Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 513 - Gusto Niya na Masangkot ng Personal sa Paghihiganti

Chapter 513 - Gusto Niya na Masangkot ng Personal sa Paghihiganti

Hindi nila inaasahan ang dalawa na matatagalan sa pagbabalik.

"Mom, Dad, nandito na kami."

Ngumiti si Mubai nang makita niya ang kanyang mga magulang. Hindi na mapigilan ni Ginang Xi ang sarili at nagmamadaling hinablot ang braso ng anak para makasiguro na talagang naroroon ito.

"Anak, sa wakas ay nakauwi ka na. Alam mo ba kung gaano ako nag-aalala? Salamat na lamang at ligtas ka."

Kumpara sa kanya, mas kalmado si Ginoong Xi. Dumeretso na agad ito sa pakay nito, "Hawak mo na ba ang mga kailangan natin?"

Ito ang katanungang gustung-gusto nang malaman ng buong Xi family. Mariing tumango si Mubai. "Oo, nakuha na namin."

"Magaling!" Sabik na bulalas ni Ginoong Xi, "Alam kong magagawa ninyong dalawa ito! Mabilis, dalhin na ang ebidensiya sa mga pulis. May oras pa tayo. Si Munan ngayon ay nasa korte militar kaya ang pagdating ninyo ay sakto lamang, magagamit natin ang mga ebidensiya ninyo para iligtas siya!"

Nagkatinginan sina Mubai at Xinghe.

"Si Munan ay nasa korte militar?" Dumilim ang mga mata ni Mubai. "Ano ang nangyayari sa ngayon?"

Mabilis na ikinuwento sa kanila ni Ginoong Xi ang mga pangyayari. Noon lamang nalaman ni Xinghe at Mubai kung gaano kasuklam-suklam si Saohuang. Pero, maliban sa i-frame sila gamit ang mga tauhan ng IV Syndicate, ano pa ba ang alam nitong gawin?

"Pupunta na tayo sa husgado ngayon," direktang sabi ni Xinghe kay Mubai. Gusto niyang siya mismo ang magdadala ng panampal doon. Ang kasiyahan niya ay ang personal na masalubong ang tingin ng mga kaaway niya kapag dinudurog niya ang mga ito.

Tinanggihan ni Ginoong Xi ang ideya niyang ito, at pagak nitong sinabi, "Hindi, hindi ka pupwedeng pumunta sa korte."

"Bakit hindi?" Tanong ni Xinghe.

Sumagot si Ginoong Xi, "Ang pinag-uusapan natin dito ay ang korte militar; hindi lahat ay makakapasok dito. Ang surveillance ay napakataas dahil isa itong malaking kaso na kahit ang mga normal na mamamayan ay hindi makakapasok. Kayong dalawa ay hindi mula sa militar kaya naman mahaharang kayo sa pintuan. Isa pa, Xinghe, mayroon kang warrant, kaya ang pagpunta doon ay katumbas ng iyong pagsuko."

Kaya naman pala.

Malamig na tumawa si Mubai, "Maswerte talaga ang Feng Saohuang na ito. Ang plano ay ang durugin siya sa harap ng lahat."

Kumislap ang mga mata ni Xinghe, may naisip siyang ideya.

"Ang pagpasok ay hindi ganoon kahirap, magagawa kong makapasok."

"Ikaw?" Nag-uusisang tanong ni Mubai.

Tumango si Xinghe. "Tama ang ama mo. May mga kaso pa laban sa akin, kaya naman magagawa kong pasukin ang korte bilang isang saksi."

Agad siyang naintindihan ni Mubai. Pero nalilito pa din sina Ginoo at Ginang Xi.

Tinitigan niya ito at nagtanong para makakuha ng kumpirmasyon, "Gusto mo talagang pumunta?"

Tumango ng may buong tiwala si Xinghe. "Sigurado. Hindi natin mapapayagan na idiin nila ito sa inosenteng si Munan. Ang pinakaimportante pa, hindi natin maaaring manalo sa kasong ito sina Saohuang."

"Okay, isasaayos ko na ang lahat agad!" Desisyon ni Mubai.

Naguguluhan pa din sina Ginoo at Ginang Xi. Ano ang binabalak ng dalawang ito?

Ang plano nina Xinghe at Mubai ay napakasimple lamang. Susuko si Xinghe, matapos noon ay ipapatawag siya sa paglilitis bilang isang saksi.

Siyempre, kung anong klase ng pahayag ang ibibigay niya ay ibang usapan naman. Ang pagsuko ang tanging dahilan niya para makapasok sa korte. Nang maisaayos na ang plano, agad na dinala ni Mubai si Xinghe sa presinto.

…

Sa oras na iyon, si Munan ay nasa ilalim matinding pagtatanong pa.

"Xi Munan, inaamin mo ba na ikaw ang nagpatakas sa suspek, na si Xia Xinghe?" Tanong ng hukom.

Tumango si Munan. "Tama iyon, pero ito ay dahil sa naniniwala ako sa kanya. Kaya naman nagulat ako nang bigla din siyang nawala."