Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 480 - Pinipili ang Kanyang Asawa

Chapter 480 - Pinipili ang Kanyang Asawa

Mahigpit na sinakal ni Philip ang leeg nito at nagbabala, "Bago ko gawin ang desisyon ko, papatayin kita kapag nangahas kang saktan siya! Makinig kang maigi, kung kahit sino sa inyong grupo ang nangahas na magkaroon ng malisyosong kaisipan sa kanya, hindi ako titigil na hanapin ang bawat isa sa inyo. Isa akong lalaki na may isang salita, ngayon ay lumayas ka sa pamamahay ko!"

Marahas niyang itinulak ito paalis sa kanyang daan. Nanlaki ang mga mata ni Aliyah sa pagkagulat; nahihirapan siyang tanggapin ang kahihiyang ito.

Galit niyang pinandilatan si Philip at ngumisi. "Fine! Malakas talaga ang loob mo, Philip. Pero sa tingin ko ay hindi na magtatagal ang pananatili mo sa ituktok, malapit mo na ding mauunawaan mo ang kahulugan ng pagsisisi. Tara na!"

Matapos iyon, dinala na ni Aliyah paalis ang kanyang mga tauhan. Sa parehong oras na iyon, ang maraming paraan para pahirapan si Kelly ang lumitaw sa kanyang isipan. Matapos niyang mapanalunan ang eleksiyon, aalisin niya si Philip. Matapos noon, pahihirapan niya si Kelly sa harapan nito, para ipakita sa kanya ang presyo sa hindi pagtingin at pamamahiya sa kanya.

Siyempre, nahuhulaan ni Philip ang mga iniisip ni Aliyah.

Bumaling siya sa grupo ni Mubai ng may malamig na tingin at direktang sinabi, "Ang lahat sa inyo ay narinig naman siya, tama? Kung hindi ako sasali sa eleksiyon na ito, mananalo si Aliyah. Nasa kama siya ng IV Syndicate mula pa sa simula kaya naman ang lahat ng pag-asa ay mawawala kapag nanalo siya."

"Pero ang asawa mo ay nasa kanilang mga kamay," seryosong sabi ni Xinghe.

"Kaya naman, kailangan ninyo siyang sagipin sa lalong madaling panahon, bago pa magsimula ang pangkalahatang eleksiyon," mariing sagot ni Philip.

Nagtanong si Xinghe, "Paano kung hindi namin magawa?"

Natigilan si Philip. Tama iyon, paano kung nabigo sila? Kailangan ko bang sumunod sa kanila o panoorin sila na gahasain ang asawa ko?

Ang bawat isa sa mga resulta ay hindi gusto ni Philip.

Tumayo si Xinghe para titigan siya at nagtanong, "Ano ang magiging pasiya mo kung hindi namin nagawang iligtas siya bago ang eleksiyon?"

Sa ibang kadahilanan, nakaramdam ng panggigipit si Philip sa tanong niya. Pakiramdam niya ay dapat siyang magbigay ng sagot dito. Sinalubong niya ang titig ni Xinghe ng dalawang segundo bago mabagal na inanunsiyo, "Pipiliin kong makipagtulungan sa kanila—"

"Sa madaling salita, handa kang isuko ang paghihiganti para sa mga magulang mo para sa asawa mo?" Tanong ni Xinghe para magkumpirma.

Dumilim ang mukha ni Philip at umangil ito, "Tama iyon, kaya kailangang mahanap ninyo siya at iligtas bago mangyari iyon. Ito lamang ang tangi ninyong pagpipilian!"

F*ck, nangahas siyang bantaan tayo ng ganito!

Hindi sinasadyang gustong tumulong ni Sam kay Xinghe na sumagot.

Pero nagulat siya sa direktang pangako ni Xinghe. "Sige, ibibigay namin ang lahat ng aming makakaya. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin ko na ang pagtutulungan nating ito ay hindi magtatapos sa ganito lamang."

Nabigla si Sam. Bakit pumapayag si Xinghe dito? Handa si Philip na mawala sila para lamang iligtas ang asawa nito kaya bakit pumapayag pa din siyang magtrabaho para dito?

Tanging bibig lamang ni Mubai ang kumurba na naging ngiti.

Tama ang pinili ni Philip. Kung pinili niyang isuko ang kanyang asawa, marahil ay hindi na gugustuhin pang makipagtulungan sa kanya ni Xinghe.

Sa bandang huli, tapat pa din siya sa kanyang asawa at mahal pa niya ito. Hindi niya kinalimutan ang kanyang layunin, matapos mailigtas niya ang kanyang asawa, may oras pa para maghiganti. Ang manatiling buhay ay ang pinakaimportante.

Isa pa, ipinapakita nito na si Philip ay isang tapat na indibidwal. Mas gustong makasama ni Xinghe ang mga ganitong klase ng tao kaysa magtrabaho sa mga taong mas malaking magbayad.

Ngayon ay kailangan na ni Xinghe na siguraduhin na magagawa niya ang kanyang ipinangako, ang hindi biguin si Philip at mapanatili ang kanilang pagtutulungan.

Mukhang nabigla din si Philip sa reaksiyon ni Xinghe.