Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 534 - Sinag ng Pag-asa

Chapter 534 - Sinag ng Pag-asa

Iba't-ibang klase ng maninipis na tubo ang nakakabit sa katawan nito. Ang kulay pulang likido ay umiikot sa pagitan ng kanyang katawan at sa mga aparatong kinakabitan nito.

Ang malaking cardiograph sa tabi nito ay nagpapakita ng isang diretsong linya; halos walang paggalaw doon. Kung hindi ito titingnang maigi, aakalain mong patay na ito.

Iminulat maigi ni XInghe ang kanyang mga mata para suriin ang linyang nagpapakita ng buhay nito na tila kanya ito.

Nagpaliwanag si Lu Qi, "Ginamit ko ang pinakabagong medical device para pansamantalang mapanatili siyang buhay. Ang mga makina ay nandiyan para tulungan sa pagtibok ang kanyang puso at magpatuloy ang pagpapaikot ng kanyang dugo. Mukhang gumagana naman ito, pero hindi ko masabi kung ito ang makakapagpagaling sa kanya.

Halos nabibilaukang sinabi ni Xinghe, "Kahit na ano ang mangyari, kailangang mapanatili mo siyang buhay."

Tumango si Lu Qi. "Natural lang. Huwag kang mag-alala, hindi ako susuko. Gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para sagipin siya."

"Salamat," seryosong sambit ni Xinghe. Ito ang unang beses na sinserong pinasalamatan niya ang isang tao.

Nagpapasalamat siya na si Lu Qi ay isang taong nakatuon sa medical research kung hindi ay sino ang makakaalam kung ano na ang mangyayari kay Mubai. Ano ba ang magagawa niya?

Salamat na lamang, nabigyan sila ng sinag ng pag-asa sa gitna ng kawalan ng pag-asa.

"Gusto kong magkaroon ng ilang oras na kasama siya," mahina at paos niyang pakiusap. Ang pagod niya ay bumabalik na. Nakakaunawang tumango si Lu Qi at umalis ito ng lab. Sa sandaling ginawa nito, ang mga luha ni Xinghe ay walang kontrol na nagsimulang pumatak, tila mula sa isang dam na nawasak.

Habang sinusuri ang maputlang mukha ni Mubai sa lagayan, pakiramdam ni Xinghe ay paulit-ulit na sinasaksak ang puso ni Xinghe. Ang bawat segundong puno ng sakit ay naging dahilan para ang paningin niya ay dumilim. Gayunpaman, pinilit niyang buksan ang kanyang mga mata para maingat na suriin ang bawat pulgada ng katawan ni Mubai.

Ang mga sugat sa mukha nito, sa ulo, braso, hita… Itong lahat ay regalo ni Lin Xuan sa kanya.

Tatandaan niya ang mga ito dahil, isang araw, sisingilin niya ito ng isang daang beses!

Hindi, hindi pa ito sapat, sumumpa siya na wawasakin ang buong Lin family! Dahil kung hindi, hindi matatahimik ang puso niya!

Nanatili si Xinghe sa lab ng mag-isa ng isang oras bago lumabas. Nang lumalabas na siya, ang kanyang hitsura ay tila naubusan na ng lakas. Pagod na pagod na siya, ang kaunting kulay na mayroon siya kanina ay tuluyan nang nawala.

Lumapit si Xia Zhi at nag-aalalang nagtanong, "Sis, ayos ka lang ba?"

"Miss Xia, inumin mo ito." Ipinasa ni Lu Qi sa kanya ang isang energy drink. Humilig si Xinghe para tanggapin ito, pero sa sandaling ginawa niya ito, ang mga kamay niya ay mahinang bumagsak sa kanyang mga tagiliran.

"Heto." Kinuha ni Xia Zhi ang bote at ipinainom sa kanya ang inumin. Naubos ni Xinghe ang laman ng bote ng may kaunting hirap. Agad na umigi ang kanyang pakiramdam, higit sa lahat ay tumigil na sa pag-ikot ang kanyang mundo.

"Miss Xia, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para iligtas si Mubai kaya huwag ka nang mag-alala ng husto. Kailangan mong alagaan ang kalusugan mo," mabait na payo ni Lu Qi.

Tumango si Xinghe. "Alam ko."

Gagawin niya ang lahat para sa agarang paggaling dahil maraming bagay ang naghihintay sa kanya na matapos niya!

"Balik na sa ospital," sabi ni Xinghe kay Xia Zhi at tumango ito. "Okay."

Gayunpaman, habang umaalis sila sa gusali ni Lu Qi, nakakita sila ng isang malaki at matipunong lalaki na naghihintay sa kanila sa entrada.

Nakasuot ito sa isang itim na suit at nakatayo ng may hindi kalayuan sa kanila. Ang kanyang makisig na hitsura ay may pagkakatulad kay Mubai.

Related Books

Popular novel hashtag