Nang sinabi niya ito, kumislap ang kalupitan sa mga mata ni Saohuang. Tumingin siya kay Sun Yu at nagpatuloy, "Ikaw ang magiging responsable para sa operasyong ito."
"Ako?" Nagulat si Sun Yu.
Bahagyang tumango si Saohuang. "Tama iyon. Ang pinakakuta ng IV Syndicate ay nawasak na at ang mga tauhan nito ay nagkakagulo. Hindi ko na sila maaasahan pa. Ngayon, ang tanging tao na mapagkakatiwalaan ko ay ikaw lang."
Mayroon ding kinokontrol na kriminal na grupo si Sun Yu, kaya naman inaasahan siya ni Saohuang.
Tumango si Sun Yu. "Okay, ano'ng klase ng operasyon ba ito?"
"Siyempre, isa itong pagpatay. Si Xi Munan ang iyong kasosyo, at para masiguro na hindi niya ilalaglag ang mga tauhan mo, kailangan mo siyang patayin para mapatahimik ang bibig nito; ganoon kasimple," magaang na sambit ni Saohuang.
Agad itong nakuha ni Sun Yu. Sabik nitong sinabi na, "Napakagandang ideya! Ang mga tauhan ko ay walang ideya kung sino ang mga kasosyo natin o kung gaano karami ang mga kasosyo natin, kaya hindi din nila masisigurado na ang kasosyo ay hindi si Xi Munan."
Tumatangong nasisiyahan si Saohuang. "Mabuti. Kahit na isa itong malaking sakripisyo, sulit naman ito. Ang mga tauhan mo ay ipagpapalagay na isa itong karangalan na isakripisyo ang kanilang mga sarili para sa mas mabuting kinabukasan."
Tumango si Sun Yu. "Naiintindihan ko! Aayusin ko na ito ngayon."
Matapos umalis ni Sun Yu, tinawagan ni Saohuang si Lin Yun.
"Hello," ang mabining boses ni Lin Yun ay nagmula sa kabilang linya.
Direktang sinabi ni Saohuang, "Inayos ko na ang bagay na hinihingi mo, ang Xi family ay hindi na magagawa pang makaligtas sa oras na ito. Ikaw ang magdesisyon kung kailan ito magaganap."
Biglang humagikgik si Lin Yun. "Inirerecord mo ito, hindi ba?"
Bakit mo ako tatawagan at sasabihin ang bagay na ito kung hindi dahil dito?
Si Lin Yun ay isang ahente sa national intelligence agency; nakikita na niya ang mga mababaw na panlalansi na tulad nito ng maraming beses na.
Hindi ito ikinaila ni Saohuang. "Kailangang may iiwanan akong ligtas na ruta para sa sarili ko, hindi ba? Sabihin mo na ang salita at magsisimula na ang operasyon."
Kung hindi siya bibigyan ng panghahawakan, hindi magsisimula ang operasyon. Ito ang kanyang paraan na siguraduhin na kapag pumalpak siya, babagsak kasama niya ang Lin family!
Nag-alinlangan si Lin Yun bago sumagot, "Natural, ang operasyon ay kailangan nang isagawa mamayang gabi, sa lalong madaling panahon."
"Sige, makikinig kami sa iyo. Ikaw ang may gustong mawasak ang Xi family, hindi ako."
"Tama iyon, ako nga, si Lin Yun, ang kinatawan ng Lin family ang humihingi sa iyo na gawin ito. Jesus, Feng Saohuang, napakitid talaga ng utak mo." Ibinababa na ni Lin Yun ang linya matapos noon at nanghahamak na ngumiti sa kanyang telepono.
So, ito pala ang tunay na hitsura ni Feng Saohuang! Malas lamang para sa kanya, hindi ako natatakot sa isang maliit na heneral ng militar; i-record mo pa hanggang gusto mo!
Kung natatakot siya sa paghihiganti, hindi niya ito lalapitan noong una pa lamang.
…
Sumapit na ang gabi.
Nananatili si Munan sa detention center. Ang mga guwardiya doon ay nakatayo sa kanilang puwesto. Wala silang alam na mayroon nang nakatalilis papasok sa kanilang gusali.
Ginamit ni Sun Yu ang surveillance para maging pamilyar sa mga tauhan niya ang sitwasyon ng lugar, at sa tulong niya, madaling napasok ng mga tauhan niya ang pasilidad.
Ang mga assassin ay binuksan ang pintuan ng silid ni Munan at nakita nila ang isang lalaki na nakahiga sa kama na nakatalikod sa kanila.
Mula sa tunog ng banayad na paghinga ng lalaki, mukhang mahimbing ang pagkakatulog nito.
Ang mga assassin ay pumasok ng walang ginagawang ingay at inilabas ang kanilang mga punyal. Nagkatinginan sila sa isa't isa at nagsenyasan. Sabay-sabay na isinaksak nila ang kanilang mga punyal sa mga maseselang parte ng lalaki.
Nagising ang lalaki at sumigaw, pero agad na napigilan ito ng malakas na kamay ng isa sa mga ito. Ang mga punyal ay naglabas-masok sa katawan nito, at dumanak ang dugo kahit saan.
Ang lalaki ay nagpupumiglas ng ilang segundo bago ito tuluyang tumigil.
Gayunpaman, sa sumunod na segundo, napagtanto ng mga assassin na may kakaibang nangyari.