Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 433 - Umalis kasama Nila

Chapter 433 - Umalis kasama Nila

Higit pa doon, sinasabi pa niya sa kanila kung saan ang blind spot ng mga kalaban at kung gaano katagal darating ang mga kakampi ng mga ito…

Ang katiyakan na ito ay nagpagulat kina Wolf. Sila ay mga mersenaryong sanay sa pakikipagdigmaan, pero sa tulong ng mga utos ni Xinghe, hindi sila mapigilan. Ang laban ay hindi nagbigay sa kanila ng pagod bagkus ay mas pinatindi pa nito ang kanilang sigla. Lalo na kay Wolf na may dala-dalang mga pasabog sa kanyang likuran. Nanginginig ito sa pananabik sa bawat oras na nagbabato siya ng pasabog!

Ginagamit niya ang mga granada na tila libre ang mga ito, na sa pagkakataong iyon, ay libre nga naman. Kahit na iisang kalaban lamang ang kanyang kaharap, bibigyan niya ng granada ang kalaban. Kapag kaharap ang isang lalaking may mga pasabog, ang mga lalaki sa kuta ay namamatay o kaya ay tumatakas. Sa bandang huli, ang kuta ay butas-butas dahil sa mga bala o kaya ay pagsabog…

Si Wolf at ang mga kasama ay tuwang-tuwa sa kanilang walang kahirap-hirap na pagkapanalo, ang mga babaeng nagtatago sa kulungan ay tuwang-tuwa din. Agad na inasikaso ni Ali ang mga babae para makatakas. "May kotseng walang laman sa patyo at may mga armas sa weapon storage room; kumuha kayo ng ilan para depensahan ang inyong mga sarili at umalis sa lalong madaling panahon!"

"Salamat sa inyo ng marami, maraming-maraming salamat…"

Maraming luha ng pasasalamat sa mga mata ng mga babae pero hindi na sila nag-aksaya pa ng oras. Ang bawat isa ay kumuha ng baril at ilang granada bago umalis lulan ng jeep.

Sina Wolf at ang iba pa ay pinuno din ang kanilang sasakyan ng mga armas.

Sa kanilang apat, ang isang lalaking may pangalan na Sam ang nagtanong, "Nasaan ang ating bida?"

Hindi pa niya nakita si Xinghe pero napahanga na ito sa kakayahan nitong mamuno. Kung wala ang tulong ni Xinghe, hindi nila agad na mawawasak ang kuta ng ganito kadali, at makaalis ng may magagandang pabuya. Si Xinghe ay isa nang bayani sa mga mata ni Sam.

"Nasa loob pa siya ng surveillance room…"

Sa sandaling sinabi ito ni Ali, lumakad palabas si Xinghe mula doon.

Tinitigan siya ni Ali at nagtanong, "Ano ang ginagawa mo kanina?"

Mahinang sumagot si Xinghe, "Isinasara ang internal system ng lugar na ito."

Agad na naunawaan ng grupo ang ibig niyang sabihin. Kahit na nalinis na nila ang kuta pero may mga ebidensiya pa doon sa computer server. Kung bumalik ang mga lalaki ng may dagdag na kasamahan, hahanapin pa din nila ang grupo ni Wolf gamit ang surveillance footage. Tinulungan sila ni Xinghe na maitago ang kanilang mga bakas.

"Mahusay ang ginawa mo, mas maalalahanin ka pa kaysa sa aming si Ali." Puri ng binata kay Xinghe habang itinataas ang hinlalaki.

Hindi nainsulto si Ali, bagkus ay masaya pa siya para kay Xinghe. Bumaling siya kay Xinghe at nag-aalalang nagtanong, "Bakit hindi ka sumama sa amin? Hindi ligtas para sa iyo na magbyahe ng mag-isa; mas ligtas sa iyo na sumama sa amin."

Takot na baka iba ang isipin nito, dumagdag si Wolf, "Huwag kang mag-alala, hindi ka namin sasaktan. Isa pa, tulad ng naiisip mo, kailangan namin ang isang tulad mo na may kakayahan sa aming grupo, kaya naman isa itong give-and-take na relasyon."

Agad na tinanggap ito ni Xinghe. Ang tanging dahilan kung bakit niya tinulungan ang mga ito ay dahil umasa siya na isasama siya ng mga ito. Alam niyang hindi ito ang lugar kung saan makakaligtas siya ng mag-isa.

Nagdesisyon siyang magtiwala sa grupo ni Ali. Ipinakita sa kanila ni Xinghe na mayroon siyang maitutulong, na magiging isa siyang asset sa grupo nito kaya hindi siya matatanggihan ng mga ito ng walang dahilan. Pumayag na sumama si Xinghe sa kanila dahil baka makatulong ang mga ito na mahanap si Mubai, o mas mainam pa, na matulungan siya na maghagilap pa ng impormasyon tungkol sa ilegal na organisasyon na iyon.