Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 491 - Sobrang Sakit…

Chapter 491 - Sobrang Sakit…

Ang organisasyon na ito ay masyadong malaki ang tiwala sa kanilang surveillance at defense system. Pero muli, hindi nila inakala na makakatagpo nila ang isang henyo na katulad ni Xinghe.

Sa tulong ni Xinghe, ang mga tauhan ni Mubai ay matagumpay na nakalapit sa selda ni Kelly. Gayunpaman, sa oras na iyon, ilang mga tao ang nagmamadali na tumungo sa silid ni Kelly.

"Magtago kayo, may mga paparating!" Biglang babala sa kanila ni Xinghe.

Habang nagtatago ang mga tauhan ni Mubai, ang grupo ng mga taong ito ay lumampas sa kanila, binuksan ang pintuan ng selda, at pumasok sa selda.

Nang marinig na bumukas ang pintuan, si Kelly na nanginginig sa takot sa sulok ng kanyang kama ay itinaas ang tingin ng may takot. Ang ilang lalaki ay sinulyapan siya ng may pandidiri at pagkainis. Ang isang namumuno sa grupo ay nakasuot ng isang puting lab coat.

Napuno ng takot ang mga mata ni Kelly at ang mukha niya ay namutla nang makita niya ang puting kasuotang iyon.

"Hindi…" hindi niya namamalayang umaatras na siya pabalik sa sulok.

Ang nakasuot ng puting kapa ay nag-utos na, "Hulihin ninyo siya!"

"HUWAG!" Sinubukang umalis ni Kelly, pero dalawang malalakas na lalaki ang humawak sa kanya, hindi niya magawang maigalaw kahit ano sa kanyang mga kalamnan kahit na magpupumiglas pa siya ng husto.

Ang nakaputing kapa naman ay naglabas ng heringgilya at lumapit kay Kelly habang malamig siya nitong tinititigan. Walang alam si Kelly kung ano ang nasa heringgilya, pero alam niyang hindi ito makabubuti sa kanya.

Nang nadakip na siya, ang mga misteryosong lalaki na ito ay sasaksakan siya ng mga gamot sa bawat ikalawang araw, ang kanyang isip ay magiging magulo ng husto na mapipilitan siyang sumulat ng mga liham kay Philip na wala siyang natatandaang isinulat niya.

Ang mga bagay na ibinibigay nila sa kanya ay magdudulot sa kanya ng sobrang sakit; ang oras na ito ay walang ipinagkaiba!

"Hindi… Hindi, LUMAYO KAYO SA AKIN!" Walang magawang nagpupumiglas si Kelly habang ang karayom ay nakatusok na sa kanyang balat. Pinanood niya habang ang likido sa heringgilya ay pumapasok na sa kanyang katawan…

Hindi naririnig ni Xinghe ang boses nito pero nakikita niya ang kawalang pag-asa at paghihirap nito. Kahit si Mubai ay walang nakikita pero naririnig nito ang kanyang nakakahindik na mga sigaw.

"May isinasaksak silang likido kay Kelly…" malamig na sambit ni Xinghe.

Nagtanong si Mubai, "Maililigtas ba natin siya?"

"Huwag! Kapag nadiskubre kayo, wala sa inyo ang makakatakas," ang puso ni Xinghe ay napuno ng sakit nang gawin niya ang desisyong ito. Maaari silang sumugod para iligtas si Kelly, pero kailangan nilang maghintay at tingnan ang mas malaking larawan.

Kapag nadiskubre sila, ang lahat ng plano nila ay papalpak, at hindi na maililigtas pa si Kelly. Kaya naman, kailangan nilang manatili sa ngayon.

Hindi nagtagal, ang mga ungol ng sakit ni Kelly ay nagmumula na sa loob ng selda. Kahit si Xinghe pakiramdam na naririnig si Kelly mula sa mga ear-mic ng mga lalaki.

Ang pinakamasama sa lahat ay ang mga tauhan ng lalaking nakaputing kapa ay inire-rekord ang mga hiyaw ni Kelly sa isang recorder. Ang lalaking nakaputi ay nakatayo sa harapan ng camera at sinabi, "Philip, binigyan namin ang asawa mo ng isang lason na highly corrosive. Kapag hindi naibigay sa kanya ang antidote sa susunod na dalawang araw, ang mga lamang-loob niya ay magsisimula nang pumalya. Kapag nangyari iyon, kahit ang Diyos ay hindi na siya maililigtas pa. Isa pa, bago ang kanyang kamatayan, mararanasan niya ang sakit na hindi matatawaran, tulad ng iyong nakikita…"

Ang camera ay tumutok kay Kelly, ang kanyang mga sigaw ay umabot na sa sukdulang kaya ng mga tao, ang mukha niya ay kakikitaan ng ibayong paghihirap at kawalan ng pag-asa.

Ang kanyang mga hiyaw ay kayang durugin kahit na ang may pinakamatitigas na puso.

Nang marinig ni Mubai ang lahat ng ito, naikuyom niya ang kanyang kamao ng mahigpit, ang mga mata niya ay punung-puno ng bangis. Ang lahat ng nangyayari kay Kelly ngayon, ay naranasan na dati ni Xinghe!

Nasaksakan sila ng parehong gamot na ito.

Ngayon ay alam na niya kung gaano ito napakasakit para kay Xinghe…

Ang maipaalala ang oras ng paghihirap na ito, handa na si Mubai na durugin at punitin ang may sala sa maraming piraso!