Inisip niya na mabibigo ang mga ito sa kanya at pipiliing tapusin ang kanilang pagtutulungan. Sino ang mag-aakala na ang babaeng ito ay prangka at diretso? Nakikita na niya ngayon kung bakit pinahahalagahan ito ng husto ni Mubai. Talagang kakaiba ito sa lahat.
"Kung ganoon ang kaso, makikipagtulungan ako sa lahat ng aking makakaya. Kung maililigtas mo ang aking asawa, ako, si Philip, ay habambuhay na magkakaroon ng utang-na-loob sa iyo!" Pangako ni Philip.
Ngumiti si Xinghe. "Dahil napakalaki ng tiwala sa atin ni General Philip ay sasagot din kami ng sa parehong tiwala. Maaari mo ba akong bigyan ng isang computer?"
Nalito si Philip. "Bakit mo kailangan ng isa?"
"Aalisin ko ang lahat ng online videos!"
Nagulat si Philip pero hindi na siya nagtanong dito. Mabilis niyang inutusan ang isang tauhan na maghanda ng isang magandang computer para kay Xinghe.
Sa ilalim ng titig ni Philip, hinayaan ni Xinghe na maging kumportable siya sa harapan ng computer at sinimulang gamitin ang kanyang mahika. Ang lahat ng video ni Kelly online ay unti-unti nang nabubura isa-isa. Salamat na lamang at hindi pa naging kalat ang video kaya naman inabot lamang siya ng kalahating oras para mabura ang bawat isa sa mga ito.
Isa pa, sa isang bansa tulad ng Country Y, oras-oras ay nagbabago ang balita. Ang isang video tungkol sa isang nanginginig na babaeng hubad ay hindi sapat para makuha ang maraming atensiyon. Kaya naman, kahit na biglang nawala ang mga video, hindi ito nagdulot ng kaguluhan, hindi naman marami ang taong nagbigay ng atensiyon dito sa una pa lamang.
Gayunpaman, para kay Philip, ang pruweba ng video ay isang kahihiyan kaya naman gumaan na ang kanyang pakiramdam nang mawala ang lahat ng mga kopya nito.
"Sinabi ni Mubai na may kakayahan kang mahanap ang IV Syndicate at nakawin ang lahat ng kanilang impormasyon. Ang totoo, nagduda ako dito. Pero ngayon ay mukhang nahanap na niya ang perpektong tao para sa trabahong ito." May bahagyang pagbabago sa tono ni Philip; may karagdagang respeto na dito na dati ay wala.
Si Sam at ang grupo ay hindi rin inisip na napakahusay ni Xinghe. Maaaring mas mahusay pa siya kaysa sa kanilang inaakala.
Hindi na nangahas pang gumawa ng mga pangakong walang panghahawakan si Xinghe, kaya mahina niyang sinabi, "Hindi ko masisiguro na isang daang porsiyento pero ako ay may siyamnapu't siyam na porsyentong tiwala na maaari ko itong magawa."
"Higit pa iyon sa sapat. Miss Xia, kung may iba ka pang kahilingan sa hinaharap, pakiusap pumunta ka agad sa akin, gagawin ko ang mga ito kung kaya ko!" Mapagbigay na sabi ni Philip.
Tumango si Xinghe. "Ang totoo, may mga bagay akong kailangan na maihanda kaagad. Bibigyan kita ng listahan; sana ay matulungan mo akong makuha ang mga ito."
"Walang problema!"
Sa ganoon na lamang, isang computer control room na gusto ni Xinghe ang naihanda. Nandito na ang lahat ng kanyang kailangan, puno ng mga pinakabagong high-tech na computer accessories. Dati sa City T, madaling maihahanda ito ni Mubai, pero ngayong nasa ibang bansa sila, mas madali para kay Philip na magawa ang ilang bagay.
Ang sumunod na hakbang ay ang mahanap ang kuta ng IV Syndicate. Ang kuta ay sinasabing malayo mula sa siyudad, at sa gitna ng disyerto.
Tanging si Charlie ang nakakaalam ng pangkalahatang lokasyon; kailangan pa nila ang mga tauhan ni Philip para suyurin ang lugar bago pa makapasok si Xinghe.
At sa panahong iyon, patuloy na nakakatanggap ng mga banta si Philip mula sa IV Syndicate. Ang pangkalahatang eleksiyon ay mangyayari matapos ang isang linggo. Kung hindi pa nila maililigtas si Kelly sa isang linggong iyon, aatras si Philip sa eleksiyon. Ito na ang magiging katapusan nilang lahat, kaya naman nakikipagkarera sila sa oras.
Salamat na lamang, kinabukasan, bumalik ng may magandang balita ang mga tauhan ni Philip; ang coordinates sa kuta ay nakumpirma na!
"Mahusay na trabaho!" Maligayang-maligaya sina Philip at ang iba pa. Pinaligiran nila si Xinghe sa control room, pinapanood na paganahin niya ang mga computer.
Nag-alok na tumulong si Mubai pero may sariling paraan ng paggawa ng mga bagay si Xinghe.