Chapter 450 - Nasindak

Tama iyon, ang mga armas at granada sa mga kamay ng mga tauhan ni Ryan ay dating pagmamay-ari ng SamWolf. Kinuha ito mula sa bahay na dati nilang pagmamay-ari. Ang katotohanan na ang kanilang mga gamit ay napunta sa mga kamay ni Ryan ay nagpagalit sa kanila ng husto. Pinalayas sila sa sarili nilang bahay at ngayon ay inaatake sila gamit ang sarili nilang mga armas; pinag-alab nito ang kanilang mga puso. Gayunpaman, wala silang magawa. Ang kalaban nila ay lamang sa dami at sa mga granada; hindi sila nangangahas na kumilos basta-basta.

"Ryan, intensiyon mo ba na patayin tayong lahat?" Tanong ni Sam sa isang nanunukat na tono.

Nagbigay ng tusong ngisi si Ryan. "Huwag kang masyadong madrama. Hanggang ibibigay mo sa akin ang pabuya at mga armas, nangangako ako na hahayaan ko kayong lahat. Maniwala kayo sa akin, isa akong taong marunong tumupad ng usapan."

"Tanga lang ang maniniwala sa iyo!" Nanunuyang sagot ni Ali.

Tumawa si Ryan. "Ano pa ba ang pagpipilian ninyo? Ang iwanan ang lahat ng ginto at mga armas, o iwanan ninyo ang lahat, kasama ang buhay ninyo!"

"Sa tingin ko ay ito na ang plano mo sa simula pa lamang," malamig na pang-uuyam ni Sam.

Ngumiti si Ryan at inalis nito ang mapagkunwaring anyo. Umamin siya, "Sige, ang plano ay kunin ang mga buhay ninyo at kunin ang ginto. Nang makita ko na kayo ang mga taong iyon, masyado akong naging masaya dahil gustung-gusto ko na kayong patayin sa matagal na panahon na!"

"So, wala kang alam kung nasaan talaga si Charlie?" Mabilis na tanong ni Cairn.

Bahagyang lumihis ang tingin ni Ryan. Ginamit pa nito ang puwitan ng baril nito para kamutin ang ulo. "Ang totoo, bibigyan ko na kayo ng libreng impormasyon, alam ko kung nasaan si Charlie pero hindi ko sasabihin sa inyo. Huwag kayong mag-alala, makikita ninyo siya doon matapos ninyong mamatay."

"Dahil mamamatay na din naman kami agad, bakit hindi mo pa ibigay sa amin ang kasiyahan na malaman kung nasaan si Charlie?" Pangungulit ni Sam pero masyadong tuso si Ryan para mahulog dito.

"Hindi ko kayo bibigyan ng kasiyahan. Mamamatay kayo ng hindi nalalaman kung nasaan si Charlie. Gayunpaman, nangangako ako na ang grupo ninyo ay magkakasama-sama sa ilalim! Men, asintahin na ninyo at…"

Bago pa nakalabas ang huling salita mula sa bibig ni Ryan, may nagpaputok na agad. Ang biglaang pagputok ang nagpalunok ng salita ni Ryan at ang ere ay tumigil ng kalahating segundo. Sa sumunod na segundo, nagsimulang humiyaw si Ryan.

"Ang binti ko!" Nalugmok ito sa sahig bigla, ang kanyang mga mata ay nanlalaki na nakatingin sa sugat na nasa kanyang kanang binti. Isang bala ang tumama sa kanyang binti!

"Sino ka? Ipakita mo ang sarili mo!" Ang mga kabadong tauhan ni Ryan ay sumigaw. Ang lahat ay lumingon para tingnan ang mga kaaway na nagtatago sa dilim. Nagpaputok sila ng walang habas sa dilim, walang pakialam kung ang mga bala nila ay tumama sa kanilang target o hindi.

Isa itong malaking pagkakamali na ipakita ang kanilang mga likuran sa grupo ni Sam. Mabilis na kumilos ang grupo ni Sam. Habang ang mga tauhan ni Ryan ay bumabaril ng walang habas, pinatumba nila ang ilang taong may hawak ng granada.

Nang bumaling ang mga tauhan ni Ryan para tapusin ang grupo ni Sam, sa panahong ito ang kahinaan nila ay nalantad sa mga taong umambush sa kanila kanina.

Tuluy-tuloy ang pag-alingawngaw ng mga putok. Sa isang kisapmata, ang higit sa kalahati ng mga tao ni Ryan ay patay na. Dahil sa pagkakataranta, ang ilan sa mga tao ay nadale pa ng friendly fire.

Hindi nagtagal, tatlo na lamang sa mga tauhan ni Ryan ang natira. Tahimik na napatitig na lamang sila sa mga katawang nagkalat sa kanilang paligid.

Ano ang nangyari?!

Ilang segundo lamang ang lumipas pero halos lahat ng mga tao nila ang namatay!