Ang namumula niyang mga mata ay galit na tumitig kay Mubai; hindi na siya makapagsalita sa sobrang galit. "Ikaw, nangahas kang atakihin ako! Men…"
Nagpaputok ng isa pa si Mubai sa kanya ng walang alinlangan. Sa oras na ito, ang mukha ni Barron ay hindi na mailalarawan ng salitang nagulat o nagalit. Gayunpaman, ano ang magagawa niya para mapigilan ang pagkawala ng dugo mula sa kanyang katawan?
Bumagsak sa lupa si Barron ng nakabukas pa ang kanyang mga mata. Ang buong militar ay nakaalerto, naghihintay sa utos ni Philip na ikulong si Mubai. Kahit ang grupo ni Xinghe ay nagsimula nang mag-alala para sa kanya. Dahil kahit pa ano ang mangyari, si Barron ay isang General, ang pagpatay dito ng ora-orada ay tila hindi tama…
Gayunpaman, bumaling si Philip kay Xinghe at nagtanong, "May ebidensiya ka ba talaga ng lahat ng ilegal niyang gawain?"
Nakabawi si Xinghe at tumango. "Tama iyon."
"Kung ganoon, dapat lang na mamatay siya. Tandaan mong pasahan ako ng mga ebidensiya niya matapos nito," diretsang sabi ni Philip na tila ba ang taong namatay ay walang kahalagahan.
"Walang problema!" Pangako ni Xinghe habang nakahinga siya ng maluwag. At least ligtas na si Mubai mula sa pag-uusig.
Ang grupo ni Sam ay natakot sa karahasan at bilis ng pagpapasiya nito. Pinatay niya si Barron ng ganoon na lamang. Doon nila napagtanto na literal nilang nailagan ang bala kanina lamang.
Ang katawan ni Barron ay mabilis at tahimik na naialis. Hindi niya kailanman mahuhulaan sa isang milyong taon na ang buhay niya ay magtatapos sa ganitong paraan. Dinala niya ang mga sundalo niya para tapusin ang grupo ni Xinghe at siya pala ang madadala paalis ng nasa loob ng isang body bag. Ang grupo ni Sam ay hindi rin inakala na magtatapos din ito sa ganitong pagkakataon.
Kaya naman nagpapasalamat sila na sila ang nakaligtas. Ang swerte nila ay mukhang nagbago para sa mabuti nang makasama nila si Xinghe. Ito ay salamat sa kanya na nagawa nilang malampasan ang mga pagsubok. Nagpasya sila na didikit na sila kay Xinghe mula ngayon!
Si Xinghe at Mubai ay may sasakyan na para sa kanilang dalawa lamang. Sa sandaling sumara ang pintuan, agad siyang hinila ni Mubai para sa isang mahigpit na yakap!
Ikinagulat ito ni Xinghe.
"Wala kang alam kung paano ako lubos na nag-alala nitong mga nakaraang araw!" Sabi ni Mubai na ang tono ay tila nabunutan ng tinik habang nilalanghap ang kakaiba niyang amoy.
Kumislap ang mga mata ni Xinghe at sumagot siya, "Ang totoo, ganoon din ang nararamdaman ko. Akala ko ay may masama nang nangyari sa iyo."
Isang pilyong ngisi ang gumuhit sa mukha ni Mubai na tulad ng isang manipis na tabing. "Nag-aalala ka tungkol sa akin?"
"Naturally."
Naiintindihan ni Mubai na ang pag-aalala niya ay pag-aalala bilang kaibigan pero masaya pa din siya na malaman na nag-alala ito sa kanya. Nagpaliwanag siya, "Ayos lang ako, matapos kitang itulak palabas ng eroplano, tumalon na din ako na may parachute. Pero nasugatan ako kaya naman natagalan ako ng kaunti bago ko nakausap si Philip. Pagkatapos noon, nawalan ako ng malay dahil sa sobrang pagod ng ilang araw. Mabuti na lamang at nagising ako sa tamang pahaon kung hindi ay kung ano ang nangyari sa iyo."
Hindi inaasahan ni Xinghe na mangyayari ang mga bagay na ito. Ang unang bagay na ginawa niya matapos niyang magising ay ang hanapin siya at sagipin siya. Mukhang palagi siyang dumarating kapag kailangan niya ang tulong nito. Nakikita niya ang sarili niyang lumalaki ng lumalaki ang utang dito…
Magalang na itinulak siya palayo ni Xinghe at nagtanong, "Kung gayon, ayos ka na ba ngayon?"
Ngumisi si Mubai. "Tama ka, ayos na ako ngayon. Ikaw ba? Kumusta na ang mga pinsala mo at paano mo nakasama ang mga taong iyon?"
Ipinaliwanag ni Xinghe ang lahat ng nangyari sa kanya matapos ang pagbagsak ng eroplano.
Matapos niyang marinig ang lahat, napuno ng takot ang puso ni Mubai. Kung hindi dahil sa mabilis na pakikialam nina Sam at ng mga kaibigan nito, naibenta na si Xinghe. Sa bansang ito, isa itong napakasamang kapalaran!
"Nasaan na ang kuta ng grupong iyon?" Madilim na tanong ni Mubai, buburahin niya ang mga ito sa mapa.
Nabasa ni Xinghe ang iniisip niya at mahinang sumagot, "Pinasabog na namin ang lugar at pinatay ang mga nakakadiring lalaki doon."