanya sa ama ni Xia Meng. Umaasa siya na maililigtas nito si Mubai. Alam ni Xinghe na ang pagkakataon niyang magtagumpay ay maliit lamang, pero hindi niya ito isusuko.

Hindi nagtagal, dumating sa detention center si Xinghe. Ang panahong ito ay masyadong marahas kay Saohuang. Ang orihinal na krimen niya ay malaki na, pero ngayon, ang kaso ng pambobomba ay nadiin din sa kanya.

Ang araw-araw na gawain niya ay naglalaman ng mga katanungan, mas maraming katanungan, at katanungan pa ulit. Malakas siyang umuungol bilang protesta kapag pumupunta ang mga guwardiya sa kanyang selda. Pagud na pagod na siya sa mga pagtatanong na pakiramdam niya ay susuka na siya kapag pumapasok siya sa silid ng tanungan na iyon.

Inisip niya na isa na naman itong pahirap na oras, kaya naman nakahinga siya ng maluwag nang makita niyang si Xinghe iyon. "Akala ko ay nawala na ang kabutihan ko tungo sa mga tao, pero napagtanto ko na pinahahalagahan ko pa pala ang pakikipagkapwa-tao kapag nakikita kita."

Napagtanto ni Xinghe ang malaking pagbabago ni Saohuang nang sinabi niya ito. Dati ay napakayabang at manhid nito na tila mas mataas ito sa lahat, pero ngayon ay nagbago na ito. Nawala na ang kahambugan nito at nagkaroon ng kalmadong pananaw sa buhay.

Hindi na nag-aksaya pa ng oras sa pagbati sa kanya si Xinghe dahil magkaaway pa din sila. Direkta niyang sinabi, "Nandito ako dahil may gusto akong itanong sa iyo."

"Stop!" Itinaas ni Saohuang ang mga kamay nito para tumigil siya. "Gaya ng sinabi ko ng milyong beses na ang bomba ay hindi ko kagagawan, wala akong kinalaman sa nangyari sa iyo. Kung iyon ang ipinunta mo dito, wala na akong masasabi maliban pa doon."