Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 418 - Bayaran ang kanyang Piyansa

Chapter 418 - Bayaran ang kanyang Piyansa

Matapos ibigay ang kanilang mga pahayag, malaya nang makaalis si Munan pero hindi si Xinghe. Ang suspetsa sa kanya ang pinakamalaki kaya naman hindi siya pinakakawalan ng pulisya, kailangan pa niyang indahin ang maraming interogasyon. Ang sampung abogado ay nasa kanyang tabi sa lahat ng oras, nagpapalitan ang mga ito sa pagiging kinatawan niya. Bumalik si Munan sa kanyang pamilya para makaisip ng solusyon. Hindi ito madali para sa Xi family na alisin ang naunang suspetsa, ang masampal ng isa na namang kaso ay nagpapakaba ng higit pa sa lahat.

Matapos isipin na isasakripisyo ng kanyang lolo si Xinghe, direkta niyang sinabi, "Lolo, pinupuntirya tayo ni Saohuang. Si Sister-in-law Xia ay lubos na inosente, hindi natin siya mapapayagang mag-isa na ipagtanggol ang sarili niya, kailangan natin siyang iligtas. Matapos na makaligtas siya ay saka lamang tayo magiging malaya mula sa mga implikasyong ito."

Tiningnan siya ni Lolo Xi at maawtoridad na sinabi, "Ikaw na pangahas na bata ka, anong klaseng tao ang tingin mo sa akin? Sa tingin mo ba ay isasakripisyo ko siya para iligtas lamang ang mga balat natin?"

Agad na pinakalma ni Munan ito, "Hindi ito ang ibig kong sabihin, lolo. Ikaw ang pinakamahusay at pinakamabuting tao, alam kong hindi mo papabayaan si sister-in-law."

"Hindi pa din siya asawa ng kuya mo, ano'ng klaseng impresyon ang ibinibigay mo sa pagtawag mo ng hipag sa kanya ng kaliwa't kanan?"

Nagkibit-balikat si Munan. "Siya ang dating asawa at magiging asawa, ano ang ipinagkaiba?"

"Talagang mahalaga siya kay Mubai. Tinawagan ko na siya at malapit na siyang umuwi," seryosong sinabi ni Jiangsan.

Tumikhim si Lolo Xi, "Ano pa ang punto ng pagbalik niya? Dapat ay itinuon na lamang niya ang kanyang enerhiya sa paghahanap ng ebidensiya ng mga krimeng ginawa ng mga Feng."

"Masyadong misteryoso at makapangyarihan ang organisasyong ito, ang sinumang nangahas na lumapit ay napapatay kung hindi sila maingat, kaya naman, naging mabagal ang naging progreso."

"Ang ikinatatakot ko ay baka bumagsak na tayo bago pa sila makausad kung patuloy na ganito ang bilis ng ating paggalaw," ang mukha ni Lolo Xi ay kakikitaan ng pagkapagod, "Ang katotohanan na nangahas ang Feng boy na iyon na hamunin tayo ng harapan ay nangangahulugang napaghandaan niya ito ng mabuti. May duda akong may naging kasunduan sila ng Lin family na hindi natin nalalaman."

"Sigurado! Mukhang pinagtutulungan nila tayo," sumasang-ayon si Munan.

Tumingin sa kanya si Lolo at sinabi, "Munan, ang ikinatatakot ko ay ang posisyon ng pagiging pinuno ay hindi na mapupunta sa iyo."

Nanginig ng bahagya ang mga mata ni Munan. "Ang ibig sabihin ba ni lolo ay ang posisyong ito ay hindi magtatagal at mapupunta sa mga kamay ni Saohuang?"

Tumango si Lolo Xi, "Sigurado, tutulungan siya ng Lin family na makuha ito sa lalong madaling panahon. Ang tanging dahilan na tinutulungan nila ito ay para gamitin ito na mapabagsak tayo. Ngayong nadadamay na tayo, ang posisyong ito ay hindi na mapapasaiyo… pwera na lamang kung lalayo tayo sa gulong ito ng lubusan."

"Hindi natin ito pwedeng gawin!" Mabilis na tanggi ni Munan, "Lolo, mas gugustuhin ko na mawala sa akin ang posisyon kaysa naman mapunta kay sister-in-law ang sisi dahil sa atin! Nadamay siya sa gulong ito dahil sa atin at malaki na ang itinulong niya sa atin, hindi ako papatahimikin ng konsensiya ko at hindi ko kakayanin na maging walang utang-na-loob."

"Hindi din kaya ng lolo mo. Kaya naman, kung ililigtas natin siya, maging handa ka na mawala sa iyo ang posisyon na ito."

"Handa na akong isuko iyon," direktang sagot ni Munan, hindi kakikitaan ng dalawang-isip sa kanyang tono. Wala ding tumutol mula sa iba, lahat sila ay tahimik.

Tumango si Lolo Xi at sinabi, "Kung gayon ay mabuti. Pagtuunan natin ng pansin kung paano natin siya agad mapapalabas sa piitan."

Sabay-sabay na sumagot ang mga miyembro ng Xi family. "Opo!"

Kahit na nadamay ang Xi family, ang kanilang kapangyarihan at impluwensiya ay nandoon pa din. Dahil sa kanilang lubos na pakikialam, sa wakas ay nabigyan ng piyansa si Xinghe. Hindi lamang ginawa ng Xi family ang lahat ng magagawa nila para mailigtas ito, kahit sina Gu Li at Yan Lu ay ginamit ang bawat koneksiyon na mayroon sila.

Nasorpresa si Xinghe na nakatanggap siya ng tulong mula sa maraming tao. Dahil sa siya lamang ang pinuntirya ni Saohuang.

Kung gusto nilang iligtas ang kanilang mga sarili, iniwanan na sana siya ng mga ito para mamatay.

Related Books

Popular novel hashtag