Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 416 - Hinuhuli Ka Namin

Chapter 416 - Hinuhuli Ka Namin

"Big Sister Xia, ano na ang gagawin natin ngayon? May mga tao na dito para arestuhin ka, ginagawa na nina Yan Lu ang magagawa nila para matagalan pa sila!" Natatarantang sinabi ni Munan. Sa maraming kadahilanan, malaki pa din ang tiwala ni Munan kay Xinghe sa mga panahong ito. Dahil sa kanyang katalinuhan, siguradong may solusyon siya para dito.

Umiling si Xinghe. "Wala din akong ideya kung ano ang gagawin. Hindi ko inaasahan na gagawa ng malaking sakripisyo si Saohuang para i-frame ako."

Malaki nga ang ginawang sakripisyo ni Saohuang. Ginawa niyang sakripisyo ang isang kasamahan para lamang i-frame sila…

Sa ibang banda, siguradong matagal itong nag-isip laban sa kanila.

"Wala ka ding maisip? Pero kung wala tayong maiisip na solusyon agad, huhulihin ka na nila. Hindi namin mapapayagang mangyari iyan, sino ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa iyo kapag nasa kustodiya ka na nila," nag-aalalang sabi ni Munan.

Tiningnan siya ni Xinghe at kalmadong nagsabi, "Huwag kang mag-alala lang tungkol sa akin, mapapahamak ka din. Ako ang inuuna nila para puntiryahin ang Xi family. Kahit na nalinis na ang pangalan mo noong nakaraan, walang kasiguraduhan na hindi ka na naman madadawit sa kaguluhang ito."

Hindi na nag-aalala pa si Munan tungkol doon.

"Huwag kang mag-alala, iintindihin na lamang natin iyan mamaya. Ang mas importante ngayon ay ikaw, ang pangalan mo ay direktang lumabas sa listahan, kaya ang pagdududa sa iyo ay hindi agad mabubura. Ang pamilya namin ang nagdala sa iyo sa kaguluhang ito, paano kung may mangyari sa iyo, paano pa kami makakatulog ng mahimbing sa gabi?"

Inalo siya ni Xinghe, "Huwag kang mag-alala, hindi ito ang katapusan ng mundo. Makikipagtulungan ako sa kanila sa ngayon at gawin natin ang ating makakaya para maalis ang pagdududa. Huwag nating kalimutan, nandiyan pa si Mubai na maaasahan natin."

Naiintindihan ni Munan ang ibig niyang sabihin. Masaya niyang sinabi, "Tama iyon, maaasahan pa natin si Big Brother. Kapag may nakuha siyang ilang impormasyon sa kanyang parte ay malilinis na ang pangalan mo. Pero… wala pang makukuha na kahit ano si Big Brother kahit na ginamit na niya ang ilan pa sa kanyang mga asset. Ang ikinatatakot ko na kapag may mahanap nga siya ay masyado ng huli ang lahat."

"Ito na lamang ang tanging paraan na mayroon tayo. Kung ang lahat ay pumalya, kung ganoon…" Bago pa nakatapos si Xinghe, ay nakita na nila ang grupo ng mga pulis na papalapit sa kanila. Sina Yan Lu at ang iba pa ay nakasunod at nag-aalala silang nakatingin sa kanya. Ang grupo ay tumigil sa kanilang harapan.

Maawtoridad na nagsalita ang namumunong opisyal, "Xia Xinghe, pinagsususpetsahan ka na sangkot sa isang internasyonal na kaso ng pagnanakaw ng mga armas militar. Hinuhuli ka namin, pakiusap sumunod ka sa amin ngayon."

"Bingi ba kayo?!" Pinagalitan ni Yan Lu ang mga ito, "Sinabi na namin sa inyo, ginugol ni Miss Xia ang mga nakaraang linggo sa loob ng kampo militar, hindi siya lumabas ng compound, kaya paano naman siya masasangkot sa pamumuslit na kasong ito? Hindi din kailangan ni Miss Xia ng pera, halata namang isa itong set up!"

"Tama iyon. Lahat kami ay handang maging saksi niya," dagdag ni Gu Li. Ang iba pang nasa kampo ay sumang-ayon na tetestigo para kay XInghe pero hindi sila binigyan pansin ng namumunong opisyal.

"Ang mga salita ninyo ay hindi magbabago ng isip ko! Ang alam namin ay lumitaw ang pangalan ni Xia Xinghe sa listahan, ibig sabihin noon ay isa siyang pinagsususpetsahang kriminal. Isa pa, hindi na niya kailangan pang umalis ng kampo, kailangan lamang niyang igalaw ang kanyang mga daliri. Narinig ko na mahusay si Xia Xinghe sa computer, tama?"

Naningkit ang mga mata ni Munan. "Ano ang ibig mong sabihin doon?"

Malamig na sumagot ang opisyal, "Ayon sa aming imbestigasyon, ang kriminal na sindikatong ito ay kumikilos at ginagawa ang kanilang mga krimen gamit ang internet."