Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 536 - Hinihintay ang Kanyang Paggaling

Chapter 536 - Hinihintay ang Kanyang Paggaling

Ang kanyang buhay ay tila isang kandila na nasa hangin, ang isang maliit na hininga ay maaaring umapula sa kanya. Kung hindi dahil sa pakikialam ni Lu Qi, ay maaaring patay na siya. Alas, sa kanyang kasalukuyang kondisyon ay hindi gaanong nalalayo kaysa sa kamatayan.

Mahirap para sa kanya ang makabawi, pero ang katawan niya ay maprepreserba. Hanggang hindi namamatay ang kanyang pisikal na katawan, may pag-asa sa paggaling nito. Isa pa, malaki ang tiwala ni Xinghe sa kakayahan ni Lu Qi sa panggagamot, hahanap ito ng paraan para sagipin ito. Dahil kahit na hindi niya magawa, mananatili si Mubai sa cytostatic na kalagayang ito. Sa mabilis na pag-unlad ng medical science, sa loob ng 10 taon, 20 taon… hindi magtatagal, maliligtas siya.

Habang nakatingin sa optimistikong pananaw, may malaking pagkakataon si Mubai na gumaling kumpara sa mga taong pinatigas ang kanilang mga katawan sa kanilang katandaan. Kaya naman, hindi sila isusuko ang kanilang pag-asa, at patuloy na ipagdarasal ang pagdating ng isang milagro. Guminhawa ang pakiramdam ni Xinghe sa mga kaisipang ito at pansamantalang lumakas siya.

Sa wakas ay nakuha na ni Xinghe ang kanyang tapang para magtanong, "Kumusta si Lin Lin?"

Sakit ang makikita sa mukha ni Munan. "Wala pa din siyang alam sa kung ano ang talagang nangyayari. Ang alam lamang niya ay nagkaroon ng mga seryosong pinsala si Big Brother. Hindi namin kayang sabihin sa kanya. Masyado pa siyang bata para malaman ito; baka makaimpluwensiya ito sa kanyang paglaki."

"Okay, kumusta naman sa iba pa?"

"Hindi maganda ang lagay ni Lolo, si First Uncle at Auntie ay sobra ang kalungkutan pero hindi sila agad na babagsak," buong tiwalang sabi ni Munan. Ito ang espiritu ng isang makapangyarihang pamilya, hindi sila agad-agad na babagsak kahit na gaano kalaki ang dagok, dahil hindi naman nila mararating ang kinatatayuan nila kung madali silang bibigay.

"Ang lahat ay magiging ayos," sinabi sa kanya ni Xinghe na tila isang pangako. Ito ang kanyang paniniwala para sa kanyang kinabukasan. Ang totoo, ito ay dahil sa paniniwalang ito kaya naman nagawa niyang makagawa ng sunud-sunod na alamat…

Mula nang sabihin ni Xinghe na ang pumatay ay si Lin Xuan, agad na nagpunta si Munan para gumawa ng ulat. Kahit na pinagdududahan ng mga pulis si Lin Xuan, ang pruweba ay napakahirap hanapin. Ang pagsabog ay sumira sa lahat, kasama na ang buhay ni Lin Yun.

Isa pa, ang mga pulis ay nahihirapang maniwala na napakawalang-puso ni Lin Xuan para patayin ang kanyang sariling pinsan. Halos lahat ay walang naniniwala na magagawa ito ni Lin Xuan.

Dahil hindi naman nakagawa ng grabeng pagkakamali si Lin Yun, papatahimikin na lamang ba siya ng Lin Family dahil dito?

Isa pa, saan naman makukuha ni Lin Xuan ang bomba ng ganoon kadaling panahon?

Dahil wala namang ideya si Lin Xuan na sina Mubai at Xinghe ay pupunta para harangan ang kanilang daan.

Kaya naman, ang pinaka pinagsususpetsahan ng mga pulis ay si Feng Saohuang. Ito ay dahil kay Saohuang kung kaya naman hinanap nina Xinghe at Mubai si Lin Yun. Ang inisip ng mga pulis ay pakana na niya ang lahat ng ito. Ang plano niya ay ang patayin ang lahat ng may kinalaman gamit ang bomba. Ang galit niya kay Mubai at Xinghe ay nakadokumento at galit kay Lin Yun dahil pinilit siya nito na ipapatay si Munan. Siya ang may pinakamotibo na magpasabog ng bomba.

Gayunpaman, isang bagay ang nanatiling misteryo. Paano nagawang isaayos ni Feng Saohuang ang lahat ng ito?

Palagi siyang nasa surveillance at walang pagkakataon sa kanya na makapagsaayos ng planong masyadong detalyado.

Sa bandang huli, ang kaso ay natatabunan ng mabigat na misteryo, kaya naging isa itong kasong hindi naresolba.

Dahil ang mga pulis ay nagtatrabaho ng may ebidensiya; wala silang magagawa kung walang ebidensiya. Pero iba ito para kay Xinghe. Nagtatrabaho siya dahil sa kanyang kutob; naniniwala siya na si Lin Xuan ang pumatay.

Sumumpa siyang maghihiganti sa mga taong nangahas na saktan sila!