Bago umalis ang dalawang lalaki, magalang silang nagtanong, "Ms. Xia, sigurado ho ba kayo na ayaw ho ninyo na ipagbigay-alam naming ito sa mga pulis? Mas mainam ho na makialam na ang law enforcement dito sa mga ganitong bagay."
"Personal ko na pupuntahan ang istasyon ng pulis mamaya, maraming salamat sa tulong ninyo ngayon. Kung may maitutulong man ako sa inyong dalawa sa hinaharap, huwag ho kayong magdalawang-isip na puntahan ako. Hindi ko makakalimutan ang kabutihang ipinakita ninyo sa akin ngayon," seryosong sabi ni Xinghe.
Napangiti ang dalawang security. "Walang anuman, pero kung kailangan ni Ms. Xia ng tulong sa hinaharap, huwag ho kayong magdalawang-isip na lapitan din kami."
Tumango si Xia Xinghe at inalala sa kanyang puso ang pabor na inialok niya nitong araw na ito.
Kung magkakaroon siya ng tsansa, ibabalik niya ang pabor na ito.
Nagmamadali ng umalis ang dalawang lalaki at naiwan si Xinghe sa ospital, hinihintay na bumuti ang lagay ni Xia Zhi bago siya umuwi ng bahay.
Pagkatapos ng ilang deliberasyon, naresolbahan ni XInghe na magtapat kay Chengwu. Hindi na niya sinabi na muntikang mamatay si Xia Zhi, at sinabi na nasangkot na lamang ito sa gulo, nagkaroon ng ilang galos at kinakailangang manatili sa ospital para maobserbahan.
Gusto ni Chengwu na agad na magpunta sa ospital ngunit pinigilan siya ni Xinghe.
Nagpapagaling pa si Chengwu kaya hindi gusto ni Xinghe na ito ay magpabalik-balik sa bahay at ospital. Nangako si Xinghe na aalagaan niya si Xia Zhi at napanatag na ang loob nito sa narinig.
Pero galit nag alit din si Chengwu. "Sino ang aatake kay Xia Zhi, mabait na bata naman siya. Bakit nila sinaktan ang anak ko?"
Naniniwala si Xinghe na ang mga taong ito ay sinadyang saktan si Xia Zhi at may pangunahin silang layunin.
Tama si Chengwu, mabait na tao si Xia Zhi kaya walang rason para siya targetin. Isa lamang ang posibilidad, nadamay ito dahil sa kanya.
Maraming tao ang gustong dumanak ang kanyang dugo, una na si Tianxin, si Wu Rong ang isa pa.
Maaaring isa sa dalawang ito ang may pakana.
Hahanapin ni Xinghe kung sino sa kanilang dalawa ito.
Bumalik si Xinghe sa kanyang silid at hinanap ang security feed kung saang lugar nabugbog si Xia Zhi. Isa pala itong security blind spot.
Isa itong ebidensiya na ang pag-atake ay planado.
Ang pag-atake ay ginawa sa lugar na iyon para wala siyang makuhang ebidensiya.
Hindi siya makakapunta sa pulisya ng walang dalang ebidensiya.
Pero hindi naman niya plano na magpunta. Gaganti siya sa paraang alam niya.
Humingi siya ng tulong sa pulisya noong huli dahil masyadong malaki ang krimeng ginawa nI Wu Rong. Kailangan niya ang tulong ng batas para parusahan ito.
Pero dahil sa mga legal intervention, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na masiyahan sa pagdurog sa kanyang kaaway gamit ang sarili niyang mga kamay.
Itong oras na ito, siya na mismo ang gagawa ng paraan.
Hindi nakakuha ng security footage si Xinghe pero base sa footage mula sa ibang camera, nakakuha siya ng larawan ng dalawang malaking lalaki na mga naka black coat.
Dinala niya ang laptop sa ospital at kinilala ni Xia Zhi ang dalawa na umatake sa kanya. At nagsimula na ang human flesh search engine [1]
Madali lang ito para sa isang computer expert na tulad ni Xinghe.
Agad na nakakuha ng impormasyon si Xinghe sa dalawang lalaking ito.
Iyon pala, itong dalawang ito ay nagtatrabaho bilang bodyguards ng Chui Family!
Sila pala ang mga personal na bodyguard ni Chui Ming.
Si Chui Ming ay isang kilalang pangalan sa City T. May malaking impluwensiya ang Chui Family.
At sa parehong pagkakataon, nananaliksik si Xinghe sa taong ito. Bakit? Dahil siya ang asawa ni Xia Wushuang!
Ngayon sigurado na siya, ang party na naghahanap ng gulo ay ang mag-asawang ito.
Tinutulungan nilang makaganti si Wu Rong.
Alam ni Xinghe na gaganti si Wu Rong pero hindi niya inakala na sa nakakasuklam na paraan sila gaganti sa kanya!
Sisiguraduhin ni Xinghe na pagbabayarin niya si Wu Rong, Wushuang, and Chui Ming sa pananakit kay Xia Zhi at gagawin niya ang lahat para malaman ng mga ito na isang malaking pagkakamali ang ginawa nila sa tanang buhay nila!
[1] Ang human flesh search engine ay isang paraan para mahanap ang mga tao in real life sa pamamamagitan ng pagpapalaganap ng mga picture ng mga ito gamit ang social media para matukoy kung sino ang nakakakilala sa mga ito at makakalap ng impormasyon mula sa mga ito.