Pinilit ni Xia Zhi na ngumiti at kunsolahin siya sa pamamagitan ng paos niyang tinig, "Huwag kang mag-alala, magiging ayos din siya."
Pero, nakalimutan niyang si Xinghe ang kausap niya; agad nitong nakita ang pekeng ngiti niya.
Lumamlam ang mga mata ni Xinghe, na tila ba umalis ang kaluluwa niya sa kanyang katawan; malapit na siyang mabasag. Naramdaman ni Xia Zhi ang pagbabagong ito sa kanya at nataranta, "Sis, huwag kang malungkot; hindi ko talaga sigurado ang kondisyon ni Xi Mubai! Matapos umigi ng pakiramdam mo, bibisitahin natin siya. Huwag kang mag-isip masyado; hindi ito kasinglala ng inaakala mo!"
Sa kanyang sorpresa, masunuring tumango si Xinghe. Hindi makapaniwala si Xia Zhi. "Sis, naniniwala ka sa akin?"
"Naniniwala ako, ngayon sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari…" binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para mahinang sabihin ito. Natatakot si Xia Zhi na baka masyadong damdamin nito ang mga detalye, kaya naman pahapyaw na inilarawan na lamang niya ito.
"Ang pagsabog ng kotse ang nagpalipad sa iyo at kay Brother Xi. May isa pang babae sa kotse. Ang pagsabog na nangyari ay pinakamalapit sa kanya; namatay siya kaagad. Ito ang nangyari, tungkol sa pinanggalingan ng bomba, ang mga pulis ay sinusuri pa ito."
Pinagmulan ng bomba?
Ang matapat na mukha ni Lin Xuan ay lumitaw sa isip ni Xinghe at pagkamuhi na tila isang maliwanag at nag-aapoy na bakal ang tumatak sa kanyang puso. Patuloy itong susunog sa kanya hanggang hindi pa niya nasisingil ang utang na ito!
Gayunpaman, hindi nagpakita ng pagbabago ng emosyon si Xinghe kay Xia Zhi. Nang matapos si Xia Zhi, humiling si Xinghe, "Tulungan mo akong bumangon."
"Sis, ano ang gagawin mo?"
Tinitigan siya ni Xinghe at determinadong sinabi, "Dalhin mo ako para makita ang mga labi ni Xi Mubai."
Nanlaki ang mga mata ni Xia Zhi. Paano… paano niya nalaman?
…
Maaaring iniwasan ni Xia Zhi ang paksa, pero alam ni Xinghe na isinakripisyo ni Mubai ang sarili para sagipin siya. Maliban sa iilang maliliit na paso at kapaguran, ang katawan niya ay ayos lamang. Gayunpaman, mas magaan ang kanyang mga sugat, mas malaki naman ang sakit na nararamdaman niya.
Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan para magdesisyon sa aking buhay o kamatayan? Sino?!
Maliban sa galit, nakaramdam ng ibayong kalungkutan si Xinghe. Ang totoo niyan, ito na yata ang pinakamalungkot na naramdaman niya, mas masahol pa sa kalungkutang naramdaman niya noong sumabog ang eroplano nila sa Country Y.
Sa oras na ito, ang sakit ay gumuhit sa kanyang mukha. Buong-buo ito at napakasakit na hindi niya magawang umiyak. Sa unang pagkakataon, naintindahan na ni Xinghe ang katagang 'ang kawalan ng pag-asa ang pinakamalungkot sa lahat'.
Nakatulala pa siya ng itinutulak siya mula sa kanyang silid patungo sa medical experiment na gusali ni Lu Qi.
Sa wakas ay nabawi na niya ang sarili nang lapitan siya ni Lu Qi at seryosong nagtanong, "Gusto mo ba talagang gawin ito?"
Mabagal na tumango si Xinghe, "Oo."
Tumalungko si Lu Qi para matapatan ang kanyang taas habang nakaupo dahil nasa isa siyang wheelchair. Pinayuhan siya nito, "Nagpapagaling ka pa. Sa tingin ko ay hindi ito ang tamang panahon na makita mo siya."
"Dalhin mo ako sa kanya," sabi ni Xinghe; ang kanyang mga salita ay maikli ngunit puno ng lungkot.
"...Sige, pero kailangang ihanda mo ang sarili mo," sabi ni Lu Qi, pero agad din niyang inihanda ang mga kakailanganing gamit kung kakailanganin. Kapag may nangyari kay Xinghe, handa na siya gamit ang kanyang first aid kit.
Personal na itinulak ni Lu Qi ang wheelchair ni Xinghe patungo sa elevator.
Ang elevator ay bumukas sa isang malaki at matibay na basement. Matapos nito ay itinulak siya nito patungo sa lab.
Habang pumapasok sila, nakita ni Xinghe si Mubai na nakahiga sa loob ng isang parihaba, klaro at walang kahangin-hangin na salaming sisidlan.