Tumawa si Philip. "Nakakatakot? Kung natatakot ako sa mga ganitong klase ng tao, hindi ko na sana narating ang posisyon ko ngayon! Ang organisasyong ito ay dapat na mawasak dahil ang kanilang pamumuhay ay isang malaking banta sa bansang ito!"
Natahimik si Charlie at ang iba pa. Ang General ay tama dahila ng organisasyong ito ay ang isang malaking sanhi ng digmaang nangyayari sa Country Y. Nagpupuslit at nagbebenta sila ng mga armas militar, dahilan ng pagdami ng mga makakaliwang grupo, at naging dahilan ng kaguluhan sa buong bansa. Kung wala sila, mas magiging mapayapa ang bansa.
"Kung gayon, ibibigay ko ang lahat ng maitutulong ko!" Determinadong pangako ni Charlie, kahit na ano pa ang kalabasan, gusto niya itong subukan. Gusto niyang sagipin ang kanyang bansa.
"Gagawin din namin ang aming makakaya, oras na para makahanap ng katapat ang IV Syndicate!" Dagdag ni Sam ng may maalab na determinasyon. Ang iba pa ay tumango. Sa sandaling iyon, nag-aalab sila ng makabansang pagmamalaki at pagmamahal sa bayan.
Tumatangong nasisiyahan si Xinghe. "Huwag kayong mag-alala, ang lahat ng paghihirap natin ay hindi masasayng. Sisiguraduhin nating mawawasak ng tuluyan ang organisasyong ito."
Ang Xi family at ang kapalaran niya ay nakatali sa IV Syndicate. Makakaligtas lamang sila matapos na mawasak ang organisasyong ito. Kaya naman, kailangan nilang mabuwag ang IV Syndicate na ito kahit na anong mangyari!
At iyon ang dahilan kung bakit nagkaisa ang lahat ng nasa silid na may isang layunin: durugin ang IV Syndicate.
Matapos nilang umalis, sinabi ni Mubai kay Xinghe ang tungkol kay Philip. "Nagawa kong makipagtulungan sa kanya hindi lamang dahil sa isa siyang maimpluwensiyang heneral kundi dahil mayroon din siyang hindi magandang kasaysayan sa IV Syndicate."
"Ano'ng klase ng kasaysayan?" Tanong ni Xinghe.
Pabulong na nagpaliwanag si Mubai, "Ang mga magulang ni Philip ay pinatay ng IV Syndicate at ang asawa niya ay kasalukuyang hostage ng organisasyon para mapigilan siya sa pag-atake sa mga ito."
"Ganoon ba?" Tumatango sa isip niya si Xinghe. "Ang organisasyon na ito ay maaaring maraming alam sa napakaraming tao. Kung hindi ay hindi sila lalakas ng ganito."
Tumango si Mubai. "Ganoon na nga. Binabantaan nila o inaalis ang mga taong hindi nila mapasunod sa kanila. Ang isa sa mga dahilan na napakagulo ng bansang ito ay dahil inanay na ito mula sa loob."
"Kung ganoon, maaari ba nating pagkatiwalaan si Philip na tulungan tayo sa IV Syndicate?" Nag-aalalang tanong ni Xinghe.
Ngumisi si Mubai. "Siyempre, tanging ang pagsira sa IV Syndicate ang tutulong sa kanyang marating ang tuktok at pamunuan ng lubusan ang bansang ito."
Naunawaan na ito ni Xinghe. Kailangan sila ni Philip para alisin ang sindikato para mapalakas ang kanyang impluwensiya at posisyon. Sa isang magulong panahon, ang tao o grupo na makakapagdala ng kapayapaan ay makukuha ang suporta ng mga tao at ng militar. Makukuha ni Philip ang buong suporta ng mga mamamayan ng Country Y kapag nawasak niya ang IV Syndicate. Isa pa, may ilan pa siyang personal na dahilan para kamuhian ang IV Syndicate kaya naman mapapagkatiwalaan nila ito bilang kakampi.
Napahanga si Xinghe. "Nakakabilib naman na nagawa mo siyang makausap at makumbinsi siyang makipagtulungan sa iyo."
Binigyan siya ni Mubai ng isang pagak na ngiti. "Binigyan ko siya ng alok na hindi niya matatanggihan; iyon ang dahilan kung bakit pumapayag siyang suportahan ako."
"Gaano kalaki ang alok na iyon?"
"Napakalaki."
Tumango si Xinghe ng tahimik. Maaaring may impluwensiya si Philip pero ang militar ay palaging nangangailangan ng pinansiyal na suporta. Money speaks, iyon ang matigas na patakaran, lalo na sa isang bansang nahahati ng digmaan tulad ng Country Y.
Kaya naman, magagawa niyang manghula sa bilang ng alok. Masyado siguro itong malaki!
Si Xinghe, na hindi magaling sa pang-aalo, ay atubiling sinabi, "Kahit ano pa ang mangyari, hindi magtatagal ay mababawi mo din ito."