Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 476 - Mamamatay Ako Kung Wala Ka

Chapter 476 - Mamamatay Ako Kung Wala Ka

"Gamit ang iyong kakayahan, madali mong mababawi ang lahat ng nawala sa iyo."

Nagulat si Mubai sa kung gaano ito kaseryoso sa pag-alo sa kanya. Nakita niya ang nahihirapang tangka nito sa pag-aalo na nakakatuwa…

Hindi niya mapigilang hindi ngumiti. Tumingin si Mubai sa mga mata niya at sinabi, "Ganoon kalaki ang tiwala mo sa akin?"

Tumango si Xinghe, ang kanyang mukha ay tapat.

Lalong tumaas ang pagbibiro sa mga mata ni Mubai. "Pero wala akong tiwala sa aking sarili. Paano kung magiging malaki ang pinsala nito sa aking pinansiyal na kondisyon at hindi na ako kasing yaman tulad ng dati?"

"Talagang malaki ang nawala sa iyo?" Napasimangot si Xinghe, bakit pa magiging ganito kababa ang tiwala nito sa sarili? Hindi ito katulad nito noon.

Tumango si Mubai. "Tama iyon. Ang alok ko ay katumbas ng taunang capita ng bansang ito."

Napakataas ng halagang iyon?! Walang ideya si Xinghe na isasakripisyo ni Mubai ang ganoong kalaking halaga para lamang makuha ang ebidensiya ng mga katiwalian ni Saohuang. Wala na siyang masabi.

Pinag-isipan niya ito ng maigi at nakaisip ng isang mahinang pang-aalo, "HIndi na importante ang yaman. Sa aking pananaw, kahit ano pa ang mangyari sa iyo, ikaw ay ikaw pa rin."

Kaya naman, kahit na maging mahirap pa ito sa daga, siya pa din ang Xi Mubai na ito. Naintindihan ni Mubai ang pakahulugan niya at sinadya nitong idagdag, "Maaaring sinasabi mo nga iyan pero paano kung ayaw kong mawala ang lahat na mayroon sa akin?"

Agad na sumagot si XInghe, "Kung gayon ay tutulungan kitang mabawi ang lahat ng nawala mo. Ang husay ko sa negosyo ay maaaring hindi kasing husay ng sa iyo pero may halaga naman siguro ito ng kaunti."

"Tutulungan mo ako?" Nagulat si Mubai. Bahagyang tumango si Xinghe.

Napaos si Mubai sa pag-iisip ng maaaring implikasyon nito. "Pero bakit mo ako tutulungan?"

Nagtatakang tiningnan siya ni Xinghe. "Hindi ba't sinabi mo na ayaw mong mawala ang lahat? Kung gayon, tutulungan kitang mabawi itong lahat."

"Pero sa tingin mo ba ay hindi ito nararapat na ibibigay mo sa akin ang bawat sentimo ng iyong kinita?"

Hindi naman talaga ito inisip ni XInghe. Binigyan niya ito ng ilang pagmumuni at umiling. "Wala nang tanong ng halaga dito dahil handa akong tumulong sa iyo ng kusang-loob."

Kaya naman, wala sa kanya na ibigay dito ang lahat ng perang kikitain niya. Sapagkat wala namang masyadong halaga ang pera sa kanya. Ang pinahahalagahan niya sa buhay ay ang kanyang kagustuhan. Dahil handa naman siyang tulungan ito, ang lahat ng ito ay ang importante, ang iba pa ay hindi na ganoon kahalaga.

Hindi inisip ni Xinghe na ang kanyang paraan ng pag-iisip ay kakaiba pero kagulat-gulat ito para kay Mubai. Hindi niya inaasahan na handa nitong isakripisyo ang lahat para sa kanya. Dahil lamang sa ayaw niyang mawala ang kanyang pera, tutulungan siya nito na mabawi itong lahat.

Hindi lamang iyon, hindi ito nanghingi ng bayad o gustong maramdaman niya na may utang siya dito. Gusto siyang tulungan nito ng simple at puro.

Hindi na ako makakatagpo pa ng ganitong klaseng babae sa tanang buhay ko.

Iniyuko ni Mubai ang kanyang ulo at ngumiti.

Tiningnan siyang muli ni Xinghe ng nagtataka. "Bakit ngumingiti ka nang mag-isa?"

Nang itinaas ni Mubai ang kanyang ulo, natigilan si Xinghe nang masalubong niya ang pares ng makikislap nitong mata. Nakikita niya ang buong kalawakan doon, kumikislap na tila isang magandang larawan sa isang mabituwing gabi.

Tinitigan siya nito ng magiliw at mariin bago binuksan ang kanyang bibig para magsabi ng, "Masaya lamang ako. Ang totoo, ang mga nakaraang buwan na ito ang pinakamainam at pinakamasayang oras ng buhay ko, alam mo ba kung bakit?"

"..." Hindi sumagot si Xinghe, tahimik lamang siyang tumingin dito.

'Dahil sa iyo… ikaw ang nagdala sa akin ng matinding saya. Xia Xinghe, wala kang alam kung gaano ka kaimportante sa akin at kung gaano naging maliwanag ang buhay ko nang dahil nandoon ka, kaya naman…"

Nagkaroon ng biglang kalungkutan sa mga mata ni Mubai nang magpatuloy ito ng may pinipigilang hikbi, "Kung wala ka, naniniwala akong mamamatay ako."