Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 495 - Ang Panginginig ng Telepono

Chapter 495 - Ang Panginginig ng Telepono

Ang paulit-ulit na bigkasan sa lugar ng pagtatalumpati ay matagal bago matapos. Gayunpaman, si Philip ay may seryosong mukha at walang binibigkas na salita. Nakatayo ito ng tuwid sa entablado, pero isang sutil na ulap ang tila tumabing sa mga mata nito.

Ang ekspresyon nito, titig, at bawat pintig ng kanyang emosyon ay pinalaki at ipinapalabas sa screen. Ang buong mundo ay nakatutok at mukhang may parehong katanungan sa kanilang mga isip. Ano ang nangyayari sa kanya? May nangyari bang kakaiba?

Hanggang sa natahimik ang lugar, makikitang nahihirapan na binuksan ni Philip ang kanyang mga labi. "Mga pinakamamahal kong kasamahan, kaibigan, at kapwa mamamayan! Salamat sa inyong patuloy na suporta at pagmamahal, ang mga ito ang aking pinakamalaking inspirasyon, pero ngayon… ngayon ay…"

Nahihirinan na siya sa kanyang mga salita. Si Philip ay isang masigasig na heneral, hindi kilala sa kanyang mga sentimyento, pero sa oras na iyon, makikita ng mga tao na naluluha ang mga mata nito.

Kailangan niyang sumuko at biguin ang pag-asa ng mga taong iniatang sa kanyang mga balikat. Kailangan niyang biguin ang mga tauhan niya, ang mga sundalo na namatay para sa pakikipaglaban nila.

Hindi alintana sa kanya masyado na ibigay ang posisyon ng pagiging presidente, pero sa sandaling isuko niya ito, bibiguin niya ang pag-asa ng milyun-milyong mga tao. Ang desisyon na ito ay mas mahirap kaysa sa patayin niya ang sarili. Gayunpaman, bago pa siya maging pag-asa ng mga taong ito, una ay siya ang asawa ni Kelly; hindi niya magagawang biguin ito. Kaya naman, kailangan niyang gawin ang pagpiling ito…

Tila ba nararamdaman nilang magbibigay ng isang seryosong pahayag si Philip, ang lahat ay nagsimula nang kabahan. May alinlangan silang tumingin sa kanya, nagdarasal na huwag sana silang biguin nito.

Ang tanging tao na masaya, nananabik at tuwang-tuwa ay si Aliyah na nasa likuran ng entablado. Matapos ibigay ni Philip ang kanyang pahayag, ang bansang ito ay mapapasakanya na. Gamit ang bansang ito bilang isang batong hakbangan, hindi kalaunan ay masasakop niya ang buong mundo!

Tila ba nararamdaman ni Philip ang hindi mapigilang kagalakan niya ay tumalikod ito para tingnan siya. Nakita niya ang kislap ng kabaliwan sa mga mata nito.

"Kelly…" hindi iniiwas ni Aliyah ang kanyang mga mata bagkus ay ibinuka ang kanyang bibig para walang tinig na bigkasin ang pangalan ng babaeng iyon. Dumilim ang mukha ni Philip, at nagsimulang tumawa si Aliyah. Ibibigay ni Philip ang buong mundo para bigyan ng isang malaking sampal ang babaeng ito sa mukha!

Ikinuyom ni Philip ang kanyang kamao at pinigil ang nag-aalab niyang galit. Muli ay tumalikod siya para harapin ang mga tao.

"Pero ngayon, nang may kabigatan sa puso, kailangan kong magbigay ng isang anunsiyo," ibinuka ni Philip ang labi para sabihin, "At iyon ay…"

Sa sandaling iyon, ang telepono ni Philip na isinilid niya sa bulsa ng kanyang suit, na malapit sa kanyang puso, ay nagsimulang manginig. Sa sandaling nangyari ito, ang puso ni Philip ay tila ginaya ang panginginig nito.

Nagulantang si Philip pero agad na inilabas nito ang kanyang telepono.

Habang binabasa ni Philip ang caller ID, hindi na pinansin pa ni Philip ang kagandahang-asal na kailangan para sa sitwasyong ito at agad na sumagot, "Hello!"

Biglang nagkagulo ang mga tao. Bakit sasagutin ni Philip ang kanyang telepono sa kalagitnaan ng kanyang talumpati? Ano ang nangyayari?

Nakalimutan ni Philip na ipinapalabas siya sa buong mundo, ang kanyang atensiyon ay natuon nang husto sa tawag na iyon.

Ang tawag ay nagmula kay Xinghe. Ang kanyang kalmadong boses ay nanggaling sa kabilang linya, mabagal at matatag, ngunit makapangyarihan at malakas.

Sinabi niya kay Philip, "Philip, hindi mo na kailangan pang gawin ang talumpati, dahil mananalo ka. Binabati ka namin, nailigtas na namin si Kelly."

"Ano ang sinabi mo?" Napakapit si Philip sa gilid ng pulpito. Sa sandaling iyon, pakiramdam niya ang buhay niya ay muling sumigla.