Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 410 - Magsimulang Mag-hack

Chapter 410 - Magsimulang Mag-hack

Ilang beses na muntikan na siyang mapabagsak. Ang piloto ay isang napakabatang binata. Ito ang may pinakakaunting karanasan pero ang pagpipiloto ng isang combat jet ay ang kanyang pangarap. Ibinigay na niya ang lahat ng magagandang pagkakataon sa buhay niya para makasali sa drill na ito. Inisip niya na sa wakas ay makakakuha na siya ng karangalan para sa kanyang grupo pero nauwi siya na palaging naiipit mula sa simula. Mula ng magsimula ang laban ay puro pag-iwas lamang ang kanyang ginagawa, at mas maraming pag-ilag pa…

Gayunpaman, hindi sumusuko ang binata. Hanggang sa huling sandali, hindi siya susuko o mawawalan ng pag-asa!

Habang iniiwasan na naman ng binata ang pag-atake ng kalaban, isang maliwanag na boses ng babae ang kanyang narinig mula sa kanyang mic, "Susuportahan kita mula ngayon, hindi ko alam ang mga code words kaya makinig kang maigi sa mga utos ko, lumiko ka agad ngayon sa kaliwa."

Gulat pa din ang lalaki nang dumating ang utos. Gayunpaman, salamat sa kanyang pagsasanay, hindi sinasadyang napaliko siya sa kaliwa. At sa sandaling iyon, isang kalabang combat jet ay tumira sa lugar kung saan siya natuon bago siya umalis. Isa na namang pagkagulat ang naramdaman niya at sa sandaling iyon, panibagong utos ang dumating.

"Lumipad ka pataas, matapos ay tumira ka sa kanan mo!"

Kumilos ang lalaki ayon sa kanyang reflex kahit na hindi niya alam kung bakit niya ito ginagawa, pero matapos niyang gawin, matagumpay na natamaan ng kanyang pag-atake ang isang kalabang combat jet!

Nanlaki ang mga mata ng binata sa pagkabigla. Napanganga sina Yan Lu at ang iba pa. Ito ay… Ito ay masyadong hindi kapani-paniwala!

Talagang nagawang mahulaan ni Xinghe ang trajectory ng kalaban at nagsagawa ng pangontra na pag-atake. Kung nahuli sila ng ilang segundo, ang kanilang jet ang mapapabagsak. Gayunpaman, sa ilang segundong iyon, nahulaan agad niya ang galaw ng kalaban. Kahit ang mga bihasang sundalo ay hindi ito magagawa…

Siguro ay isa siyang klase ng bida sa nobela dahil ito lamang ang tanging paraan para maipaliwanag ang kanyang galing!

Kumplikado ang nararamdaman nina Munan at ng iba pa pero, para sa iba pang dahilan, may nararamdaman silang masidhing kasabikan. Nakaramdam sila ng karangalan na makasama ang presensiya ng isang kahanga-hangang nilalang.

Muli, napatunayan ng realidad na si Xinghe ay may super computer bilang kanyang utak. Nagagamit niya ang kanyang kutob at karanasan para mahulaan ang galaw ng mga kalaban. Tulad ng isang bihasang mathematician na mahuhulaan ang arc trajectory ng isang bagay na ibinato, ganoon din ang ginagawa ni Xinghe sa mga combat jets.

Dahil sa kanyang mga utos, ang batang piloto ay parang naipanganak muli. Nagawa niyang baliktarin ang sitwasyon sa pamamamagitan ng pagbaril at pagpapabagsak ng ilang combat jet ng siya lamang. Ang takbo ng digmaan ay nagbabago na, at ang grupo ni Saohuang ngayon ang nagigipit.

Ang biglaang pagbabago na ito ang nagpataas ng lakas ng loob ng mga tauhan ni Munan, at ipinakita nia ang mas mataas pa sa normal na antas ng abilidad. Hindi nagtagal, natatalo na nila isa-isa ang kanilang mga kalaban, isang katayang walang kalaban-laban ang nangyari!

Ang resultang ito ay nagdulot ng hindi lamang pagkabigla sa grupo ni Munan kundi maski sa partido din ni Saohuang.

"Ano ang nangyayari? Paano ito nagkaganito?" Nakatutok ang tingin ni Saohuang sa screen at hindi makapaniwalang nagtatanong.

"Wala kaming ideya, tila ba ang kalaban natin ay nagsimula nang mang-hack sa kumpetisyon o kung ano," natatarantang sagot ng adjutante.

"Ano ba kasi ang p*tang*nang pinaggagagawa ninyo?" Bumaling na si Saohuang para punitin ang mga taong nag-uutos.

Ang isa sa kanila ay sumagot ng nahihirapan, "Sir, sa ibang kadahilanan, tila ba nagkaroon sila ng kakayahang makita ang hinaharap."