Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 535 - Ipadala Siya sa Kailaliman ng Impiyerno

Chapter 535 - Ipadala Siya sa Kailaliman ng Impiyerno

Sa sandaling iyon, bumilis ang tibok ng puso ni Xinghe, sa pag-aakalang si Mubai ito, pero hindi pala, si Munan pala iyon.

Humarap sa kanila si Munan at nakita sila. Bumulong ito, "Big Sister Xia, maaari ba tayong magkausap sandali?"

Tumango si Xinghe at lumakad palayo ng kusa si Xia Zhi, binibigyan sila ng kaunting privacy.

Itinulak ni Munan ang wheelchair ni Xinghe sa kalapit na upuan. Naupo ito sa tabi niya at direktang sinabi, "Ang insidenteng ito ang nagpabigla sa aming lahat. Nang matanggap namin ang balita kahapon, halos bumagsak ang buong pamilya…"

Kahit na naitago ito ng maigi ni Munan, naririnig ni Xinghe ang kalungkutan at galit nito.

"Si Big Brother ang talagang ipinagmamalaki at pag-asa ng pamilya, isang alamat sa puso ng maraming tao. Inaakala namin na magpapatuloy siya sa ganoong klase ng pamumuhay, ang isang nakatayo sa harapan na humahawak sa kinabukasan ng buong pamilya ng mag-isa. Pero sino ang mag-aakala na mangyayari ang isang bagay na ganito."

"Ang mga pulis ay kasalukuyang nag-iimbistiga dito; ang suspetsa namin ay gawa ito ng mga tauhan ni Saohuang. Maaaring nakapiit siya, pero ang mga tauhan niya ay nakalaya pa."

"Hindi, hindi siya ang may gawa; si Lin Xuan iyon," biglang sabi ni Xinghe.

Hindi makapaniwalang tumingin sa kanya si Munan. "Ano ang sinabi mo?!"

Tinitigan siya ni Xinghe sa mata, sinisiguro niya na makikita nito ang pagkamuhing umiiral doon. "Kagagawan ito ng Lin family; sila ang nasa likuran nito!"

"Pero paano… si Lin Yun ay nasa kotse din, hindi ba? Ang pagpapasabog ng kotse ay pumatay din sa kanya."

Walang tuwa na humalakhak si Xinghe. "Ito na ang plano nila sa simula pa lamang. Masyado ko silang minaliit. Papatayin nila ang sarili nilang kapamilya para maisalba ang kanilang reputasyon. Ano naman kung mula sa Lin family si Lin Yun; siya ang dahilan kung bakit nagkasira ang pamilya at kailangang maialis siya! Dahil sa kanyang pagkamatay, ang krimen ni Saohuang ay hindi maiuugnay sa Lin family at mapapatay din nila si Mubai sa proseso, na magdudulot ng malaking pinsala sa Xi family."

Nagulat si Munan. "Payag silang pumatay ng kapamilya dahil sa bagay na ganito? Paano… paano sila naging mga walang-awa?"

Malamig na nakatingin sa kawalan si Xinghe. "Maraming klase ng tao sa mundong ito."

"So sila pala ang dahilan ng kamatayan ni Big Brother!" Napuno ng pagkasuklam si Munan. Mahigpit na naikuyom nito ang kanyang mga kamao. "Sumosobra na ang Lin family sa pagkakataong ito, kailangan na nilang mawasak!" Angil ni Munan. Ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit.

"Huwag mo akong kalimutan!" Ibinuka ni Xinghe ang kanyang bibig para sabihin, "Huwag mo akong iaalis sa paghihiganti. Personal ko silang ipapadala sa impiyerno!"

Lalo na ang Lin Xuan na iyon, pagbabayarin niya ito ng mahal!

Nagsimulang mag-alala si Munan. "Big Sister Xia, hahabulin ka kaya nila? Dahil isa kang saksi sa kanilang krimen."

"Hindi nila ito gagawin," paniniguro ni Xinghe dito. "Kung titingnan ang mga pagkilos ni Lin Xuan, makikita mo na mataas ang tingin niya sa sarili at hindi niya alintana ang batas. Dahil kahit na pagsuspetsahan siya ng mga pulis, wala namang pruweba. Wala siyang pakialam sa isang babaeng nakaligtas na tulad ko. Isa pa, kung sakaling may mangyari sa akin, ang pagdududa sa kanya ay lalo lamang lalalim. Ang Lin family ay magiging masyadong maingat na gumawa pa ng higit pa sa nagawa na nila."

"Pero kailangan pa din nating mag-ingat. Magtatalaga ako ng ilang tauhan para protektahan ka mula ngayon."

"Salamat." Hindi na tinanggihan pa ni Xinghe ang mungkahi nito. Ang katawan nito ay masyado pang mahina.

Related Books

Popular novel hashtag