Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 503 - Gusto Mo ba Siya

Chapter 503 - Gusto Mo ba Siya

Hindi na hahayaan pa siya ni Mubai na makalusot pa dito, kaya naman nangulit ito, "Paano naman ako? Ano ba ako sa iyo?"

"Ikaw…" binuksan ni Xinghe ang kanyang bibig para may sabihin pero walang salita ang lumabas. Ang paligid ay biglang kakaiba at alanganin. Patuloy na nakatitig sa kanya si Mubai ng may pag-asam, hinihintay ang kanyang sagot.

Gusto niyang malaman kung ano ang posisyon niya sa puso nito. Nangako siya dito na maghihintay siya, pero gusto din niyang malaman ang lugar niya sa mga bagay-bagay dito.

Sa wakas ay sumagot si Xinghe, "Kaibigan din kita."

Hindi makapaniwala si Mubai na nafriend-zone siya.

Patuloy na nagpaliwanag si Xinghe, "Kahit na kakaiba para sa atin ang maging magkaibigan pero…"

"Xia Xinghe," putol sa kanya ni Mubai ng may pag-iling. "Sa tingin mo ba ay papayag akong manatili na kaibigan mo?"

"..."

"Sigurado ako na alam mo ang mga intensiyon ko." Tinitigan siya ni Mubai ng may nag-aalab na damdamin. "Sabihin mo sa akin ang totoo, ano ang sinasabi ng puso mo sa oras na ito?"

Tahimik si Xinghe sa kanyang pagmumuni-muni bago nagtanong, "Gusto mo talagang malaman?"

"Oo."

"Iniisip ko kung paano ang gagawin kay Feng Saohuang at para matuklasan ang misteryong bumabalot sa Project Galaxy."

Hindi alam ni Mubai kung susuko ba siya o iiyak habang hinaharap ang katapatan nito.

Hinablot nito ang kamay niya na tila ito ang sasagip dito at nagtanong, "Hindi mo ba inisip kahit minsan lang ang tungkol sa relasyon nating dalawa?"

"Ang totoo, inisip ko pero kakaunti lamang."

Handa nang tanggapin ito ni Mubai, ang kaunti ay mas mainam kaysa wala.

"Kung ganoon, ano ang mga naisip mo?" Mapagpasensiyang tanong ni Mubai.

Matapat na sumagot ni Xinghe, "Nagdesisyon ako na ipagpaliban muna ito hanggang ang mga bagay na binanggit ko kanina ay maresolbahan."

Ang sagot ni Xinghe ay tila isang timba ng malamig na tubig na ibinuhos sa kanyang mukha.

"Kung ganoon ay gusto mo ba ako, kahit kaunti lamang?" Maaaring hindi pa handa si Mubai na marinig ang sagot, pero nagdesisyon siya na harapin ito at direktang itanong ito. Napagtanto ni Mubai na si Xinghe lamang ang nagpapawala ng kanyang karaniwang kontrol sa sarili.

Salamat na lamang, ang matapat na sagot ni Xinghe sa pagkakataong ito ay katanggap-tanggap. "Siguro ay may siguradong antas ng pagkagiliw, pero hindi ko masabi kung gaano kadami."

Parang nakikita ni Mubai na namumukadkad na ang mga bulaklak ng tagsibol; abot hanggang buwan ang kanyang tuwa!

Ang pares ng kanyang nangingislap na mga mata ay natuon sa kanya at ang mukha nito ay kakikitaan ng malapad na ngiti. "Sa madaling salita, gusto mo din ako, tama?"

Si Xinghe, sa ibang kadahilanan, ay tumango ng may bahagyang pamumula. Gusto nga niya ito ng may kasiguraduhang antas…

Kung hindi dahil sa kanyang ugali, hindi na niya pag-aaksayahan pa ng oras na pag-usapan nila ang kanilang relasyon, at hindi niya ito tutulungan. Kaya naman, sa bandang huli, gusto din niya ito.

Biglang itinaas ni Mubai ang kanyang baba at masuyong sinabi, "Mabuti na ito, ibig sabihin nito ay kinuha mo na ang unang hakbang! Huwag kang mag-alala, dahil ako na ang bahala sa natitira pang 99 na hakbang, tumayo ka lang at hintayin mo ako, okay?"

Bahagyang napasimangot si Xinghe. Bakit pakiramdam niya na kailangan din niyang gumawa pa ng kaunti para maging pantay ang kanilang relasyon. Kailangan nilang mabigay ng parehong dami ng trabaho para maging patas, tama?

Hindi alam ni Mubai ang mga iniisip niya dahil masyado itong nalulong sa sarili nitong kaligayahan. Tila ba isa itong bata na katatanggap lamang ng kanyang sinisinta.

"Pwede ba kitang halikan?" Biglang tanong nito. Bago pa nakasagot si Xinghe, humilig na ito. Ang halik ay isang mabini at maiksing halik.

Hind ito marubdob na halik. Ipinaalala ito kay Xinghe ng unang halik, malinis pero pinahahalagahan.

Hindi ito ang unang pagkakataon na naghalikan sila, pero sa ibang kadahilanan, natimo nito ang puso ni Xinghe.