Kung hindi titigil si Philip sa mga kalokohan, hindi maipapangako ni Mubai na hindi niya ito masasaktan ng pisikal. Si Philip na nararamdaman ang galit nito ay nagtataka. Ano ba ang sinabi niyang mali? Gayunpaman, may kutob siya na nagsasabi sa kanyang umalis na muna.
"Kung gayon ay aalis na muna ako ngayon, tawagan ninyo ako kung may kailangan kayong kahit ano," naiilang na umubo si Philip bago pa umalis sa silid. Matapos niyang umalis, nakita ni Mubai na kailangan pa niyang pakitunguhan ang mga bagong kaibigan ni Xinghe.
"Magsabi ka ng totoo, ano ang ginawa mong mali kay Xinghe?" Nakakatakot na pinatunog pa ni Sam ang kanyang mga daliri. Si Ali at ang iba pa na nasa likod nito ay masama ang tingin kay Mubai.
"Tama iyon, nabigo ko nga si Xinghe," Pag-amin ni Mubai na may bahagyang ngiti.
Walang tuwang tumawa si Sam. "Ang lakas ng loob mong gawan siya ng kasalanan, hindi ka karapat-dapat sa kanya at ngayon ay tutulungan ko siya na turuan ka ng leksyon—"
Sumuntok si Sam kay Mubai, pero ang kamao nito ay napigilan bago pa man ito tumama. Sinubukan ni Sam na makaalis sa mahigpit na hawak ni Mubai, pero hindi niya magawa. Mukhang mas malakas pa si Mubai kaysa sa kanya…
"Maaaring nakagawa nga ako ng pagkakamali, pero sigurado ako na hindi mo lugar na turuan ako ng leksiyon," pinandilatan siya ni Mubai at sinabi. "Isa pa, kahit na may ginawa akong pagkakamali, wala ka ng pagkakataon sa kanya dahil ang anak namin ay apat na taong gulang na."
Si Sam at ang iba pa ay nagulat at hindi na makapagsalita. Ang dalawang ito ay may anak na pala!
"Isa pa, sa tingin mo kung talagang nagtaksil ako kay Xinghe, sa tingin mo ba ay hahayaan niya akong makalapit sa kanya?" Matapos niyon, pinalis ni Mubai ang kamao ni Sam at pumasok na sa silid.
Ang mga tao sa silid ay napuno ng pagtataka. Kung hindi ito pagtataksil, ano kayang klaseng kasalanan ang ginawa ni Mubai?
Sabay-sabay na napatingin ang lahat kay Xinghe. Sinalubong naman ni Xinghe ang kanilang mga tingin at ibinigay ang kanyang paliwanag, "Ang totoo ako talaga ang may kagustuhang putulin ang aming pagiging kasal. Hindi namin mahal ang isa't isa kaya naman walang dahilan para manatili kaming kasal."
Si Sam at ang iba pa ay hindi inisip na ito ang magiging dahilan.
"Kung gayon… mahal mo na ba siya ngayon?" Tanong ni Sam bilang panunubok. Mayroon ding nakatagong pag-asa sa loob nito. Kung sinabi ni Xinghe na hindi, maaaring may tsansa pa siya!
"Sa kasalukuyan ay nagde-date kami na iniisip ding magpakasal," seryosong sagot ni Xinghe.
Ito ang nagpabagsak muli kay Sam sa katotohanan. Nalugmok siya sa sobrang kalungkutan, pero muli, dapat ay alam na niya iyon noong dumating si Mubai para sagipin sila mula kay Barron.
Tinapik nina Wolf at Cairn ang kanyang balikat habang papalabas ito sa silid. Naaawa din siyang tiningnan ni Ali.
Nagtatakang tiningnan sila ni Xinghe bago bumalik sa pagtatrabaho.
"Hindi magtatagal ay ikakasal kaming muli," biglang sabi ni Mubai habang nauupo ito sa kanyang tabi. May bahid ng tiwala sa sarili sa boses nito.
Nagulat si Xinghe. Bumaling siya para tingnan ito. Ang mga maiitim nitong mata ay nag-aalab sa damdamin nito.
Binuksan ni Mubai ang kanyang bibig para sabihin na, "Masaya akong marinig na sabihin mo iyon."
Hindi niya inisip na seryosong tatratuhin ni Xinghe ang kanilang relasyon. Kahit na ang pakikipag-date ay hindi isang romantikong relasyon pero para sa kanya, isa na itong malaking hakbang pausad.
Hindi magtatagal, babaguhin niya ang kanilang dating status patungo sa pagiging magkasintahan at sa wakas ay sa kasal na estado!
Tumawa si Xinghe. "Sa ibang rason, alam kong may sasabihin kang ganoong bagay."
"Siyempre, sasabihin ko. Ibibigay ko ang buong mundo para mapakasalan ka sa oras na ito!"
"Kung ganoon, nasa magkaibang pahina pa din tayo; hindi ako nagmamadali na maikasal."
"Huwag kang mag-alala, hindi magtatagal ay magiging magkapareho din tayo ng pahina," buong tiwalang sagot ni Mubai. Gagamitin niya ang kanyang buong buhay para makuha ang puso nito.