Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 430 - Kamatayan sa mga Kamay ni Xinghe

Chapter 430 - Kamatayan sa mga Kamay ni Xinghe

"Sh*t, papatayin ko kayong mga p*ta kayo!" Galit na sigaw ng lalaking napatumba nila.

Dinaganan ng babaeng may maikling buhok ang lalaki at pinaulanan ito ng suntok. "Ikaw ang mamamatay!"

Nagsimula silang maglaban, pero, ang babae ay natalo sa pisikal na katangian at napaalis siya ng lalaki. Kinuha ng lalaki ang pagkakataon para sunggaban ang baril na nahulog habang nagpapambuno sila…

Pero, mayroong naunang kumuha ng baril. Nagulat ang lalaki, itinaas nito ng mabagal ang ulo para makita ang madilim na bahagi ng baril na nakaumang sa kanyang ulo. Ang babae na unang nagpambuno sa kanya ang may hawak ng baril. Ang mga mata ni Xinghe ay malamig at walang bahid ng emosyon. Itinaas ng lalaki ang mga kamay bilang pagsuko.

"Hey, ibaba mo ang baril, huwag kang baliw."

Mabagal na tumayo ang lalaki, ang mga mata niya ay patuloy na nakatingin para hanapan ng butas ang atensiyon ni Xinghe, sinusubukang kuhanin ang baril mula dito.

"Barilin mo na siya!" Sigaw ng babaeng may maiksing buhok.

Mabilis na kinakitaan ng kaba ang mata ng lalaki at sinabi nito ng may ngiti, "Babe, hindi mo gugustuhing kunin ang buhay ng iba. Masama ang pumatay, kaya ibaba mo na ang baril, o hindi kaya, ibigay mo na ito sa akin, ako na ang bahala na pangalagaan ito…"

Maingat na sinubukan niyang lumapit kay Xinghe. Ngumiti si Xinghe. "Fine, heto, kunin mo!"

Matapos noon, nagpakawala siya ng bala. Tinamaan ng bala ang katawan ng lalaki, na nagpanginig dito ng hindi sadya. Tinitigan nito ang sugat sa dibdib niya na naglalabas ng dugo. Ang lahat ng mga babae sa silid ay nagulat, hindi nila inaasahan na magpapaputok ito bigla. Kahit ang babaeng may maiksing buhok ay natigilan dahil ang kanyang impresyon na ang normal na babae ay walang lakas ng loob na magpaputok ng baril…

Ang lalaking nabaril ang mas nagulat. Hindi niya inisip na mamamatay siya sa kamay ng isang babae na itinuturing nilang hayo. Paano ito naging posible?

"Ikaw…" pinandilatan ng lalaki si Xinghe nang may namumulang mga mata. Ang hitsura ni Xinghe ay kalmado, sobrang kalma kaya nakakatakot ito.

"Dapat ay makaramdam ka ng karangalan na ikaw ang unang lalaking namatay sa aking mga kamay. Paalam!" Nagpaputok ng isa pa si Xinghe sa lalaki ng hindi kumukurap. Sumalampak na ang lalaki sa sahig, ang mga mata nito ay bukas mula sa pagsisisi at hindi pagkapaniwala.

"Nice shot!" Puri ng babaeng may maiksing buhok.

Tumango si XInghe habang pinasadahan niya ng tingin ang mga babae sa silid at sinabi, "Ngayon na ang tamang pagkakataon para tumakas tayo, sumunod kayo sa akin kung gusto ninyong mabuhay."

Matapos noon ay tumingin siya sa labas ng pintuan para suriin ang kapaligiran nila. Wala siyang ideya kung sino ang umatake sa kuta pero ang lahat ng mga guwardiya ay umalis para harapin ang mga umaatake. Maririnig ang palitan ng putukan sa paligid at ang tunog ng mga nagmamadaling yabag.

Tumingin si Xinghe sa babaeng may maikling buhok at matapos nilang makumpirma na wala nang tao sa paligid, nagmamadali silang lumabas sa silid. Sa sandaling iyon, isang malaking lalaki ang nagmamadaling tumungo sa kanila. Agad na nagbago ang hitsura ni Xinghe at wala sa loob na inihanda ang kanyang baril.

"Kaibigan iyan!" Masayang sagot ng maiksing buhok na babae. Kumaway siya sa lalaki. Nakita siya ng lalaki at mabilis na lumapit.

Masayang hinablot ng maiksing buhok na babae ang braso ng lalaki at nagtanong, "Wolf, nandito ba ang grupo para sagipin ako?"

Ang lalaking tinawag na Wolf ay tumango. "Tama iyon, Ali, ayos ka lang ba?"

"Ayos lang ako, kailangan na nating umalis bago pa dumating ang mga kakampi nila."

"Sandali!" Kumunot ang noo ni Wolf habang tinitingnan ang grupo ng mga babae sa kanilang likuran, "Tatakas tayo ng ganito karaming tao?"

"Lahat sila ay binihag at dinala dito, kaya siyempre dapat lang na tumakas tayong magkakasama," sagot ni Ali.

Related Books

Popular novel hashtag