Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 468 - Iregalo ang Babae sa Iyo

Chapter 468 - Iregalo ang Babae sa Iyo

"Tama iyon, ang lahat ng ito ay salamat kay… General, ano ang sinabi mo?!" Sa wakas ay naintindihan na ni Barron ang ibig sabihin ng mga salita ni Philip.

Hindi na nilinaw ni Philip ang sarili imbes ay nag-utos ito ng mariin, "Mula ngayon, wala nang magpapaputok ng bala hanggang hindi ko iniuutos. Ang lumabag ay mapaparusahan ayon sa batas militar!"

"General… Ano ang ibig sabihin nito?" Nag-aalinlangang tanong ni Barron.

"Sino ka ba para tanungin ang mga pasya ko?!" Pinandilatan siya ni Philip at isang masamang pangitain ang naramdaman ni Barron.

Sa sumunod na segundo, tinungo ni Philip ang direksiyon ni Charlie at binuksan ang kanyang bibig para magsalita, "Lumabas na kayo, sinisigurado ko na walang magpapaputok sa inyo, kaya makipagtulungan na kayo."

"Imposible iyan! Sa sandaling lumabas kami, papatayin ninyo kami!" Sawata ni Wolf, hindi naniniwala sa sinabi ni Philip. Wala sa kanila ang naniniwala dito. Pero naghihintay si Xinghe, naghihintay na magsalita ang lalaki…

Ngumiti si Mubai at lumingon para tingnan si Mubai sa kanyang tabi. Sa sandaling iyon, nagdesisyon siyang magbiro dito.

"Huwag kayong mag-alala, sinabi ko na hindi ko kayo papatayin kaya hindi ko kayo papatayin, pero mayroon akong kondisyon."

Si Sam na pinakamausisa sa kanila ang nagtanong, "Ano'ng kondisyon?"

"Narinig ko na may interesanteng babae kayong kasama. Kung pumapayag kayo na isuko siya sa amin ay masisigurado ko na makakaalis kayong lahat sa lugar na ito ng buhay," sabi ni Philip na may halatang ngiti sa kanyang boses kahit na ang mga salita niya ay hindi magiliw. Tinitigan siya ni Mubai at nakita ang pagbibiro sa mga mata ni Philip. Pinaikot niya ang mata bilang ganti.

Nakita ni Philip na nakakatuwa ang buong pangyayari, kaya naman nagpatuloy siya ng nakangiti, "Ibigay na ninyo agad ang babae. Isang babae para iligtas ang lima sa inyong buhay, magandang palitan na ito at ang tangi ninyong pagkakataong makaligtas!"

"Ang sinasabi ba niya ay si Xinghe?" Tanong ni Cairn ng nakasimangot. Ang mukha ng iba pa ay dumilim.

"F*ck, gawa siguro ito ni Barron!" Pagmumura ni Sam habang bumubulong. Inisip nila na si Barron ang nagsabi kay Philip ng tungkol kay Xinghe.

"Pare-pareho lamang sila; mga baboy na nakakadiri!" Galit na pagmumura ni Ali, kinamumuhian niya ng husto ang ganitong mga klaseng tao.

Malamig na bumuga ng hangin si Sam. "At akalain pa natin na ligtas na tayo. Pareho lamang pala sila. Ihanda na ninyo ang inyong mga armas, kailangang may isama tayo sa impyerno sa kanila!"

"Bibigyan ko kayo ng dalawa pang minuto para magdesisyon. Kung hindi ninyo isusuko ang babae, aatakihin namin kayo ng buong puwersa!" Sigaw ni Philip.

Sa wakas ay naintindihan ni Barron ang dahilan sa biglaang pagdating ni Philip. Ah, interesado pala ito doon sa Silanganing babae. Minura niya sa isipan si Philip sa walang pakundangang pananakot sa kanya, iniisip na nagdesisyon itong kampihan ang grupo ni Charlie. Gayunpaman, nagtaka siya, paano nalaman ni Philip ang tungkol sa babaeng iyon?

Pero, ang una niyang sinabi ay para sumipsip kay Philip.

"General, mayroon silang kasamang kakaibang babae, isang Silanganing babae, at ubod ng ganda. Wala kang ideya, noong una ko siyang makita, ay tumibok agad ang puso ko. General, mahusay ka talagang pumili. Huwag kang mag-alala, tutulungan kitang hulihin siya ng buhay at ireregalo ko siya sa iyo!"

Dinagdagan pa ito ni Barron ng isang malaswang ngisi. Agad na naramdaman ni Philip ang pagbaba ng temperatura sa sandaling sinabi ito ni Barron. Alam niya kahit hindi siya lumingon, na may isang taong napakatalim ng titig na kayang pumatay sa ngayon.

Napabuntung-hininga si Philip sa katangahan ni Barron. Ang katapusan nito ay mangyayari agad bago pa siguro nito malaman kung ano ang nangyayari.

Hindi siya pinansin ni Philip at naiinip na nagtanong, "Bakit ba ang tigas pa ng ulo ninyo? Handa ba talaga kayong lahat na mamatay para sa isang babae?"