Chapter 447 - Paghahanap

Ang lahat ay nagulantang sa biglaang pahayag nito. Ang tanging hindi natinag ay si Xinghe.

"Dahil sa pera ko?" Direktang tanong niya.

Tumango si Sam ng may malaking ngiti. "Tama iyon! Siyempre, maganda ka din at hindi naman masama ang hitsura ko, kaya bakit hindi…"

"Well, buti na lang at matapat ka," putol ni Xinghe, "Pero kailangan kong sabihin sa iyo, ang pera ay hindi akin. Kung may pagkakataon sa hinaharap, ipapakilala ko kayo sa isa't isa… baka maaari na magpakasal kayong dalawa."

Matapos noon ay naglakad palayo si Xinghe. Gayunpaman, lumingon siya matapos ang ilang hakbang at sinabi, "Oo nga pala, lalaki pala iyon."

Natahimik si Sam, habang sina Wolf, Ali at Cairn ay bumunghalit sa nang-aasar na tawa. Tumalikod na si Xinghe at isang ngiti ang nagbabantang lumitaw sa kanyang mukha. Nagawa niyang biruin si Sam dahil alam niyang binibiro din siya ni Sam. Gayunpaman, hindi niya maiwasan na magtaka kung ano ang magiging reaksiyon ni Mubai kung nandito ito. Nang mabalik ang isipan niya kay Mubai, nagsimula na naman siyang mag-alala sa sitwasyon nito.

Tatlong araw na ang nakalipas mula ng bumagsak ang eroplano kaya naman wala nang oras pa siyang pwedeng sayangin. Agad na ipinahanap ni Xinghe kina Sam at sa iba pa ang lalaki. May malawak at malakihang koneksiyon ang mga ito kaya naman makakapagpadala sila ng maraming tao para hanapin ito.

Hindi naghintay sa wala si Xinghe ng walang ginagawa, nag-iwan siya ng mensahe kay Mubai sa internet. Isa pa, kung buhay pa ito, makikita niya ito. At dahil may ginamit siyang malaking halaga ng pera nito, mapapansin nito iyon. Sinubukan ni Xinghe na hanapin ito habang nag-iiwan ng mga bakas para dito na matunton siya.

Gayunpaman, maliban kay Mubai, hinahanap din ni Xinghe ang isa pang tao. Ito ay ang guro ni Sam at ng iba pa, si Charlie.

Nagtanong si Xinghe ng mga detalye ni Charlie mula kay Ali at sa iba pa. Doon lamang niya nalaman kung gaano kahanga-hanga si Charlie. Dati ay isang sikat na mersenaryo si Charlie ngunit nakulong ng maraming taon dahil sa hindi sinabing dahilan. Matapos niyang makalaya sa bilangguan, gumawa na ito ng sariling buhay sa Country Y.

Lumayo siya sa mga grupo ng mersenaryo, mas ginustong magtrabaho ng mag-isa hanggang sa nakita niya sina Sam at ang iba pa. Gayunpaman, isang buwan na ang nakakaraan, biglang nawala ng walang bakas si Charlie. Ginawa na ni Sam at ng grupo na mahanap siya pero hindi nila ito matunton kahit na ano pa ang gawin nila. Nagsususpetsa sila na baka umalis ito ng bansa dahil sa isa sa mga misyon nito.

"Pero, isang buwan na ang nakakaraan at kapag umaalis si Charlie para gawin ang isang trabaho, magsasabi siya sa isa sa amin," nag-aalalang sambit ni Ali. "Kung kaya nagdududa ako na may nangyaring masama sa kanya."

"Iyon din ang tingin namin, ito ang tanging paliwanag kung bakit wala kaming natatanggap na kahit anong balita mula sa kanya," buntung-hininga na dagdag pa ni Wolf.

Tumango si Xinghe. "Kung ganon ay hahanapin natin siya ng sama-sama. May sapat na pera na tayo ngayon at ang lahat ay may presyo."

"Xinghe, bakit gusto mong hanapin si Charlie?" Tanong ni Cairn at ang iba pa ay tumingin sa kanya.

Mahinang sumagot si Xinghe, "Kailangan ko ang tulong niya sa isang bagay; makikita na lamang ninyo sa tamang panahon."

"Sige, kung gayon, salamat sa tulong mo." Tumango na si Sam. Masaya sila na tanggapin ang tulong ni Xinghe. Tulad na lamang nito, agad silang nakalikom ng pwersa para mapalawig ang paghahanap. Mabilis na kumalat ang balita, walang sikreto sa pagitan ng maraming pwersa. Isa pa, ang pabuya na 3,000,000 USD ang nagbigay ng maraming 'pabor'. Sa kanilang pagkagulat, ang balita tungkol kay Charlie ay dumating agad-agad noong makalawa!