Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 456 - Mayroong Kakaiba

Chapter 456 - Mayroong Kakaiba

"Paano mo nagawa iyon?" Tanong ni Philip.

Sumagot si Barron, "Natagpuan namin ang kanilang kuta at inutusan ko ang aking mga tauhan na salakayin ito."

"Sa madaling salita, alam mo kung nasaan ang kanilang kuta?"

"...Yes!" Ang sagot ni Barron ay may alinlangan. Ito ay dahil hindi niya eksaktong alam kung saan ang lokasyon ng kuta, tanging si Charlie ang nakakaalam nito. Iginiya lamang niya ang kanyang mga tauhan para harangin ang mga armas na papalabas noon ng kuta.

Direkta siyang tinitigan ni Philip sa mata at nagtanong, "Nasaan ang kanilang kuta?"

"General, bakit po ninyo itinatanong, may nangyari po ba?" Balik tanong ni Barron imbes na sumagot.

"Sumagot ka sa akin, sino ang nagbigay sa iyo ng kapangyarihang tanungin ako?!"

"Patawarin ninyo ako, General!"

Nagtanong muli si Philip, mas mariin sa pagkakataong ito, "So, nasaan na ang kuta?"

Lumihis ang mga mata ni Barron at buong tiwalang nagsalita, "General, wala akong ideya kung saan eksakto ang kanilang kuta pero ang taong nakapasok sa base ng mga ito ang nakakaalam. Gayunpaman, ang taong ito ay kasalukuyang nasa piitan dahil nakagawa siya ng malaking kasalanan sa bansa. Bakit hindi muna kayo pumunta sa drawing room at dadalhin ko siya sa inyo para matanong?"

Naningkit ang mga mata ni Philip at sa wakas ay tumango. "Kung gayon, agad ninyong dalhin sa akin ang lalaki. Anumang diperensiyang mangyari at papanagutin kita!"

"Yes, sir!" Malakas na garantiya ni Barron habang tinutulungan niyang buksan ni Philip ang kanyang pintuan. "General, pakiusap maghintay po kayo dito sa drawing room."

Lumabas si Philip sa kotse at tumindig. Ang isa pang lalaki ay bumaba din mula sa kabilang pintuan. Hindi sya kasing taas ni Philip pero hindi pa din makita ng husto ni Barron ang mukha nito. Puno siya ng pag-uusisa sa katauhan ng lalaki pero hindi siya nangahas na magtanong o kahit na tingnan ito.

Hindi nagsagawa ng pagpapakilala si Philip dahil hindi naman niya trabaho ang magtanong. Gayunpaman, sa paraang tinatrato ito ni Philip, ang taong ito ay may kakaibang importansiya. Matapos na ihatid ng adjutant ni Barron ang dalawang lalaki sa drawing room, dinala ni Barron ang ilang lalaki patungo sa kulungan. Nakita ni Xinghe si Barron na nangungunang papunta sa kulungan at agad na sinabihan ang grupo ni Sam.

"Parating na si Barron, Ali at Wolf magtago kayo ng mabilis, Sam at Cairn gawin ninyo ang lahat para hindi kayo mabuko!"

"F*ck, bakit ba siya pupunta dito?" Pabulong na pagmumura ni Sam pero mabilis niyang pinuntahan ang nakatalagang puwesto niya. Kasama si Cairn, ibinaba nila ang kanilang mga ulo at tumindig ng tuwid.

Walang salitang sumaludo sila habang naglalakad paroon si Barron. Tumigil si Barron sa kanilang harapan at malamig na iniutos, "Buksan ninyo ang kulungan ni Charlie ngayon din!"

"Yes, sir!" Pinababa ni Sam ang kanyang boses para sumagot at tumalikod para maglakad sa harapan ni Barron.

Nag-iisip pa si Barron kung paano magagawang mapasunod si Charlie nang mapansin niyang may nakakatuwa tungkol sa guwardiya na naglalakad sa kanyang harapan. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata habang lumalalim ang kanyang pagdududa. Gayunpaman, wala siyang ipinakita sa kanyang mukha.

Bigla siyang tumigil para bumulong sa isa sa kanyang mga tauhan. Ang sundalo ay tumango bago naglakad palayo. Pinakalma ni Sam ang sarili habang naglalakad siya sa harapan. Ang mahabang pasilyo ay nakakaduda ang katahimikan. Ang tunog ng mga yabag ang nagpapayanig ng puso ni Sam.

Si Xinghe na nakatitig sa screen ay may naramdamang masamang pangitain.

"Maaaring may nakitang kaduda-duda si Barron…" bulong ni Xinghe sa mic, "Maging alerto kayo at kuhanin ninyo siya bilang bihag kung kinakailangan! Inatasan ko na ang mga tauhan natin na salubungin kayong lahat sa labas, mag-ingat lamang kayo."

Matapos itong sabihin ni Xinghe, ang kamay ni Sam ay humigpit ang hawak sa machinegun.