Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 452 - Si Charlie Ay…

Chapter 452 - Si Charlie Ay…

Ngumiti si Xinghe. "Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka kapag hindi ka sumagot?"

"Dahil mamamatay naman ako kahit ano pa ang piliin ko, bakit ko hahayaang masiyahan ka?!" Nagalit si Ryan nang maisip ang mga tauhan niyang namatay.

"Sige, kung iyan ang kahilingan mo, hayaan mong ako ang magbigay nito sa iyo." Itinaas na ni Sam ang kanyang baril.

Bigla siyang pinigilan ni XInghe. "Ibigay ninyo sa kanya ang ginto."

"Ano?" Nagulat si Sam.

Inulit ni Xinghe ang kanyang sarili, "Ibigay ninyo sa kanya ang ginto tulad ng napangakuan."

Naunawaan ni Sam ang ibig sabihin ni Xinghe. Kahit na bantulot siya, binuhat pa din niya ang baul at ibinagsak ito sa harap ni Ryan.

Tiningnan ni Ryan ang baul at nagtanong, "Ano ang ibig sabihin nito?"

"Sabihin mo sa akin kung nasaan si Charlie at makakaalis ka dito kasama ang baul ng ginto na ito," malamig na sagot ni Xinghe.

"Tama iyon, ito na lamang ang pagkakataon mo kaya huwag mo akong lolokohin."

"Talagang papakawalan ninyo ako?" Nagdududa pa din si Ryan.

"May iba ka pa bang pagpipilian maliban sa paniniwala sa akin?" Tanong ni Xinghe.

Natahimik si Ryan; tama siya, ito na lamang ang pagkakataong mayroon siya.

"Sige, sasabihin ko sa iyo!" Nakapagdesisyon na si Ryan. Hinablot nito ang baul at matiim nitong binantayan ito, "Si Charlie ay nasa mga kamay ni Barron!"

"Ano?!" Akala ng grupo ni Sam ay mali ang kanilang pagdinig dito. Si Charlie ay nasa mga kamay ni Barron…

Kahit si Xinghe ay nagulat sa rebelasyong ito. Dahil tinutulungan ni Charlie si Barron ng higit pa sa isang beses dati at si Barron ay isang Heneral. Anong klase ba ang mahihita niya sa paghuli kay Charlie?

"Bakit nandoon siya kay Barron?" Seryosong tanong ni Xinghe.

Umiling si Ryan. "Wala akong ideya. Ang alam ko lang ay nasa kanya si Charlie, wala akong alam kung bakit."

"Ano pa ba ang alam mo?"

Nag-isip si Ryan bago sumagot, "Nagbebenta din ng droga si Barron, ang mga Grey Rats ay tumulong na ipuslit niya ang droga ng isa o dalawang beses."

"Kaya naman pala pinahahalagahan niya kayo ng husto!" Pagtatapos ni Sam. "Ano pa?"

"Iyon lamang," niyakap na ni Ryan ang baul at nag-aalinlangang nagtanong, "Sinabi ko na sa inyo ang lahat ng nalalaman ko, pwede na ba akong umalis ngayon?"

"Pwede ka nang makaalis." Tumango si Xinghe.

Agad na tumayo si Ryan at mabilis na paika-ikang tinungo ang isang kotse na nakaparada sa hindi kalayuan gamit ang kanyang sugatang binti.

Tinitigan ni Wolf ang papatakas nitong anino at napasimangot. "Sigurado ka bang magandang ideya na pabayaan na lamang siya?"

"Marami siyang gintong nasa kanya. Kung swerte siya, maaari siyang makabangong muli- pero duda ako na ganoon siya kaswerte," mahinang sambit ni Xinghe, hindi na nag-aalala pa na babalik si Ryan para maghiganti. Dahil kailangan nitong mabuhay para gawin iyon.

"Tara na, babalik na tayo sa bahay sa ngayon," sabi ni Xinghe at tumalikod na para umalis.

Bigla, ang pinuno ng mga mersenaryo ay tinawag siya, "Miss Xia."

Bumaling siya para tingnan ito. "Yes?"

Bumulong ang pinuno, "May gagawin lamang ako sandali, babalik din ako agad. Maaari mo ba akong bigyan ng kaunting off-duty time?"

Tinitigan ni Xinghe ang pinuno at hindi inalis ng pinuno ang mga mata nito, hindi natatakot na mabasa ni Xinghe ang mga iniisip nito.

"Sige," pinayagan siya ni Xinghe ng hindi na nag-isip pa ng matagal.

"Salaman," tumango ang pinuno bilang pasasalamat at ang mga tingin nito ay malamig na tumungo sa direksiyong tinungo ni Ryan.