Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 482 - Tulad ng Labanan

Chapter 482 - Tulad ng Labanan

Takot na masira niya ang ginagawa nito, hindi na nakialam pa si Mubai. Naupo ito sa harap ng supercomputer, ang mga daliri nito ay lumilipad sa ibabaw ng mga keyboard.

Ang unang gawain ni Xinghe ay ang i-hack ang server ng kuta. Ang malakas na depensa ng kuta ay walang binatbat kay Xinghe. Madali niya itong na-hack at agad na kinuha ang pamamahala sa internal surveillance system.

Agad, serye ng mga surveillance video ay lumitaw sa screen. Ang lahat ay nasabik nang mangyari iyon.

Walang reserbasyong pinuri ni Ali si Xinghe, "Xinghe, ang galing-galing mo! Mabilis mong na-hack ang kanilang system."

"Hindi ko inaasahan na ang kuta nila ay napakalaki, ang mga video na narito ay ipinapakita lamang ang ilang parte ng buong looban," Obserba ni Charlie sa isang seryosong tono.

Direktang sinabi ni Philip, "Suriin ninyo ang bawat sulok ng lugar na ito, at kailangan ko ang isang eksaktong plano ng lugar na ito!"

"Naturally," sabi ni Xinghe habang patuloy na nagtatrabaho ito sa computer.

Biglang naupo sa kanyang tabi si Mubai at nagtanong, "Kailangan mo ba ang tulong ko?"

Tumingin sa kanya si Xinghe at ngumiti. "Sige, ipapasa ko ang surveillance sa iyo, ikaw ang magligtas sa kanila at gumawa ng layout map."

"Walang problema," sagot ni Mubai ng may pilyong ngisi. Si Philip at ang iba pa ay nasorpresa sa galing ni Mubai sa computer, ang inakala nilang lahat ay isa lamang siyang mahusay na negosyante, iyon pala ay isa din siyang mahusay sa computer. Sa kanilang mga mata, kasinghusay siya ni Xinghe.

Isa pa, walang kamali-mali ang kanilang pagtutulungan sa isa't isa. Ang isa ay responsable sa pangongolekta ng impormasyon, ang isa ay pinagsasama-sama ang mga ito. Mayroong kaunting berbal na pag-uusap sa kanilang dalawa ngunit tila alam na nila kung ano ang kailangan ng isa't isa.

Agad na napuno ang silid ng tunog ng mga daliring tumitipa sa mga keyboard. Sila ay nasa kanilang zone, ang kanilang mga hitsura ay nakatuon ng husto.

Ang mga nakapaligid na tao ay hindi nangangahas na mag-ingay, natatakot na maistorbo nila ang dalawa. Kahit ang kanilang paghinga ay bumabagal na.

Gayunpaman, ang kanilang mga puso ay tumitibok ng mabilis sa pagkasabik. Hindi pa nila pisikal na napapasok ang kuta ng IV Syndicate pero ang panoorin ang dalawang ito na magtrabaho ay tila ba nasa gitna na sila ng isang tunay na labanan.

Ang pakiramdam na ito ay makakapagpakulo ng dugo ng ninuman!

…

Matapos ang ilang sandali, sa wakas ay tumigil na sa pagtatrabaho si Xinghe. Ngumiti siya. "Ang buong kuta na ito ay lubos nang nasa kontrol natin."

Tumigil din sa sumunod na segundo si Mubai, "Handa na ang layout."

Nasorpresa si Xinghe. Pinuri niya ito, "Ang bilis mo."

Ang bilis nito ay talagang nagpahanga sa kanya. Ngumisi si Mubai. "Isa lamang itong mapa ng layout, maliit na bagay lang."

Gayunpaman sa pananaw ng iba pa, napakahusay na nito!

Ang mapa ay agad na nai-print out at nagsimula na silang maging pamilyar dito. Isang military strategist; nang makita niya ang mapa, nakaisip na agad ito ng ilang istratehiya para wasakin ito.

Gayunpaman, hindi pa ito ang tamang oras para kumilos dahil nalaman nila na ang malaking kuta na ito ay isa lamang sangay!

"May iba pa bang paraan para matukoy mo ang pinaka kuta nila mula sa isang ito?" Tanong ni Philip kay Xinghe.

"Kaya ko pero kakailanganin ko ng isa o dalawang araw para magawa ito," sagot ni Xinghe na nakakunot ang noo. Pakiramdam niya ang oras na kailangan ay masyadong matagal pero nasisiyahan na si Philip.

"May isa o dalawang araw pa tayo na mailalaan. Pupunta na ako at paghahandain ang mga tauhan ko; kapag handa ka na, aalis na tayo agad-agad."