Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 446 - Isang Pamilya

Chapter 446 - Isang Pamilya

Isa itong account na ginawa ni Mubai para magamit sa negosyo niya sa Country Y. Hindi ito isang personal account kundi isang corporate. Hindi matutukoy ng kung sino ang account na ito pabalik kay Mubai. Ang tanging tao na nakakaalam ng account at password ay sina Mubai at Xinghe lamang. Sinabi sa kanya ito noong nasa eroplano pa sila.

Natatakot siya na maaaring may mangyaring hindi inaasahan kaya naman ginawa niya ito para magamit ni Xinghe sa kahit anong oras niya kailanganin ito. Ang laman nito ay hindi mauubos!

Nagawang maisalin ni Xinghe ang isang daang milyong USD palabas mula dito. Isa itong maliit na halaga kay Mubai pero mahalaga ito para kay Xinghe sa ngayon. Ito ang kanyang suporta sa Country Y, at maaaring kailanganin niya ito para mahanap si Mubai…

Matapos mailipat ang pera, nagsimula nang magtrabaho ang manager. Ang bahay, kotse, at mga armas na hiniling niya ay agad na nabili. Ang dalawampung mersenaryo ay nabili din para serbisyuhan siya. Ang gold card ay handa na at marami pa itong lamang pera. Ang mga kinailangan ni Xinghe ay gumamit ng hindi hihigit pa sa ikalimang bahagi ng total nito. Gayunpaman, lubusan nitong nabago ang kanilang sitwasyon.

Pakiramdam ni Sam at ng grupo ay nananaginip sila habang nakatayo sa harap ng isang magarbong mansiyon, may mga kotse at lupon ng mga mersenaryo. Maaaring nananaginip nga sila. Dahil ilang oras pa lamang ang nakakaraan, wala silang pera, pero ngayon ay nasa kanila na ang lahat! Isa itong pagkakaiba na mahirap sikmurain.

"Xinghe, ang lahat ng ito ay iyo?" Tanong ni Sam kay Xinghe ng buong ingat na tila natatakot siyang magising sa panaginip. Nakatitig din si Wolf at ang iba pa sa kanya. Hindi nila alam kung paano siya tatratuhin ngayon. Sa kanilang mga mata, si Xinghe ay biglang tumaas at nakakasilaw, tila isang araw.

Kalmadong tumango si Xinghe. "Oo, akin ito… pero ngayon ay inyo na din. Ang kotse, mga armas at bahay, ito ay sa inyo na din ngayon."

"Para sa amin?!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Ali. Nanlaki din ang mga mata nina Sam at ng iba pa sa sobrang gulat.

Ngumiti si Xinghe. "Tama iyon, ito ang regalo ko sa iyo. Sinabi ko na sa inyo na tutuparin ko ang mga kahilingan ninyo, hindi ba?"

"..."

"Xinghe, bakit ang buti mo sa amin?!" Hindi na mapakali sa sobrang saya ni Ali. Wala pang tumatrato ng mabuti sa kanya ng ganito dati. Ang pakiramdam ni Wolf at ng iba pa ay kumplikado. Ipinanganak silang mga ulila sa isang bansang magulo tulad ng Country Y, gutom silang lahat sa pagmamahal at pag-aaruga ngunit sa kaparehong panahon, ito ang mga bagay na hindi nila inaasam pa.

Ang mayroon sila sa isa't isa ay ang suporta. Trinato sila ng maayos ni Charlie, pero nasa hirap ding kalagayan ito.

Seryosong sinabi ni Xinghe na, "Trinato ninyong lahat na isa ako sa inyo, tama? Kaya naman kung ano ang akin ay inyo na din."

Ang terminong 'isa sa inyo' ang nagpanginig ng puso ni Ali at ng iba pa. Isinama nila si Xinghe sa kanilang hanay dahil ayaw nilang mapahamak siya dahil kay Barron, hindi nila hinangad ang kahit ano sa mga ito. Gayunpaman, binago ni Xinghe ang kanilang mga buhay.

Inisip ni Xinghe na maswerte siya na mahanap sila pero sila ang tunay na masuwerte…

Naluha ng isang segundo ang mga mata nina Sam at ng iba pa bago naging katawa-tawa ang lahat.

"Xinghe, mula ngayon, magiging magkapatid na tayo, isang pamilya; hindi ako tatanggap ng hindi bilang sagot!" Biglang anunsiyo ni ALi.

"Hindi, magiging kapatid ko siya."

"Akin!" Nagtalo sina Wolf at Cairn para maging mga kapatid niya.

Itinulak silang lahat ni Sam palayo. Tinitigan niya ng husto ang mga mata ni Xinghe at ipinahayag, "Xinghe, magpakasal na tayo!"