Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 478 - Iyon ang Asawa Niya?

Chapter 478 - Iyon ang Asawa Niya?

Gayunpaman, hindi ito ginawa ng mga lalaki. Ang video ay lubos na nakatuon sa mahina, at nanginginig na babae na mahigpit na yumayakap sa sarili.

Walang makakaunawa ng ibig sabihin ng video na ito, maliban na lamang na sabihin sa kanila na ang babae ay nasa matinding panganib. Walang nakakaalam kung sino ang babae, ano ang layunin ng video, o kung sino ang nagpadala nito.

Pero, ang puntiryang manonood ng video na iyon ay malinaw dahil si Philip mismo ang nakatanggap ng disk na naglalaman ng video sa mail!

Hindi alam ni Philip kung ano ang nasa disk kaya naman inilagay niya ang disk habang si Mubai at ang iba pa ay pinagpupulungan ang kanilang plano para sa misyon.

Gayunpaman, sa sandaling nagsimula ang video, galit itong tumayo habang inilalabas ang baril para bantaan ang mga nasa silid. "Huwag kayong titingin, ilihis ninyo ang inyong mga mata! Babarilin ko ang kung sinumang tumingin!"

Hindi tanga ang mga tao sa silid. Kung pagbabasehan ang reaksyon ni Philip, nahuhulaan na nila na ang babae sa video ay isang taong importante dito.

Si Mubai ang unang inilihis ang kanyang mga mata. Ang totoo tanging naramdaman niya nang makita ang video ay pag-aalala at takot para sa babaeng iyon. Ito rin ang nararamdaman ng iba pang nandoon.

Isa pa, wala slang masyadong nakita dahil niyakap ng babae ang kanyang sarili habang tinatalikuran ang camera. Ang tangi nilang nakikita ay ang mga hita at likuran nito. Gayunpaman, ang mga imaheng ito ay sapat na para mabaliw si Philip sa galit; ang pagbabanta sa boses nito ay tunay.

Agad nitong hinila palabas ang disk at isinara ang telebisyon. Pagalit na pumasok ito sa silid nito para panoorin ang iba pang parte ng video. Hindi nagtagal, ang tunog ng mga bagay na ibinabato at malakas na pagmumura ang maririnig mula sa kanyang silid.

"Iyon ang asawa niya?" Bumaling si Xinghe kay Mubai.

Tumango si Mubai. "Siguro."

Nabigla dito sina Sam at ang iba pa. "Paanong nangyari na ang babae sa video ay ang asawa ni General Philip? Ano ang nangyayari?"

Nagpaliwanag si Xinghe, "Ang asawa niya ay nasa kamay ng IV Syndicate."

Napahiyaw si Ali, "Ang ibig sabihin ay kagagawan ito ng IV Syndicate! Sila ay…"

Hindi na nangahas na ituloy ni Ali pero napupunan nila ang mga patlang ng kanilang sarili. Kaya naman pala gustung-gusto na ni Philip na durugin ang IV Syndicate. Walang lalaki ang matitiis na makita ang asawa niya na tinatrato sa ganoong paraan.

"Pero ano ang punto ng IV Syndicate sa pagpapadala kay General Philip ng bagay na ito? Ito ba ay talagang para makita natin?" Tanong ni Sam.

Isang nakakabalisang pakiramdam ang dumaan sa silid. Kung nalaman ng IV Syndicate ang kanilang plano ang mga bagay ay mas magiging kumplikado.

Gayunpaman, hindi magtatagal at malalaman na nila ang dahilan kung bakit.

Sa pagkakataong iyon, isang babae ang dumating sa bahay ni Philip. Ang babae ay bata pa pero nakasuot din ng unipormeng militar ng Country Y. Dumating din ito ng may maliit na military escort.

Ang babae ay brusko at mayabang; mukhang sasali na din ito sa listahan ng mga cannon fodder ng nobelang ito.

Kung titingnan ang mga medalyang palamuti ng kanyang uniporme, ito ay may partikular na ranggo, may kaunting kababaan kaysa kay Philip. Gayunpaman, hindi siya nagbibigay respeto kapag kaharap niya si Philip, ang totoo ay mas naging mayabang pa nga ito.

Nang makita ito ni Philip, ang mga mata nito ay kasing lamig ng libingan. Sinubukan nito ang lahat ng makakaya para pigilan ang kagustuhan nitong pumatay.

Ang babae ay nakita ang pagkamuhi sa mga mata nito at malanding ngumiti. "Mukhang nakita mo na ang videong kumakalat sa internet. Philip, bakit ba ang tigas pa din ng ulo mo? Kung hindi ka agad makikipagtulungan, ikaw ang magiging dahilan ng kamatayan ni Kelly."

"Internet?" Natigilan si Philip sa salitang ginamit nito.

May interes na tumaas ang kilay ng babae. "Hindi mo ba nakita ang mga video online? Well, nagawa kong makilala ang babae sa video bilang si Kelly."