Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 519 - Labis na Kasiyahan

Chapter 519 - Labis na Kasiyahan

Ang kinabukasan niya ay kasing-liwanag na ng araw. Gayunpaman, biglang nagkaroon ng eclipse at ang buhay niya ay dumilim tulad ng dati. Hindi niya inaasahan na darating ang araw na ito!

Matapos umalis ni Saohuang, ang kaguluhan sa husgado ay nagsimulang muli. Hindi sila makapaniwala na si Feng Saohuang ay may kaugnayan sa IV Syndicate.

"Your Honor, dahil ang krimen na ito ay kagagawan ni Feng Saohuang, hindi ba't ibig sabihin nito ay inosente ang pinuno namin?!" Hindi mapigilan ni Yan Lu na malakas na itanong. Ang mga nasa silid ay mabilis na nagsitahimikan.

Tumango ang hukom. "Ayon sa mga ebidensiyang ipinadala ng Country Y, ang ilegal na pagbebenta ng mga armas sa City T ay responsibilidad lahat ni Feng Saohuang. Kaya naman, ang pagdududa kina Xi Munan at Xia Xinghe ay titingnan pa muna ng mas malaliman. Ang korteng ito ay idinidiklera na pansamantala silang hahayaang makapagpiyansa. Ang pangwakas na hatol ay ibibigay matapos na makakalap pa ng maraming ebidensiya."

Masaya si Yan Lu. "Malaya na si Pinuno!"

Ang dalawang guwardiya ay agad na inalis ang posas kay Munan. Nagmamadaling lumapit sina Yan Lu at Gu Li para makipagbunyi at ang iba, na nadala sa agos ng ere, ay nagsimulang pumalakpak. Masayang nagtawanan sina Lolo Xi at Jiangian.

Tumango si Munan sa kanyang mga tauhan at naglakad palapit kay Xinghe at nagpasalamat dito, "Big Sister Xia, salamat. Nakakahanga ka, nagawa mo talagang makabalik na dala ang mga ebidensiya."

Ngumiti si Xinghe. "Masaya ako hanggang ang lahat ay ayos lamang."

"Miss Xia, para sa akin ay isa kang diyosa," itinaas ni Yan Lu ang kanyang hinlalaki dito. "Ako, si Yan Lu, ay hindi pa napabilib ng isang babae sa tanang buhay ko; ikaw na marahil ang una at huli!"

"Miss Xia, nagulat mo na naman kami," puri ni Gu Li. "Nagawa mong makakuha ng tagong ebidensiya na ito!"

Hindi mapigilan ni Xinghe na hindi tumawa. "Sa tingin ko ay nagkakamali kayo. Hindi ko dinala ang ebidensiya, wala itong kinalaman sa akin."

Nagulat sina Yan Lu at Gu Li. Tama siya, ang ebidensiya ay nagmula sa Country Y, na mukhang walang kinalaman sa kanya.

Pero bakit pakiramdam nila ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa kanya?

Nasorpresa si Munan sa kanyang kababaang-loob. Ito ay halatang kontribusyon naman niya. Gayunpaman, dahil gusto nitong panatilihin itong sikreto, hindi siya ilalaglag ni Munan, pero hindi rin nito mapipigil na ipagmalaki niya ito!

Tama nga, hindi na dapat pang malaman ng mga taong ito kung gaano kahanga-hanga ang tunay na kakayahan ng aking hipag.

"Kahit pa, Miss Xia, ang ginawa mo ngayon ay nakakabilib pa din," patuloy na papuri ni Gu Li. Dahil hindi naman lahat ay may lakas ng loob na kumprontahin si Saohuang ng personal.

Masayang bulalas ni Yan Li, "Nakakatuwang makita si Feng Saohuang na nabunyag ng ganoon na lang. Mas maigi na ang pakiramdam ko na makita siyang napapahiya sa publiko tulad noon, tama lamang sa kanya iyon!"

"Hindi lamang iyon, ang sulat ng appointment na naghihintay sa kanya ay siguradong mapapawalang-bisa," dagdag ni Gu Li ng may pilyong ngiti.

Nagkatinginan sila ni Yan Lu at nagsimula silang tumawa dahil sa labis na kagalakan. Tanging sila lamang ang nakakaalam kung ano ang nakakatawa. Ito ay dahil sa ang pangalan na nasa sulat na iyon ay mapapalitan ng pangalan ni Munan. Sa wakas, ang Flying Dragon Unit ay sa kanila na. Ang isipin ito ay nagdudulot sa kanila ng saya.

Ang katapusang ito ay nakapagdadala ng ligaya, pasasalamat, kapaki-pakinabang at masaya sa kalooban. Nakibahagi na din si Xinghe sa kasiyahan nila.

Si Lolo Xi at Jiangnian ay sobra ang katuwaan. Abot tainga ang kanilang mga ngiti habang binabati at humihingi ng tawad sa kanila ng mga tao.

Mayroon isang nag-iisang tao na hindi kasali sa kasiyahang ito. Ang taong ito ay si Lin Yun.

Matapos mawala ang kanyang kakampi, patalilis siyang umalis sa hukuman habang iniisip na walang nagbibigay ng atensiyon sa kanya.

Madilim at matalim ang titig na ipinukol ni Xinghe sa papatakas na anino nito.

Related Books

Popular novel hashtag