Pakiramdam niya ay malaki ang utang na loob niya sa Xi family, kaya naman gusto niyang ipagtanggol din ito. Hindi niya mapapayagan ang iba na ibagsak ang Xi family.
"Si Feng Saohuang ang magiging bitag natin," mungkahi ni Xinghe. Mabagal na humiging si Mubai bago tumango. "Ang ibig mo bang ipahiwatig ay ang ilalaglag niya ang Lin family?"
"Tama iyon. Mayroong dumi si Saohuang tungkol kay Lin Yun. Ang makipagtulungan sa kanya ay ang pinakamagandang daan bago kumilos."
Tumango si Mubai, sumasang-ayon sa pagsusuri nito.
"Pero maaaring hindi siya makipgtulungan. Maaaring umaasa siya na ililigtas siya ng Lin family."
Marahang tumawa si Xinghe. "Wala nang makakapagligtas pa sa kanya."
Tumango si Mubai. Oo nga, wala nang iba pang makakapagligtas kay Saohuang. Una, ang kanyang krimen ay napakalaki. Ikalawa, ang ebidensiya ay nagmula sa presidente ng Country Y, kaya naman isa na itong pandaigdigang krisis. Ikatlo, ang Xi family ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para maparusahan ito. Ikaapat, ang krimen niya ay nabunyag sa paglilitis. Kapag napatawad siya, magiging dahilan ito ng pampublikong kaguluhan.
Kaya naman, sa kahit anong anggulo tingnan, patay na si Saohuang. Kahit na may panabla siya sa Lin family, wala na itong kuwenta dahil hindi gaanong makapangyarihan ang Lin family para mapawalang-sala ang isang kasalanang kasing-laki ng mga war crime.
"Tama, dapat nga ay magsimula tayo sa kanya," determinadong sambit ni Mubai; siya ang susi para makahabol sa Lin family.
β¦
Sa ikinagulat ng lahat, bago pa nila nagawang makipag-usap kay Saohuang, noong sumunod na araw, ito na mismo ang may gustong makaharap si Xinghe.
Nagtataka si Xinghe, "Gusto niya akong makaharap?"
Pero bakit? Wala namang bagay na dapat naming pag-usapan.
Ang opisyales na nagpunta para sabihan siya ay sumagot, "Tama iyon, sinabi niya na aamin lamang siya matapos niyang makipag-usap sa iyo. Miss Xia, bakit hindi ka pumunta kasama si Mr. Xi Mubai para harapin ito. Kung payag na siyang umamin, maililigtas nito ang hirap at oras ng nakakarami."
May ilang tao pa din na pinagdududahan si Xinghe at Munan, kung pumapayag na umamin si Saohuang na ito ang nag-frame sa kanila, ay agad na malilinis ang kanilang pangalan.
Madaling tumango si Xinghe. "Sige, pupunta ako para harapin siya."
Nag-aalala si Mubai sa kanya kaya naman sinamahan siya nito sa detention center. Gayunpaman, haharapin ni Saohuang si Xinghe nang nag-iisa, kaya naman kinailangan niyang hintayin ito sa labasan.
Dinala si Xinghe sa isang silid tanungan. Ito ang ikalawang beses na nakita niya ang lugar na ito. Noong nakaraan, ito ay para bisitahin si Ye Shen, ngayon ay para bisitahin si Saohuang.
Ang kabalintunaan na si Saohuang ang pumatay kay Ye Shen ay hindi nawala kay Xinghe.
Mukhang lalong naging hapis ang mukha ni Saohuang kahit na isang araw pa lamang ang nakakalipas.
Ang uniporme niya ay inalis na at nakausot lamang ito ng isang magulo at karaniwang kamiseta. Tumutubo na ang maiiksing buhok sa kanyang baba. Nangangalumata na siya, na nagpapakita ng gabing walang tulog.
Ang masiglang bagay tungkol sa kanya ay ang pares ng kanyang mga mata. Gayunpaman, ang titig niya ay hindi na ganoon katalim tulad ng dati, pero mas mukha na itong seryoso sa ngayon.
Matapos niyang pumasok, mahinang sinabi ni Saohuang na, "Maupo ka, huwag kang mag-alala, hindi kita sasaktan."
May harang sa pagitan nilang dalawa. Ngumiti si Xinghe. "Paano mo ako masasaktan?"
Kalmado at kumpiyansang naupo siya sa tapat nito. Tumawa si Saohuang sa mga binitawan niyang salita. Nakalimutan na niya na ang babae sa kanyang tapat ay hindi ang karaniwang babae. Matapang ito na nagawang ibunyag siya sa buong korte, kaya hindi ito natatakot sa kanya.
"Ang isang babaeng tulad mo ay talaga namang namumukod-tangi. May nakaharap na ako dati, ang totoo naaalala ko siya sa iyo," komento ni Saohuang habang nakatitig kay Xinghe.