Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 443 - Tuparin ang Iyong mga Pangarap

Chapter 443 - Tuparin ang Iyong mga Pangarap

May mariing determinasyon sa mga mata ni Xinghe at ang grupo ni Ali ay narinig ang bawat salitang sinabi niya. Mayroon lamang silang isang katanungan sa kanilang mga isip: Nagbibiro ba siya? Gusto niya kaming tulungan na mabaliktad ang mga buhay namin?

Isa itong matayog na pangarap sa Country Y, ang totoo, isa itong pangarap sa kahit saan sa mundo. Ang mga tao ay ipinanganak na may nakatakdang kapalaran, at kailangan nilang matuto na mabuhay at tanggapin ito; walang paraan na mabago nila ang kanilang kapalaran.

"Xinghe, ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ni Ali ng may nagtatakang hitsura.

Tumawa si Sam. "Ang mga salita mo ay maganda sa pandinig pero ikaw ang nangangailangan ng husto ng tulong sa ngayon."

Seryosong nagpatuloy si Wolf, "Tama si Sam, pinupuntirya ka ngayon ni Barron at kahit na may alam kang kaunting kakayahan na ipagtanggol ang iyong sarili, hindi ito sapat. Kailangan mo kami para ipagtanggol ka, maaari nating pag-usapan ang iba pa kapag tapos na ang panganib na ito."

Ngumiti lang si Cairn. Inisip din niya na maaaring inaalo lamang sila ni Xinghe ng mga salitang walang laman.

Napansin ni Xinghe ang kanilang pagdududa na maniwala sa kanya pero hindi na siya nagpaliwanag. Tinanong niya si Ali, "Ano ang hinihiling mo sa ngayon?"

Lalong nalito si Ali. "Bakit mo tinatanong?"

"Pagbigyan mo na lamang ako ngayon, ano ang pinakagusto mong hiling sa ngayon?"

Sumagot si Ali, "Natural gusto ko ng isang ligtas na bahay, isang lugar na matatawag nating tahanan natin."

Tumango si Xinghe at tinanong si Sam ng kaparehong tanong. Nagdesisyon silang lahat na sumakay na lamang.

"Gusto ko ng armas, madaming armas dahil ito ang tanging bagay na mahalaga sa bansang ito."

"Ano naman sa iyo?" Bumaling si Xinghe kay Wolf. Ang kanyang sagot ay, "Sasakyan, ang pinakamainam na armored car!"

Nang hindi na hinihintay si Xinghe na tanungin siya, direktang sumagot si Cairn, "Gusto ko ng pera, dahil sa pera, lahat ay mabiili ang lahat ng hinihiling nila."

"Mainam ang pagkakasabi mo, una kong tutuparin ang pangarap mo," tinitigan ni Xinghe si Cairn at sinabi ito. Hindi makapagsalita sa hindi pagkapaniwala si Cairn.

"Dalhin ninyo ako sa palitan para magpapalit ng ginto ngayon," kalmadong sinabi ni Xinghe; nakaramdam ng makapangyarihang presensiya ang grupo sa walang emosyong tono niya. Kahit na may pagdududa, dinala nila si Xinghe sa isang ilegal at pribadong bangko. Habang papunta doon, hindi nila maialis ang pakiramdam na binibiro sila ni Xinghe.

"Xinghe, alam mo ba na mawawala ang kalahati ng pera mo kapag ipinalit ito ng ginto dito sa bansang ito, tama?"

Bahagyang tumango si Xinghe.

"Kaya naman, kahit na mapera ka, hindi posible na maipapalit mo ang maraming ginto."

Tumango ulit si Xinghe.

Nagtanong si Sam, "Xinghe, alam mo ba kung gaano kadaming pera ang kailangan para bilhin ang lahat ng hiling namin?"

Sumagot si Wolf para sa kanya, "Hindi bababa ng ilang milyong halaga ng ginto."

"Ilang milyon, Xinghe, sigurado ka ba talaga dito?" Tanong ni Cairn gamit ang nag-aalalang tono.

"Nakapagdesisyon na ako, nandoon na ba tayo?" Tanong ni Xinghe.

"Malapit na, iyon na ang gusali doon," seryosong sagot ni Sam.

Ang pribadong bangko ay matatagpuan sa pinakailalim na antas ng gusali. Sumunod si Xinghe sa kanila sa isang gusali at sumakay ng elevator pababa sa basement. Ang bangko ay malaki, at puno ito ng mga tao na gustong makipagpalit. Nandoon din ang mga empleyado na nakauniporme na nakaposte sa bangko.

Ang isa sa kanila ay nakita silang pumasok at magalang na nagtanong, "Ang mga ginoo at mga binibini ay naririto ho ba para magpapalit ng ginto?"

"Tama iyon." Tumango si Sam. Maaaring nakasuot siya ng simpleng kausotan pero hindi nito nagawang maitago ang makapangyarihan niyang presensiya.

Ang empleyado ay sanay na sa mga taong katulad niya, madali niyang makilala ang grupo ni Sam bilang grupo ng mga taong nabubuhay sa talim. Ang mga taong ito ay karaniwang mahirap, ngunit kung mayroon silang kakaibang kakayahan, maaaring may makuha silang swerte minsan.