Chereads / Mr. CEO, Spoil me 100 Percent! (Tagalog) / Chapter 404 - Karangalan ng Nagwagi

Chapter 404 - Karangalan ng Nagwagi

Tumango din si Gu Li. "Miss Xia, natalo mo na siya. Wala ng dahilan para tanggapin ang kahit ano pang hamon, walang makakapagreklamo ng iyong tagumpay."

"Tama iyon, Miss Xia, huwag mo nang pansinin pa ang mga baliw na mga ito! Huwag kang mag-alala, personal kong sasapukin ang kahit na sinong nangahas na magsabihing hindi ka nanalo!" Galit na dagdag ni Yan Lu.

Naupo si Xinghe at kalmadong sinabi, "Huwag kayong mag-alala, kaya kong gawin ito ng sarili ko."

Sumabat si Sun Yu, "Makikita natin!"

"Kung gayon ay magsimula na tayo," bumaling si Xinghe kay Saohuang, "Buksan mo din ang mga mata mo at manood kang maigi dahil maaaring ikaw na ang susunod."

Naningkit ang mga mata ni Saohuang at ngumiti. "Nakakatuwang tao naman si Miss Xia."

"Makikita mong mas interesante ako mamaya lamang." Ibinalik ni Xinghe ang kanyang ngiti bago humarap sa computer screen. Inutusan niya si Gu Li, "Leader Gu, pakisimulan na ang oras."

Nakita ni Gu Li ang kanyang determinasyon kaya naman tumigil na siya sa pangungumbinsi dito. "Sige, maghanda na kayo, sisimulan ko na ang timer maya-maya lamang."

Nagsimula na uling manahimik ang buong silid. Agad na inihanda ni Sun Yu ang kanyang sarili. Matapos marinig ang "Start!" ni Gu Li, mabilis nila muling hinarap ang kanilang mga computer.

Gayunpaman, ang kaibahan sa pagkakataong ito ay ibinigay ni Xinghe ang lahat ng kanyang kakayanan sa simula pa lamang!

Si Sun Yu na naiiwan ay tumawa ng makita niyang seryoso si Xinghe. Ang ibig sabihin nito ay sineseryoso na siya ni Xinghe pero kahit ano pa ang mangyari, hindi niya magagawang makatapos!

Hindi na nagmamadali si Sun Yu dahil alam niyang hindi niya ito matatapos. Ito ang pinupuntirya niya, ang matalo ng magkasama! Kahit na matalo siya, kailangan niyang hilahin ito pababa kasama niya! Ang klase ng tao na ganito ay ang pinakamasama. Hindi nila makayang makita ang ibang tao ng masaya; kailangan nilang sirain ang lahat para ang lahat ay maging miserable katulad nila. Alas, sa pagkakataong ito, sinipa niya ang isang bakal na pader.

Sa ikatlong minutong marka, nakatapos si Xinghe sa pagdedesenyo ng isang maliit na software.

Sa ika-anim na minutong marka, ginamit ni Xinghe ang software para mang-hack ng 100,000 IPs.

Sa ika-siyam na minutong marka, tumigil na sa pagtipa ng tuluyan si Xinghe.

Nang tumigil siya, tahimik na tahimik ang buong silid. Nanigas ang katawan ni Sun Yu ngunit ang puso niya ay patuloy na tumitibok. Walang nakakaalam kung bakit biglang tumigil sa pagtatrabaho si Xinghe.

Sumusuko na ba siya dahil tapos na ang oras… o… dahil natapos na niya ang lahat?

Walang makakapagsabi at ang kanilang mga puso ay nasa kanila ng mga lalamunan. Hindi sinasadyang napigilan din nina Munan at Saohuang ang kanilang paghinga dahil sa sobrang kaba. Nagsimulang manalangin ng husto si Sun Yu, nagdarasal na sana ay natalo si Xinghe.

"KO!" Biglang sinabi ni Xinghe ang dalawang letrang iyon.

KO, o knock out, ay nangangahulugang nanalo siya. Bihirang ginagamit ni Xinghe ang terminolohiyang ito pero nang araw na iyon ay ginamit niya ito ng dalawang beses laban kay Sun Yu.

Siya… ay nanalo! Hindi lamang minsan ngunit dalawang beses laban kay Sun Yu noong araw na iyon!

Hindi sinasadyang nanginig si Sun Yu. Nahihiyang ipinaling niya ang ulo, ang mukha niya ay kasing putla ng yelo. Ang mga labi niya ay nanginginig habang tumututol siya, "Hindi ako naniniwala…"

"HIndi ko na kailangan pang ipaliwanag ang sarili ko sa taong natalo na sa akin ng dalawang beses. Ang tanging bagay na kailangan mong malaman ay… lubusan ka nang natalo!" Pinagkadiinan ni XInghe ang bawat salita, ang bawat pantig ay punung-puno ng karangalan ng isang nanalo ng lubusan.

Related Books

Popular novel hashtag