Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 506 - Gusto Kong Mabura na sa Mundo ang Xi Family

Chapter 506 - Gusto Kong Mabura na sa Mundo ang Xi Family

"Sa tingin mo ay talagang makikinig ako sa iyo?" Sawata ni Munan sa kanya.

"Sa madaling salita, mas nanaisin mo pang mamatay kaysa aminin ang katotohanan?" Ang ngiti ni Lin Yun ay unti-unting nawala.

Walang salitang nagkibit-balikat si Munan, na nagpakawala ng isang sarkastikong tawa mula kay Saohuang.

"Xi Munan, halos pareho lamang tayo at ang simula mo ay mas mainam kaysa sa akin, pero ngayon ay isa ka nang bilanggo at ako na ang mamumuno sa Flying Dragon Unit. Hindi mo ba inisip na sapat na ang kapalpakan mo? Kaya naman huwag nang matigas ang iyong ulo, kung hindi ay puro kahihiyan at kabiguan pa ang maghihintay sa iyo."

"Ang makinig sa mga walang kakwenta-kwentang salita na lumalabas sa inyong mga bibig ay ang pinakamalaking kabiguan at kahihiyan na ang nakaharap ko; wala nang mas lalala pa dito," direktang sinabi ni Munan sa kanila.

Ngumiti si Saohuang ngunit ang kanyang mga mata ay malamig. Bahagya ding ngumiti si Lin Yun. "Mukhang hindi ka pumapayag na makipagtulungan."

"Hindi pa ba halata?" Nanunuyang sagot ni Munan.

"Mahusay, kung matigas pa din ang ulo mo ay hindi ka na namin iistorbohin pang muli." Mabining tumayo si Lin Yun ngunit sa sumunod na segundo, nagbago ang mukha nito, at hinablot nito ang mainit na tsaa at ibinuhos ito sa mukha ni Munan. Ang nakakapasong init ng tsaa ang nagpabigla kay Munan.

Malamig na pinandilatan niya si Lin Yun, pinipigilan ang kanyang udyok na gumanti. Naglandas ang mga dahon ng tsaa sa kanyang matikas na kaanyuan, na nagdudulot ng kahihiyan sa kanya…

Pabagsak na ibinaba ni Lin Yun ang tasa ng tsaa at malaki ang ipinagbago ng ugali nito. Mabalasik itong nagbanta, "Sa tingin mo ay may halaga ka pa?! Tingnan mo muna ang sarili mo bago ka magsalita ng ganyan sa akin! Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na ang iba pang kasapi ng angkan mo ay susunod sa mga yabag mo. Maghintay ka lamang!"

Matapos noon ay dumura si Lin Yun sa mukha nito at tumalikod na para umalis.

Mabagal na tumayo si Saohuang at kumilos para tumayo sa tabi ni Munan. Bahagya nitong tinapik ang balikat nito at sinabi, "Sa araw na madala ka sa korte ay ang araw na pamumunuan ko ang Flying Dragon Unit. Salamat sa iyong pakikipagtulungan. Hindi ako agad mananalo ng ganito kadali kung wala ka. Kaya naman, pupunta ako sa paglilitis mo para suportahan ka, good luck."

Binigyan niya ng mayabang na ngiti ito at sumunod na kay Lin Yun.

Pinawi ni Munan ang tubig mula sa kanyang mukha at humagikgik. Mga langaw, nalalapit na ang araw na masasampal din kayo!

Matapos lumabas ni Lin Yun sa lugar ng piitan, pumasok na ito sa kotse. Hindi nagtagal, sumakay na din si Saohuang. Galit pa din si Lin Yun.

Umangil ito, "Mukhang hindi siya makikipagtulungan kahit na ano pa ang gawin natin. Paano natin ito ididiin sa kanila kung hindi ito aamin?!"

Inalo siya ni Saohuang ng may ngiti. "Mabuti na lamang at nasukol natin sila sa pagtulong at pagkupkop sa tumakas na bilanggong si Xia Xinghe. Higit pa sa sapat iyon."

"Paano ito naging sapat?!" Reklamo ni Lin Yun ng hindi nasisiyahan. "Gusto kong ang buong Xi family na mawala, hindi lamang si Xi Munan. Ang isang Xi Munan ay hindi sapat sa aking mga mata."

"Pero ang pagbagsak ni Xi Munan ay nangangahulugang pagbagsak ng Xi family, tama?"

"Masyado kang inosente," ngisi ni Lin Yun. "Ang pinakamalaking pag-asa ng Xi family ay hindi si Xi Munan kundi si Xi Mubai. Ang pagbagsak ni Munan ay walang saysay sa Xi family. Kapag si Mubai ang nasa namumuno, hindi magtatagal at babalik silang muli sa itaas."

Pinaandar na ni Saohuang ang makina niya at sumagot, "Ano pa ba ang magagawa natin? Hindi natin pupwedeng pilitin si Xi Munan na umamin, hindi ba?"

Tila may naisip na solusyon si Lin Yun. "Ang pag-amin ay hindi nangangahulugang manggagaling mula sa sarili niyang bibig. Hanggang ang kanyang krimen ay pakikipagsabwatan sa ilegal na organisasyon ay napako na, madadamay na ang buong Xi family, tama?"

Tiningnan siya ni Saohuang ng isang naguguluhang ekspresyon.

"Napagsuspetsahan na siya noon, pero ang pagdududang iyon ay nalinis na."

"Kung ganoon, gagawa tayo ng paraan para magawang madiin ang kasong ito sa pagkakataong ito," sabi ni Lin Yun habang nginingitian niya si Saohuang. Ang ngiti niya ay puno ng lason at kahulugan...