Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 504 - Ay Ginawang Bihag

Chapter 504 - Ay Ginawang Bihag

Hindi siya itinulak palayo ni Xinghe sa pagkakataong ito. Nakita ni Mubai na hindi siya nagalit kaya naman hindi niya pinigilan ang sarili na bigyan pa ito ng isa pang halik. Sa oras na ito ay mas malalim at mas marubdob pa ito kaysa nauna…

Lumipad ang eroplano patungo sa mga ulap. Ang sinag ng araw ay tumagos sa bintana, sinisinagan ang naghahalikang magkapareha at nagbibigay ng isang magandang larawan na tila sa panaginip lamang makikita…

Inisip ni Mubai na ito na ang pinakamasarap na halik na natanggap niya mula nang maipanganak siya. Gayunpaman, kailangan niyang magpakasigasig para makasiguro na hindi ito ang magiging huli niya.

Niyakap niya si Xinghe at ang ngiti niya ay mas nakakasilaw pa kaysa sa araw. Naniniwala siya na balang-araw ay makakamtan nila ang walang patid na kaligayahan.

Alam din niya na ang daan tungo sa landas na iyon ay mahirap, pero alam niya na hanggang nagtutulungan silang dalawa, walang makakapigil sa kanilang landas.

Habang nagmamadali pabalik sina Mubai at Xinghe, ang Xi family ay malaking problema ang kinahaharap. Mula ng tumakas palabas ng bansa si Xinghe, ang Xi family ay humaharap sa sobrang laking panggigipit.

Inihabla sila ng mga tagapagpatupad ng batas ng pakikipagsabwatan at pakikipagtulungan na makatakas ang isang bilanggo at mula noon ay iniimbistigahan na sila. Kahit ang isang taong maimpluwensiyang tulad ni Lolo Xi ay tinanong din.

Gayunpaman, ang may pinakamalaking pinsala ay si Munan dahil siya ang mas may pakikisalamuha kay Xinghe. Siya ang pumayag na pumasok sa militar si Xinghe at siya din ang nagbayad ng piyansa ni Xinghe. Isa pa, mayroon na siyang naunang kasaysayan na inimbestigahan sa pagnanakaw ng mga armas militar, kaya naman siya ang mas pinagdududahan.

Sa ngayon, nasuspindi na mula sa kanyang posisyon si Munan at ginawa nang bilanggo, naghihintay na madala siya sa korte militar.

Gayunpaman, dahil sa kapangyarihan ng Xi family, kahit na nasa likod siya ng mga rehas, hindi siya minaltrato. Ang selda niya ay puno ng lahat ng kailangan niya; hindi ito nalalayo sa isang silid sa isang hotel. Ang tanging ipinagkaiba ay mas maraming guwardiya sa labas ng kanyang silid.

Sa bawat oras na gusto siyang makita ng kahit sino mula sa Xi family, kinakailangan nilang dumaan sa maraming proseso.

Ngayon, kahit ang kanyang ama ay nasuspindi; hindi na maganda ang kinalalabasan ng Xi family.

Gayunpaman, nanatiling umaasa si Munan. Nanatili siya sa kanyang selda at araw-araw na nagbabasa ng kanyang mga libro at peryodiko; tila ba siya ay nasa isang bakasyon. Ang tanging bagay na nakasira nito ay ang mga pagbisita nina Saohuang at Lin Yun.

Ngayon, nandito na naman sila. Dinala si Munan sa isang maliit na conference room kung saan ang dalawa ay nakaupo na at naghihintay.

Napasimangot ito agad at nagreklamo sa kanyang mga guwardiya. "Hindi ba't sinabi ko, hindi ako available kapag itong dalawa ang may gustong makipagkita sa akin?"

Hindi sumagot ang guwardiya pero nagrereklamo ito sa loob-loob nito. Wala kang karapatan na magrekalmo niyan ngayon.

Nanghahamak na ngumisi si Lin Yun. "Xi Munan, sa akin napunta ang kasong ito, kaya naman kailangan mong makipagtulungan! Ngayon, hindi na ikaw ang kapita-pitagang si Major Xi ngunit isang mababang bilanggo!"

"Pero hindi ka naman namin pahihirapan, dahil dati tayong magkakasama. Maupo ka na at mag-usap tayo," sarkastikong dagdag ni Saohuang.

Inisip ni Munan na tumalikod na lamang at umalis. Gayunpaman, kalmado pa din siyang naglakad at naupo sa harapan ng mga ito. Walang bahid ng pagpapakumbaba ang makikita sa anyo nito. "Sige, kung gusto ninyong mag-usap tayo, mag-usap na tayo. Dahil marami naman akong oras sa ngayon."

Humilig palapit si Lin Yun at bahagyang ngumiti. "Masaya ako at payag kang makipagtulungan sa amin. Xi Munan, alam mo na ang dahilan kung bakit ka namin hinanap. Hindi magtatagal at dadalhin ka na sa korte militar, kaya ito na ang huli mong pagkakataon. Makipagtulungan ka sa amin at pagagaangin namin ang kaso mo. Kaya naman, sabihin mo na sa amin ang kailangan naming malaman."

Napasigasing si Munan sa pakikinig sa pekeng pag-aalala nito. Hindi naman ito ininda ni Lin Yun, dahil hindi niya pabababain ang sarili sa antas ng isang bilanggo!