Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 511 - Morals at Mores

Chapter 511 - Morals at Mores

Matapos ang dalawang araw ng paglipad sa himpapawid, sa wakas ay lumapag na sa City T ang eroplano. Isang takas si Xinghe, kaya ang pagbalik niya sa Hwa Xia ay may kaunting problema pa. Gayunpaman, sa tulong ni Philip, ang kanilang pagbabalik ay naging matagumpay.

Kumplikado ang mga emosyon ni Xinghe nang masilayan ng kanyang mga mata ang mga pamilyar na tanawin ng lungsod. Iniwanan niya ang lugar na ito ng hindi lalabis sa isang buwan, ngunit pakiramdam niya ay napalayo siya dito ng napakatagal na panahon. Ang nakaraang buwan ay tila isang panaginip para sa kanya. Gayunpaman, kahit ano pa ang mangyari, hindi maikakaila na sila ni Mubai ay nagtagumpay!

Nasa kanilang mga kamay na ang mga ebidensiya ng mga kriminal na aktibidades ni Feng Saohuang. Natupad na niya ang pangako niya sa kanyang sarili: Kapag bumalik na siya, ito na ang magiging katapusan ni Feng Saohuang!

Agad na inilabas ni Xinghe ang kanyang telepono para magsagawa ng isang internasyonal na tawag, "Hello, Kuya? Lumapag na kami, maaari mo nang simulan ang operasyon ngayon."

"Okay, gagawin ko na ito ngayon. Good luck," sagot ni Philip, ang ngiti sa mukha nito ay mababanaag sa boses nito.

"Salamat."

Matapos nila itong ibaba, agad na inutusan ni Philip ang kanyang sekretarya, "Ibigay mo ang dokumentong ito sa embassy ng Hwa Xia, hayaan mong mahawakan nila ito kaagad-agad."

"Yes, sir."

Kinuha ng kanyang sekretarya ang dokumento at umalis. Ang dokumento ay puno ng pruweba ng mga kriminal na gawain ni Saohuang.

Sa parte naman ni Xinghe, matapos niyang ibaba ang tawag, lumulan na sila sa isang kotse at umalis. Ang kanilang unang destinasyon ay ang lumang family mansion ng Xi family. Nawala sila ng ilang panahon, kaya hindi nila maiwasan na hindi mag-alala tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng Xi family.

Ang babae na kinuha nila mula sa pinakakuta ng IV Syndicate ay agad na dinala kay Lu Qi. Ang babae ay mahina ang pisikal na katawan, kaya naman ito ay nasa induced coma. Marahil ay si Lu Qi lamang ang may kakayahan na mailigtas ito. Kahit na may kinikimkim pang galit si Mubai kay Lu Qi, kailangan niyang tanggapin na ito ang pinakamahusay na doktor na nakilala niya. Kaya naman, hindi na niya iindahin pa na kunin ang tulong nito.

Habang nasa daan patungo sa mansiyon, nag-aalala si Xinghe. "Kumusta na kaya ang lahat sa ngayon."

Nawala siya ng matagal, kaya naman siguradong may naidulot itong problema para sa Xi family. Ang tanging inaasam niya ay sana hindi pa sila huli.

Hinablot ni Mubai ang kanyang kamay at inalo siya, "Huwag kang mag-alala, sigurado akong ang lahat ay ayos lamang."

Wala silang kaalam-alam na si Munan ay papunta na sa korte militar.

Ang husgado ay mabigat ang seguridad dahil napakaraming tao ang dadalo sa paglilitis sa araw na iyon. Ang lahat ng naroroon ay may kapangyarihan sa mundo ng militar.

Si Saohuang, Lin Yun, Gu Li, at Yan Lu ay lahat na naroroon.

Ang ibang nagpunta doon, ay nagpunta dahil nag-aalala sila kay Munan, ang iba naman ay naroroon dahil alam nilang isa itong malaking kaso. Wala silang pakialam kung ano ang kahihinatnan nito.

Si Elder Xi na akay-akay ni Jiangnan ay dumating sa husgado suot ang kanilang mga military fatigue.

Maliban kina Gu Li at Yan Lu, ang lahat ay iniwasan sila na tila sila ay may dalang salot. Masyadong maraming bagay ang nangyayari sa Xi familiy nitong mga nakaraan; natatakot sila na sila ay maapektuhan ng kamalasan ng Xi family kapag dumikit sila dito.

Isa itong 180 na kabaliktaran mula dati. Dati, ang lahat ay hindi na makapaghintay na maging kakampi ang Xi family…

Hindi maiiwasan ng isa kundi ipagluksa ang totoong pag-uugali ng puso ng mga tao.

Tila lalong tumanda si Elder Xi nitong mga nakaraang buwan. Dati, mayroon pa din itong makapangyarihan at nakakabilib na personalidad, na maihahalintulad sa isang tigre na nagbabantay sa buong kagubatan.

Ngayon, ang tigreng ito ay mukhang nawalan na ng mga kuko at nanghihinang nakahiga na naghihintay na lamang ng kanyang kamatayan.

Ang ilan ay binati sila bilang respeto, pero nang makita nila si Elder Xi, napabuntung-hininga sila sa kanilang kalooban. Ang iniisip nilang lahat ay, kahit na gaano pa kadakila ang Xi family, may panahon din na magagapi ang mga ito.

Ang trahedya ay maaaring dumating kahit anong oras at ang isang malaking pamilya ay maaaring bumagsak ng isang magdamag.

Related Books

Popular novel hashtag